Chapter 01:

27 4 0
                                    

(A/N: unedited pa po ito and the chapters ahead, sorry na agad kung may typo, grammatical errors.)

"Huh?" Pagtataka ko.

Di ko masyado narinig yung sinabi niya kaya nilingon ko kung saan nanggagaling yung boses.

Wala namang tao.

Baka sa isip ko lang yon.

Tama.

Walang tao.

Walang Kent.

Napabuntong hininga nalang ako. Sawang sawa na ako, ayoko nang maghintay na bumalik siya sa dati.

Gago na siya, habang buhay na siyang ganon. Di na magbabago 'yon.

Naglakad na ako papunta sa cr at tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

Ano ba 'yan!! Ang pangit ko na! Dugyot ba talaga ako?? Huhu. Ano bang masama sa stars? Ba't ayaw nila?

3 years ago.

"Uy Reena oh!!" Sigaw ni Kent. "Ang ganda ng langit diba. Napaka mysterious, pero maganda padin haha!!" Tuwang tuwang ika niya.

"Oo nga 'no, napaka lawak ng kalawakan. Gusto kong maka-discover ng isang star tapos ipapangalan ko sayo."

Bigla siyang napatingin sakin. Iba yung titig niya. Nakakabilis ng tibok ng puso.

Biglang humangin, ang lamig.

"Ikaw..." Mahina niyang sabi. "Ang bituin na gusto kong makuha."

Biglang natahimik yung paligid.

"H-ha? Pinagsasabi mo? Crush mo'ko noh?" Pang aasar ko.

"Hindi ah!! Yung muka mo kasi parang pinagbagsakan ng meteorite HAHAHA!!!"

"Anong connect nun??" May sira talaga 'to eh.

"Co? Constellation."

Inerapan ko siya. Walang sense sinasabi niya!! Sana maibalibag ko siya sa space tapos di na siya makabalik! Grr

"Uy!! Shooting star oh!" Turo niya sa langit. "Mag wish tayo dali!!"

"Okey, sige." Pinikit ko yung mata ko at nagwish.

"Ano wish mo?" Tanong ko.

"Ikaw..Ah!! Ikaw?? Ano muna wish mo?"

"Sana hindi mo ako iwan." Tinignan ko siya, halatang may bumabagabag sakanya.

Napatigil siya sa sinabi ko at binaling niya ulit ng tuon yung langit.

"Hindi ko.. matutupad yan." Malamig niyang sabi sabay tayo.

Napabuntong hininga siya.

"B-bakit?"  Tanong ko.

"Gabi na umuwi kana." Sabi niya nang hindi ako nililingon. "Wag mo na ulit akong kakausapin. Yun, yun yung winish ko. Sana tuparin mo."

Naglakad na siya palayo.

Habang iniwan ako.

Sa tambayan naming dalawa.

Na mag isa.

Kasama lang ang mga tala.

Hindi ko man nasabi na may nararamdaman na akong kakaiba.

Bakit?

Anong nagawa ko sayo?

Anong dahilan mo..Kent?

May nasabi ba akong mali?

Ang duwag duwag mo Kent.

Ang dami ko pading tanong.

Bakit ka nagbago bigla bigla?

Bakit mo ako iniwasan?

Bakit di mo masabi sakin ang dahilan?

Binasa ko ng tubig yung mukha ko para mahimasmasan.

Pwede ba, Reena Angelique!! Tama na yan!! Ilang taon na nakalipas!! Panahon na din, magbago kana.

Inis na inis ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon iniisip ko padin siya. Samantalang ako sakanya, parang multo lang pag dinadaanan.

Yung winish ko, hindi naman natupad. Iniwan niya ako. Akala ko mag kaibigan na kami hanggang dulo. Akala ko nahanap ko na yung bituin ko.

Baka tama nga sila, hindi na din ako maniniwala. Lahat ng importanteng tao sa buhay ko nawala.

"Ree!!! Nandyan kalang pala! Nag jebs kaba? Ba't ang tagal mo?" Tanong ni Mykie.

Nagulat ako kaya di ako agad nakalingon sakanya. Pinunasan ko muna yung luha ko tsaka ngumiti. Buti nalang nakapag retouch ako kahit konti.

"Napano mata mo? Bat namumula? Omg!! Wag mong sabihin--"

"Tanga, di ako nagddroga." Sabi ko. "Napuwing lang hehe"

"Ha?!?! Puwing? Pero magang maga mata mo? Yung totoo?"

"Ah ganyan lang talaga mata ko pag napupuwing." Pagtatakip ko.

"Edi wow, sige hintayin na kita." Sumandal siya. "Mag ayos kana nga mukha kang ewan eh."

Pagkatapos kong mag ayos bumalik na kami sa event. Nagsaya, naging baliw, ang creepy lang na parang may nakatingin sakin pero wala.

"Uy!! Shot tayo sis!" Sigaw ni Mykie.

"Saan mo galing yan?" Tanong ko.

"I find ways." Sabay kindat tas sayaw ulit.

"Di ako umiinom eh, ikaw nalang."

Ang ingay ng music nakakahilo, dagdag pa yung mga maraming tao.

Baka panahon na talaga para magbago ako.

Tignan mo lang Kent, kung gago ka..

Mas gago ako.

"Penge nga niyan Myks!!" Inagaw ko yung bote sakanya at dineretso kong ininom.

"Hoy! Ang wild mo Ree!! Kala ko di ka umiinom haha!!" Sabi ni Mykie na may kasayaw na lalaki.

"Kanina lang yon! Kita mo na na umiinom na ako ngayon!" Sinabay ko naring sumayaw. Iba yung feels, ang saya.

Naubos kona yung bote kaso nadulas sa kamay ko kaya aksidente kong nabasag. Napatingin saakin halos lahat ng tao, tinuloy ko lang yung pagsasayaw ko. Di na din nila ako tinignan.

Aray.

Natamaan ako ng bubog.

Sayaw lang ako ng sayaw kahit dumudugo na yung legs ko.

Wala na akong maramdaman, nasisiraan na ata ako.

Bakit parang may nakatingin padin sakin?? Joke, lasing lang ako.

"Tugs tugs tugs!" Sabay ko sa beat habang nakapikit.

"Wag kanang sumayaw, lasing kana." Sambit ng isang lalaki.

Napangiti ako.

"Hi, Jaden."










Desires of the Universe (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon