Chapter 12

1.2K 34 0
                                    


Chapter 12


NAPAKUNOT ako ng noo ng magising ako sa di pamilyar na silid. Unti- unti akong nagmulat at nilibot yung paningin ko ngunit puro puti lang yung nakikita ko.

Dahan dahan akong bumangon at chineck yung buong katawan ko ngunit wala naman akong kahit anong sugat maliban sa tuhod kong hindi ko masyadong maigalaw at medyo nanginginig pa.

Kinuha ko yung puting kumot na nakabalot sa katawan ko. Bababa na sana ako ng kama ng biglang bumukas yung pinto. Nalaglag yung panga ko ng makita kung sino yung lalaking nasa harapan ko.

" Gin."

Kunotnoo kong tanong. Bakit siya nandito? Nasan ako? Nang makita niya ako ay binitawan niya yung dala niya plastik at lumapit sakin para alalayan ako.

" Are you okay? May masakit ba sayo?"

Wala sa sariling umiling ako at di maalis ang tingin sa kanya. Sandali kami nagkatitigan. Ako rin yung unang umiwas ng tingin. Bigla akong nailang sa sobrang lapit namin. Lumayo ako ng kunti at tumikhim.

" N- Nasan ako? Anong n- nangyari ?"

" Wala kang naalala?"

Napakunot ako ng noo at napatingin sa kanyang kayumangging mata. May nakita akong takot at pag alala dito. Tama ba yung nakita ko? Isang Gin Villaester nag aalala sakin? Ipinilig ko yung ulo ko.

Imposible.

" Nakita kitang nahimatay sa gitna ng daan. I was f*cking scared. What happened ?"

Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari.

Ang Bata , Ang pulang Rosas , Ang ngisi ng lalaki , Ang Dugo at Ang Pusa. Yung pusa .

Nakakatakot yung itsura ng pusa. Hiwalay ang kanyang ulo. Nakadilat siya at nakatingin sakin. Na parang ako yung sinisisi niya sa pagkamatay niya.

Napaatras ako at napatakip ng tenga.

Yung PUSA
.

Yung amoy ng dugo.

Ang lalaki.

Yung kotselyo.

Nanginginig na umupo ako. Hinabol ko yung hininga ko. Unti- unti ko naman naaamoy ang DUGO.

Ang masangsang na amoy na dugo.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dalawang kamay na naliligo sa dugo na nakahawak sakin. Nagwala ako at pilit tinatanggal ang kamay.

Sumiksik ako sa tabi at mas lalong tinakpan yung tenga ko para hindi makarinig ng kung ano. Nandito parin yung amoy ng dugo. Nanunuot sa ilong ko hanggang sa kalamnan ko. Dumalaloy narin sa Ugat ko.

" AAAHHHHHHH !!!! "

" MHEL ?What the f*ck is happenning!? MHELANIE !!! "

Naramdaman ko na parang may yumuyogyog sakin. Dinilat ko yung mata ko at nakita ko ang mukha ni Gin nag aalalang nakatingin sakin. Unti - unti kong binaba yung dalawang kamay ko at nilibot ang paningin ko sa buong kwarto ngunit walang dugo.

WALANG DUGO.

" Calm down ... mhel ... What just happened."

Napatingin ako sa kanyang kamay na hinahaplos yung balikat ko. Napaangat ako ng tingin sa kanyang mata. Nakaluhod siya sakin at magkapantay yung mga mukha namin.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon