Chapter 04:

21 3 0
                                    

Biglang naiba yung awra ng mukha niya, ngayon ko nalang ulit siya nakita ng mata sa mata.

"Shut up, Kevant." Kalmado pero medyo nakakatakot yung boses ni Jaden. Ang sama din ng tingin niya. "Why are you here?"

Kelan pa nag eenglish 'tong gurang na'to?

"Bakit? Ikaw lang ba at yung 'jowa' mo pwedeng uminom ng milktea dito?" Tugon niya. Halatang may namumuong tensyon sa mata niya.

Napatayo bigla si Jaden, nanlilisik yung mata niya. Siguradong masasapak si Kent ng di oras.

Simula palang dati, nag aaway na sila. Tingin nila sa volleyball ay isang competition at hindi sport. Laging natatabunan si Kent dahil kay Jaden.

Ano nang gagawin ko? Ayokong mapunta pa 'to sa gulo.

"Jaden, tara na."

"'Wag ka na nga munang makisali, Reena." Sabi niya sakin. "Umiinit dugo ko dito."

Hinawakan ko siya sa braso na ikinagulat niya pati ni Kent.

"Wow, supportive naman ng nerd mong jowa." Napangisi siya.

"Hindi ko siya j--" Di ko na natapos yung sasabihin ko.

"Pake mo ba, hindi siya nerd. Matalino lang siya, normal padin siya. Wala kang karapatan para sabihin sakanya na nerd siya. Yumabang ka bigla porket naki sama ka sa mga aso mong tropa." Tinulak ako ng mahina ni Jaden papunta sa likod niya. "Hindi mo kina-angas yan bro."

"Dami mong sinasabi, di mo nalang idaan sa suntok. Ang weak mo talaga kahit kailan, Jaden Marko."

"Tumigil kana." Napatingin si Kent sakin. Nanlamig nanaman yung paligid. Agad din niyang inalis yung tingin niya nung nagsalita si Jaden.

"Reena, alis na tayo dito."

"S-sandali." Nauutal na sabi ni Kent. Nagulat ako, dahil nag iba agad yung mood niya. "Hiramin ko muna ng saglit yung kasama mong nerd, kakausapin ko lang siya. Mabilis lang. Wala akong gagawin na masama."

"Ayoko, may pupuntahan pa kami. Bahala ka na diyan Kevant Josh." Lumabas na kami sa milktea shop.

Hilaw parin sakin mga nangyari. Bakit ako gustong kausapin ni Kent? Bakit ang kalmado ng away nila? Bakit mag-isa lang si Kent? Asan yung mga tropa niya?

Ngumiti saakin si Jaden na parang walang nangyari.

"Uwi na tayo, nasa bahay ni mama yung mama mo. Dun na daw tayo magdinner." Aniya habang nakatingin sa cp niya.

"Aga pa eh, mag arcade muna tayo!! Haha!!" Sabi ko sakanya.

"Game!! Pampa alis ng badtrip!" Kinaladkad nanaman niya ako papunta sa pambili ng token.

Bumili akong tig-isang dosenang tokens para samin.

"Dun tayo sa may baril baril!!" Nakangiti niyang sabi habang tinutulak nanaman niya ako dun.

"Oo na!"

"Hoy yung zombies patayin mo!"

"Dali!!"

"Ibackup monga ako! Kulang na bala ko!!"

"Reena!!! Mamamatay nako!!"

"Reena! Ayun oh! Malapit na sa base!"

Napalingon ako kay Jaden. Sobra siyang nakafocus sa laro. Kahit pinapawisan siya gwapo padin. Bakit kaya wala pa siyang jowa?

"REENA!!! NAKAIN YUNG UTAK MO!"

"HA?" Pagtataka ko.

"WALA NA GAME OVER NA!!" Napasimangot siya tapos ngumiti din agad.

"OA MO HAHA!!"

Desires of the Universe (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon