Chapter 40

1.3K 28 0
                                    

Last Chapter

" Natagpuang patay si Alias Nelo o tinatawag nilang ' madam' sa bakanting lote . Sa dulo ng iskinita . Dinala na ang katawan niya sa morgue . Pinaghihinalaang nagpakamatay ito. At isang linggo ng nabubulok ang kanyang bangkay. Nandun pa ang ilan naming kasamahan upang mag imbestiga. "

Tumango si Gin ako naman ay natulala. Naging blanko yung isip ko . Narinig ko nalang ang pagbukas sara ng pinto at lumabas na yung mga pulis. Si gin yung naghatid sa kanila sa pinto dahil di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Pagkatapos nun ay nilagpasan niya ako at dumiretso sa kusina. Hinayaan ko lang siya. Dahil tulala parin ako sa kawalan. Naramdaman kong dumaan ulit siya sa harapan ko pero di ko siya pinansin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang nagpabalikbalik hanggang naramdaman kong tumigil na talaga siya at hinarap ako. Narinig ko ang kanyang malalim na buntong hininga at mahinang pagmura.

" Are you okay? "

Hindi ako sumagot. Masyado akong maraming iniisip. Tulala parin ako.

" Mhel? "

Napaangat ako ng tingin.

" H- Ha? "

Napakunot siya ng noo. Ako naman ay napaiwas ng tingin. Saktong lumabas si gino sa kanyang kwarto at agad na lumapit sakin.

" Mama , punta tayo ng mall.. " napabuntong hininga ako.

" Gino , pagod si mama. Kayo munang dalawa ni tita sheila a? Mamaya dadalaw si lona at kasama niya si jason. " bumagsak ang balikat ng anak ko at tumingla sa kanyang ama na parang nanghihingi ng tulong.

" Mama , si tita sheila nalang lagi kong kasama. Si papa nalang lagi katabi kong matulog. Hindi niyo na po ba ako 'love '. " napakunot ang noo ko habang nakatingin kay gino.

" Gino? Wag makulit. Diyan ka muna sa papa mo. " pagkatapos kong sabihin yun ay tumayo na ako at iniwan silang dalawa dun.

Pumasok ako sa kwarto at wala sa sariling umupo sa kama. Napatingin ako sa bintana at di ko namalayang napatulala na naman ako dun.

Bumaba ang tingin ko saking pulso na may bahid pa ng sugat na binigay niya sakin. Hindi ko alam kong ano yung nangyari sakin at nagising nalang ako hawak ko ang basag na baso at nakatuon ito saking pulupulsuhan.

Bumukas ang pinto. Mabilis ang mga pangyayari kasing bilis ng kidlat. Para akong binuhusan ng tubig at nagising nalang wala na sakin yung baso. Nagkalat ang dugo sa sahig at alam kong hindi sakin yun.

" What the hell are you doing?! "

Napatulala ako at napatingin sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nagdudugo.

" Mhelanie?! F*ck! Are you damn listening? "

" H- Ha? "

Sandali siyang napakunot noo. Binaling ko ang tingin ko sa sahig sa mga nagkalat nabaso at dugo na galing sa kamay ni gin. Wala parin akong reaction. Hindi ko alam kung bakit hindi gumagana ang utak ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Naramdaman ko nalang ang paghawak ng isang kamay sa kamay ko.

" Mhel? "

Nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kong ilang minuto niya akong tinitigan bago niya pinisil ang kamay ko at tinignan ako ng may pag aalala.

" Are you really okay? "

Napakagat ako ng labi tsaka umiling. My tears starting to fall hanggang magsunod- sunod na.

" H- Hindi ko a- alam..." nanginginig yung boses ko.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at nakaawang labing tinitigan ako.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon