Graduation Party.
"Congrats sa'tin Ree!! Graduate na tayo woohoo!!" Masayang sabi ng kaibigan ko.
"Thank you, Mykie!!" Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sinturon ka ghorl?? Sumobra naman sa higpit." Sabay halakhak.
"Sira." Nakitawa na din ako. "Nakita mo ba si K-kent?" Nauutal kong sabi.
Gusto ko siyang kausapin. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko.
"Hindi eh, ay teka!! Nandon yung mga 'bagong' tropa niya oh!!" Turo niya sa likod ko. Tinignan ko kung saan sila nakapwesto.
Wala naman doon si Kent.
"Teka lang Myks, may kakausapin lang ako."
Nilapitan ko sila para makapagtanong.
"Uhm, hello." Sabay yuko.
Lumapit sa'kin yung lalaki na matangkad pati moreno.
"Hello, congrats pala." Nakangiti niyang sabi. "Bakit ka pumunta sa pwesto namin? Sino hanap mo?" Dagdag niya.
"Ah! Uhm si Kent ba.." naputulan ako dahil sa sinabi niya.
"Wala na yon, Umalis na siya kanina pa." sabi niya. "Ikaw yung kaibigan niya nung junior high 'no?" tanong niya pa.
"H-ha? Oo. Bakit naman?" Naguguluhan na tanong ko.
Natawa siya nang malakas kaya mas naguluhan ako lalo. Di ko alam kung maasar ako o hindi.
"Ang dudugyot niyo non!! Puro kayo stars pati aral!! 'Di nyo man in-enjoy yung mga araw!"
Tumawa narin ang mga kasama niya.
"Buti nalang, napabago namin 'yong si Kent. Pasalamat ka dapat samin, kasi tinitingala na siya ngayon kaysa naging nerd tulad mo! Sayang ang ganda mo pa naman kaso ang dugyot mo lang." Pang aasar niya.
"Hindi nakakadugyot mag aral!! Kasalanan niyo pa nga 'to kasi nawalan ako ng kaibigan! Nakakainis kayo!!! Ginawa niyo siyang gago!!" Inis kong sambit sabay talikod dahil may namumuong luha na sa mga mata ko.
"Aw, kawawa ka naman. Iniwan ng malupit mong 'bestfriend'" nakakaasar niyang sabi.
Di ko na mapigilan na maiyak.
Sa inis.
Sa sakit.
Tumakbo ako papunta sa isang bakanteng upuan sa labas para walang makakita sakin.
Ang sakit.
Kent, Bakit?
Bakit ka umalis sa tabi ko?
Bakit wala ka nung panahong kailangan kita?
Bakit ka nagbago?
.
Paalis na sana ako kaso may narinig akong boses na nanggagaling sa likuran ko.
"Katulad ng araw sa buwan, hindi kita iniwan."
BINABASA MO ANG
Desires of the Universe (On-Going)
Ficção Adolescente"We were so young, yet it felt like we owned the universe. I love you still." He said. "No, you left me." She took a breath. "Iniwan mo akong mag isa habang nakatingala sa tala, nagbabakasakaling babalik ka. Araw araw akong naghihintay." "I'm here n...