Nagising ako sa malambot na higaan.
Ha? Kelan pa iniba yung design ng kwarto ko? Tsaka bakit..
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!" Napatalon ako sa kama.
BAKIT PANLALAKI YUNG SUOT KONG DAMIT?!?!?! ANONG NANGYARI KAGABI? ANONG GINAWA KO?!? AAAAAAA!!
"Hoy bakit ka sumisigaw?!!" Sabi ng lalaki. Teka, boses yun ni--
"JAAADEEN!!" Tumakbo ako sakanya tsaka siya pinaghahampas. "Anong ginawa mo sakin? May nangyari ba satin? Malalagot ka talaga sakin!!--"
Ginamit niya yung malaki niyang kamay tsaka niya nilayo ulo ko sakanya. "Ano bang pinagsasabi mo? Hanggang ngayon may tama kapa din noh?" Humagalpak siya sa tawa. "OA mo, wala akong ginawa sayo. Kadiri ka kaya." Tinuro niya pa dila niya na parang nandidiri.
"Eh, bakit ganto yung damit ko? Pinalitan mo 'no?! Nakita mo kaluluwa ko!!! Buset ka talaga!" Sinapak-sapak ko siya.
"Sir, Eto na po yung pinalaba niyong damit kagabi. 'Tsaka kelan ko po ulit papalitan damit ni---" Natigilan yung kasambahay ata nila.
"Ha?" Tanong ko kaya napatigil na din ako sa pagsasapak kay Jaden. Bali kasi ang weird ng posisyon namin ngayon. Nasa taas niya ako habang sinasakal pati sinasapak ko siya.
"Uhm, muka pong nakakaistorbo po ako sainyo. Mauuna na po ako, iiwan ko nalang po yung damit ni maam. Enjoy." Sabay kindat samin si ate.
Napatayo ako.
"Hala po!! Hindi po kayo nakakaistorbo! Mali po iniisip nyo!" Sigaw ko.
"Huwag po kayong mag alala ma'am. Di ko naman po kayo isusumbong sa magulang ni Sir." Kumindat ulit siya tsaka na umalis.
Tumawa ulit si Jaden kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Napaka OA mo talaga, Reena." Sabi niya. "'Yan na yung suot mo kagabi." Inabot niya sakin yung damit. "Kadiri ka talaga may suka suka pa yan nung pinalaba ko. Wag ka ding ilusyonada, masyado akong gwapo para palitan yung damit mo. Swelo mo, baka i-rape mo pako sa sobrang hot ko habang pinapalitan kita." Hinagod niya yung buhok niya sabay pogi sign.
"Nyenyenye, ewan ko sayo. Panget mo." Umupo ako sa kama. "Kung hindi ikaw nagpalit ng damit ko, sino?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Si Nanay Rossette, yung dumaan kanina." Napa ngisi siya.
Inerapan ko siya.
"Kung di mo lang alam, halos napatay na kita kagabi dahil wala pala sayo yung susi mo. Di ko alam gagawin ko kaya dinala nalang kita sa guest room namin. May bayad 'to ah. Nag overnight ka tapos may washing service kapa. Wag ka feeling VIP sa bahay namin."
"Thank you po Sir Jaden." Sarkastiko kong sabi.
Sa totoo lang, gusto ko talaga siya pasalamatan kaso mataas pride ko. Kaya naisipan kong ilibre nalang siya.
"Tara punta tayong mall, libre ko lahat." Sabi ko habang nakangiti.
"Ayos ka lang ba? may lagnat ka 'no? Bigla bigla kang bumait." Chineck check niya pa yung noo ko. "Ay wow pede nang maglanding yung sampong eroplano wieee."
"Heh! Dati pa ako mabait noh!" Pagsimangot ko. "Buset ka! Mas malaki pa noo mo sakin!!"
"Paano mo ako lilibre? Wala man nga sayo bag mo?" inekis pa niya yung braso siya.
"Uhm!! Daanan ko muna si Mykie sa condo niya! Alam ko naiwan ko sakanya yun!!" Sabi ko.
"Sino yun?" Napakunot siya ng noo.
"Ay di mo nga pala siya kilala. Basta kasama ko siya sa astronomy club dati."
"Turo mo nalang sakin yung daan." Sabi niya.
"Okie!!" Pagsang-ayon ko.
Napansin ko yung damit ko, maporma siya tignan kasi kulay black siya na may 'caution tape' na design. "Panlalaki 'tong suot ko!! Muka nyan akong ewan sa mall."
"May pants pa na naiwan yung kapatid ko dito bago siya pumuntang States, yun nalang gamitin mo. Bahala kana sa damit mo di kona kasalanan yan."
"Ayos nako dito sa damit, ayoko lang talaga 'tong pang sports short mo masyadong maluwag sakin."
"Arte mo talaga, bilisan mo nalang magbihis hintayin kita sa baba."
Sinuot ko na yung pants, masikip siya ng konti kaya mas lumabas shape ng katawan ko. Naisipan ko na gawin crop top yung malaking damit ni Jaden. Binuhol ko yung dulo kaya nagmukang maiksi.
Bumaba na din ako, ang tagal na nung tumambay ako dati dito. Bata pa kami non. Nung di pa siya sikat.
Naaninag ko si Jaden na naka upo sa sala nila. Nagsselpon ata. Pinuntahan ko siya.
"Uy, g na." Napatuon yung tingin niya sakin.
"Ganda naman, nung damit ko." Tumayo na siya at lumabas.
"Buti nalang napa-carwash kona 'to kanina. Pag nasuka ka ulit dito di kana pedeng makisakay." Pagsusungit niya. Attitude niya talaga, dinaig pako. Charot.
Pumunta na kami sa condo ni Mykie tapos akala niya pa na Jowa ko si Jaden. Yuck, kadiri.
"Thank you Myks!!"
"Sige enjoy kayo sa date nyo! Charot!" Tumawa siya habang pasara yung pinto.
"Pareho kayo ng kaibigan mo 'no. May sira kayo."
"Parang ikaw wala."
Umalis na kami at dumeretso sa mall.
"Tara na! Libre mo lahat ah!!" Excited niyang sabi habang nakangiti. "Milktea tayo!"
"Sagot kona lahat!!" Hinila-hila niya ako. Jusko talaga, parang bata.
"Uhm, mag ooreocheesecake ako. Ikaw?" Tanong ko kay Den.
"Uhmm, yung chocomalt!! Padagdag po ng cream puff! Gusto ko din ng nachos."
"Takaw." Mahina akong napatawa.
"Ngayon ka lang nanlilibre! Susulitin ko na!!" Nakangiti niyang sabi.
Hinintay namin yung order sa bakanteng table.
"1 oreo cheesecake, 1 chocomalt with extra creampuff, and nachos for Tiger ang Bunny." Natawa si ateng nag aannounce.
"Hoy, satin ba yon??" Tanong ko kay Jaden.
"Oo haha, wait kunin ko."
Nilapag niya yung tray pero nakunot noo ko nung nalaman ko kung sino yung tiger.
"Grabe ka! Anong tiger! Di ako tiger 'no!! Grrr!!" Pasigaw pero mahina kong sabi.
"Sabi ko nga, 'Grr'" Humalakhak siya.
"Bakit ka bunny?"
"Malamang, kasi cute ako."
"Sabihin mo nalang, bago ka magkabrace parang bunny yung ngipin mo! HAHAHA!!"
"Dati pa yon! Buset!!"
Ang saya kasama ni Jaden kahit nakakabwisit siya. Ngayon lang ulit kami nag usap ng ganito.
"Wag mo sabi akong titigan, maffall ka."
"Mangarap ka."
Tumawa kaming dalawa.
"Uyyy, si Mr. MVP ng VolleyBall team!! May Jowa na!! Pakilala mo naman samin--" Pang aasar nung boses na narinig ko galing sa likod ko. Yung boses na yon, napaka pamilyar.
Nilingon ko siya.
Nagulat ako dahilan ng pagkabagsak ng milktea ko.
"K-kent?"
"Reena..."
BINABASA MO ANG
Desires of the Universe (On-Going)
Teen Fiction"We were so young, yet it felt like we owned the universe. I love you still." He said. "No, you left me." She took a breath. "Iniwan mo akong mag isa habang nakatingala sa tala, nagbabakasakaling babalik ka. Araw araw akong naghihintay." "I'm here n...