Chapter 30

1K 25 1
                                    

Chapter 30

" AKALA KO MAGIGING LIGTAS SA LUGAR NA'TO ? Ang taong kumapit sa yo ?" napakunot siya ng noo.

" What do you mean? " pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko . " Patay na si Olivia. " napaawang ang labi niya kaya napangisi ako.

" Kung sino man ang taong nasa likod nito paniguradong alam niya. At kapag nalaman niyang kumampi pa ako sayo . Ay baka ako na ang isusunod niya. "

" Nasan siya? " napataas ako ng kilay.

" Si olivia. ? Natagpuan nalang siyang walang buhay sa tabi at hawak na ng mga pulis ang kanyang bangkay. " napaatras siya at ginulo ang kanyang buhok.

" Sh*t, " tinalikuran niya ako at mabilis tumakbo papalabas ng club. " SHIT! " at isang kurap ko lang ay nawala na siya sa paningin ko .

Gumalaw ang panga ko at pinipiglan ang lahat ng emosyon na gustong kumawala. Not now mhel . Wag kang maging mahina ngayun . Mas lalo ka nilang tatakutin kapag pinakita mong mahina ka.

Nagawi ang tingin ko sa counter . Nakita kong busy si jude sa paghalo ng mga inumin habang nakikipagtawanan sa mga lasingero . Nang magawi ang tingin niya sa banda ko ay kumaway siya sakin .

Hindi ko alam kong anong nangyayari sakin dahil hindi ko na siya magawang ngitian siya pabalik . Natulos nalang ako sa kinatatayuan ko at napatalon ng biglang may humawak sa balikat ko .

Nakakunot noong tumingin sakin si madam.

" Ayos ka lang mhel ?"

Nakaawang ang labi ko at bumukas sira ang bibig ko.

" Kung hindi maganda ang pakiramdam mo pwede kang umuwi ng maaga, " napakunot ako ng noo at tumingin sa kanya. First time niya sabihin sakin yun. Kadalasan ay ayaw niya akong pauwiin ng maaga at madalas pa akong pinag oover time dahil ako lagi ang hinahanap ng mga custumer.

" Kayo po yata ang may sakit , madam? " aukward akong tumawa. Hinaplos niya ang likod ko na nagpatayo ng mga balahibo ko . Mabilis akong umiwas at bahagyang umatras.

Hindi ko alam kong bakit hindi ko magawang maging comfortable sa kanya kahit mabait naman siya sakin . Natawa siya at mukhang hindi na nagtaka sa mga galaw ko . Siguro nasanay narin siya dahil hindi ko talagang magawang maging malapit sa kanya.

" Pwede ka munang magpahinga e advance mo nalang yung sweldo mo. Kunin mo nalang dun kay Jeki ." wala sa sariling tumango ako at nagtataka parin sa mga kinikilos niya.

Ngumiti siya at tinapik muna ang balikat ko bago umalis . Tulala parin ako habang naglalakad sa madilim na iskinita . Nitong nakaraan buwan. Napapansin ko na sa sarili ko parang nawawala na ako saking sarili.

Lagi ko nalang natatagpuan ang sarili kong tulala . Madalas rin akong napaparanoid . Parang hindi na normal ang mga kinikilos ko . Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sakin at sa anak ko .

Kailan pa kaya matatapos 'to? Pakiramdam ko ano mang oras ay babagsak na ako. Unti- unti na akong nanghihina.

Nang makarating ako sa madilim na parte ng daan at hinukay ko ang bag ko at hinanap yung cellphone ko upang gamiting flashlight . Napakunot ako ng noo ng may mahawakan akong kakaiba.

Dahil nasa madilim na parte na ako ay hindi ko na makita ang hinahawakan ko . Sa pagkakatanda ko make up lang ate isang pares ng damit ang nilagay ko dito . Bakit may matigas na bagay akong nahawakan ? Ano 'to? .

Hinukay ko pa ang laman ng bag ko at sa wakas ay nahanap ko na yung cellphone ko . Mabilis kong binuksan yung flashlight. Nanlamig ako ng makita ko ano ngayun ang hinahawakan ko. Ang BARIL.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon