Chapter 26
Napalinga linga ako. Di ako mapakali sa kinatatayuan ko. Pauwi na kami galing falls at dito kami dumaan sa kabilang daan kung saan malapit lang yung bahay namin. Nasahulihan ako at kasabay ko si gin na kanina pa nakatitig sakin. Pinagmamasdan ang bawat galaw ko." Are you okay ? You look tense."
Umiling ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Inakbayan niya ako at sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa mga taong nasa harapan mukhang hindi yata nila kami napansin.
" Hushhh... Pwede kang magtago sa katawan ko."
Napaawang ang labi ko.
" H- Ha ?
" May tao."
Nanlaki ang mata ko at mabilis nagtago sa kanyang katawan. Narinig ko siyang tumawa.
Napakunot ako ng noo at unti- unting umangat ng tingin sa kanya. Nakasalubong ko na naman ang kayumanggi niyang mata. Kung hindi ko kontrol yung sarili ko ay baka napatulala na naman ako sa kanya.
Tumikhim ako at talim siyang tiningnan.
" Tinutulungan mo ako ? o nanantsansing ka lang ?"
" BOTH ." tumawa siya.
" C'mon mhel . Pareho lang tayong makikinabang. You can hide in my body and I will enjoy your body."
Napakurap kurap ako. Bakit parang may ibang meaning yung sinabi niya?
Tumawa siya at kinurot yung pisngi ko.
" Your blushing ." mas lalong namula yung mukha ko. Tuluyan na akong nagtago sa kanyang dibdib.
" Nasan sila ?" Tanong ko kay gin ng makitang wala ng tao sa harapan namin.
" Iniwan tayo." simpleng sabi niya. Sinuntok ko siya sa dibdib.
" Baka maligaw sila !"
" Don't worry. May tourguide silang kasama . Just stop worrying about them . Worry about your self . Baka maligaw ka sakin." kinindatan niya ako.
" Gin kanina ka pa ah !"
Tumawa lang siya. Napakunot ako ng noo ng tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Nagpabalik balik siya ng tingin saking likod. Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mata. Mas lalong kumunot ang noo ko at sinundan ang kanyang tingin.
Napaawang ang labi ko ng makita ang binatang nakatayo sa harapan namin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong hinawakan ni gin ang aking pulso.
Nakita kong nanlaki rin ang mga mata niya. Di makapaniwalang tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.
" M- M- Mark ?"
" A- A...te..." napaawang ang labi ko.
Di ako makapaniwalang mas matangkad na siya sakin ngayun. Parang kailan lang. Binata na siya !
BINABASA MO ANG
ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)
De TodoMhelanie Ramos is a probinsyana innocent girl , living in the simple life before she found out that his boyfriend cheat on her. She's totally broken hearted and then she found out that she's pregnant with Gin's child. Her life is totally changed. He...