"Well, mga anak." Sabi ni Mama sabay tingin samin. Hoy Ma! Ako lang anak mo dito huhu!!
"Ipaparenovate at ire-reconstruct yung bahay natin, Reena. Instead na magstay tayo sa apartment, napag usapan namin ni Tine na dito nalang muna tayo titira for 6 months. Ayos lang siguro sainyo 'yon no?"
Nagkatinginan kami ni Jaden pagkatapos tumawa kami ng malakas.
Napakunot ulo nina Mama kaya napatigil kami.
"Ano tinatawanan niyo? Seryoso 'to." Sambit ni Tita.
Sumubo nalang ako ng pagkain para mapigilan ko tawa ko.
"Ma naman!! I'll rather pay for their 6 months apartment rents than to live with her in the same roof!!!!" Pagrereklamo ni Jaden. Loko talaga 'to. Napapaenglish lagi ng di oras.
"E ano naman?? Ang arte mo talaga Den! Dati pa kayo magkakilala ni Reena, and you said both of you are good friends!! Ano nirereklamo mo nyan!?" Attitude talaga ni Tita. HAHAHA!!
"Magkaka babae sa bahay natin, Ma!!"
"Parang wala kang kapatid na babae 'no." Sabi ko.
"Oo nga naman Den. Ako, nanay mo ako, di ba ako babae?"
"Ma!! Iba kasi yon." Napaiwas siya ng tingin.
Sa totoo lang, di din ako komportable sa sitwasyon namin. Pero anong magagawa ko? Di ko naman mahihindi-an sina Mama at Tita.
"Ay manahimik ka Jaden Marko, wala nang reklamo, dito sila titira sa ayaw at sa gusto mo." Imik ni tita. "Bakit? May gusto ka kay Angelique?" Napangisi siya.
Halos maibuga kona yung kinakain ko sa harap nila.
"Wala kaya!" Sagot ni Jaden sa Mama niya.
Mas Binilisan niya pa pagkain niya.
"Tita Christine, salamat po pero mukhang ayaw po talaga ng anak niyong parang ewan na makasama kami. Magrrent nalang po siguro kami ni Ma—" Naputulan ako dahil nagsalita ulit si Tita.
"Hay nako, wag mong pakinggan 'yang si Den. Nag iinarte lang yan nak. Sino paba magtutulungan? Habang buhay kong best friend mama mo."
Tumawa silang dalawa ni Mama at tinuloy nila pagkain nila.
Natapos na kaming kumain at umalis ulit sina Mama at Tita dahil may gagawin pa sila sa trabaho nila.
Naiwan nanaman kami ni Jaden sa bahay.
"Hoy!! Dahil titira kana dito, maghugas kana ng plato." Utos niya sakin.
"Eh??" Tinaasan ko siya ng kilay. "Sabi mo kanina hati tayo! Daya mo."
"ISSA PRANKK!!" Sigaw ni Jaden sabay belat. Tumakbo siya papunta sa kwarto niya sabay lock.
"KAINIS KA!" Namumula nako sa galit.
Habang naghuhugas ako ng plato, iniimagine ko na na pinapatay ko si Jaden sa sampong masasakit na paraan. Di ko namamalayan na tumatawa na ako, ang mas malala pa ay napadaan si Jaden sa kusina kasi uminom siya ng tubig.
"Baliw kana talaga, tumatawang mag isa." Nilagay niya yung baso niya sa lababo. Baso lang di niya pa hugasan. Putulan ko ata siya ng kamay eh.
Kung di lang talaga malaki loob ko sa pamilya niya edi sana dati ko pa siya nilunod sa lababo. Grr
Tinapos konang maghugas at natulog na sa guestroom nina Jaden.
'Di padin ako makapaniwalang anim na buwan kong kasama 'to. Hindi naman kami naguusap ng masyado non pero lagi siyang nanghihingi ng mga sagot sa assignments sakin. Siya yung naglligtas sakin pag nabbully ako. Lagi niya akong pinagtatanggol. Masaya ako na kahit di niya ako masyado kinakausap sa school, gumagawa padin siya ng paraan para maging ligtas lang ako ng walang nakakaalam.
Ngayon na graduate na ako. I don't have to focus on my studies. I can live my life to the fullest already. I'm free and happy.
Bago ako makatulog, napatingin ako sa window. Ang ganda talaga ng kalawakan. Para akong pinapanood ng mga bituin. I shook my head. Tigilan kona dapat 'to, maling mali na. Ang daming alaala na hindi ko na dapat ibalik.
-
*phone ringing...
Kinapa ko yung cellphone ko habang naguunat pa ako. Ang aga aga may tumatawag. Sino naman 'to?
"Hello?"
"Sis!!!! Hoy Reena!!!!!!" Sigaw ng pamilyar na boses.
"Mykie? Ba't ka sumisigaw ang aga aga. Nag apply kabang maging manok?"
"Heh gago!! Seryoso 'to!!!" Sigaw niya ulit.
"Halata nga, napapamura kana eh."
"Check Twitter, ghurl! halos mahimatay ako sa nakita ko."
"Teka nga, ano ba kasi yon?" Pagtataka ko. "May nakita kananamang gwapo?"
"Oo pero hindi yun!! Tignan monalang kasi." Medyo kinabahan ako sa mga sinasabi ni Myks. Mukhang di nga maganda 'to.
Binuksan ko yung Twitter ko. Ang tagal kona 'tong hindi inoopen dahil di naman ako masyadong babad dati sa socmed. Nagulat ako nang biglang maraming nagffollow sakin. Saan naman nila nalaman account ko? Recent pa lahat.
"Hoy Ree! Nakita mona ba?" Tanong sakin ni Myks.
"Sandali nirerefresh kopa, sabog notifs ko eh." Sambit ko.
"Alam moba kung bakit andami mong notifs ngayon?"
"Hindi? Malamang?"
"Ikaw yung nagttrending sa twt."
Muntikan konang mabitawan cellphone ko sa sinabi niya. Ha? Ano daw? Ano naman nagawa ko?
"Pati ano, u-uhm si Jaden."
Namutla ako nang marinig ko pangalan niya. Please wag. Mali lang siguro naiisip ko.
"Ghurl..." Humalakhak si Mykie. "Sabi kona nga ba, bagay kayo eh. Ikaw ha, di ka talaga marunong magkwento."
"Ha? Lasing kaba? Anong pinagssabi mo?"
"Ikaw na tumingin."
"Former Volleyball Captain, Jaden Marko Vasques, dating rumors?"
"Vasques and Andrada, CAUGHT together by an ex student."
"Valedictorian, Andrada from the Astronomy Department speculated living together with the Volleyball Star, Vasques."
This can't be real...
"Myks, maya nalang! I'll call you back." Inend ko yung call.
Bumangon agad ako at dumeretso sa kwarto ni Jaden buti nakabukas.
"Hoy Jaden!" Sigaw ko. Nagulat ako kakatapos niya lang pala maligo. "Magbihis kana nga muna."
Malapit lang yung court nila sa room club namin kaya sanay nako na nakikita katawan niya kasi pag may training sila lagi siyang topless. Pero ngayon lang ako pinagpawisan, grabe ang init naman ng nilalabas ng aircon niya.
Napatingin siya sakin.
"Kumatok kana nga muna. Home onwer ka?"
"Edi wow." Inerapan ko siya sabay talikod. "Nakita mona ba yung sa twitter?" Tanong ko.
"Oo, and so?"
Nilingon ko siya. Sinasapak ko na talaga siya sa utak ko. Bwiset. Bakit wala siyang pakelam?
"Anong and so? Akala nila magjowa tayo!" Sigaw ko.
"Deal with it." Tumawa siya. "My jowa."
BINABASA MO ANG
Desires of the Universe (On-Going)
Ficção Adolescente"We were so young, yet it felt like we owned the universe. I love you still." He said. "No, you left me." She took a breath. "Iniwan mo akong mag isa habang nakatingala sa tala, nagbabakasakaling babalik ka. Araw araw akong naghihintay." "I'm here n...