Chapter 4

17 1 0
                                    

"When Hate turns to Love"
  Chapter 4

Amirah's POV

Nagising ako kasi parang masakit yung ulo ko pati na din ang buong katawan ko. Minulat ko ang akin mga mata at nagulat ako kasi wala pala ako sa kwarto ko kundi nasa --- kotse? At napaisip ako ay oo nga pala papunta pala kaming Pangasinan. Kaya tiningnan ko yung katabi ko at mahimbing din ang tulog nya.

Ilang minuto lang ay nagising na din si Kupal. Hays buti nman. Peru ansakit talaga ng katawan ko. Nababahing na rin ako.

"Achuuu! Achuuu!" Sabay kamot ko sa ilong ko. Feeling ko talaga lalagnatin ako. Ang lamig pa ng pakiramdam ko.

"May sakit kaba?" At bigla nyang nilagay ang kamay nya sa noo ko. Nagulat naman ako kasi nanlaki ang mga mata nya. "Hoy kulot may lagnat ka! Bat ba kasi pumayag kapa na sumama sakin?" Inis na bulyaw nya sakin. Peru di ko lang sya pinansin. Nakakatamad talaga magsalita.

"Di kaba uminom ng gamot pagdating mo sa bahay nyo kahapon? Ei alam mong naulanan ka. Tss" tumingin sya sakin at umiling lang din ako. "Tanga talaga tss!" Agad naman syang bumaba.

Bumaba na rin ako at dumeretso kami sa lobby ng Hotel. Narinig ko na binati si kupal ng mga empleyado nila tas yung mga frontdesk kala mo hihimatayin na sa sobrang kilig.

Pinagmasdan ko nalang ang mga puno at halaman na nasa labas. Naakit ako nito kaya naman lumabas na din ako. Ang sarap ng hangin. Kaya dinama ko yun at ipinikit ang mga mata ko. Sarap sa feeling talaga pag nasa Province ka. Ibang iba to sa kinalakihan ko sa Manila.

Minulat ko mga mata ko at pagtingin ko. Umaambon na nman. Grabe! Di ba talaga to hihinto? Tss.

"Kain muna tayo bago tayo bibyahe." Yan ang sabi ni kupal. Di ko namalayan na lumabas na din pala sya. Kaya nag nod lang ako at sumunod na din sa kanya.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong nya sakin. Andito kami sa restaurant na nasa gilid ng Hotel. Sa kanila din ata to.

"Ahm-- kahit ano nalang. Peru parang gusto kong mag sabaw para mainitan ako." Tiningnan nya lang ako at nag order na sya sa waiter. Inorder nya is Sinigang na Pork, Belly Bbq, 1 Platter of Rice, Baby back ribs na steak, 1 Platter of Garlic chicken at 2 buko shake.

Inaantay lang namin yung order. Nang bigla syang nagsalita.

"Di kaba nagdala ng Jacket mo? Alam mong malayo ang biyahe naten." umiling lang ako kaya umirap naman sya. Tas bigla nyang hinubad ang Black leather jacket nya at ipinasuot yun sakin. Syempre kinuha ko nlang. Papaka choosy paba ako ei anlamig na haha.

"Nakapag decision kana ba tungkol dun sa offer ni Dad sayo?" Bigla nyang tanong sakin.

"Actually hindi pa. Iniisip ko kasi pag nag resign ako sa Coffee Shop wala na kaming panggastos. Ako lang kasi yung bumubuhay ni Mama pati ng pag aaral sa kapatid ko." Ganyan kahaba ang sinabi ko. Kaya tumingin lang sya sakin.

When Hate turns to LoveWhere stories live. Discover now