Chapter 19

6 2 1
                                    

"When Hate turns to Love"
  Chapter 19

Blake's POV

Pagkahatid ko kay Kulot umuwi na kaagad ako kasi panay tawag ni Mom sakin. May bwesita raw kami or should I say ako.

Ano bang ginagawa nila? Bat bigla bigla nila kaming pupuntahan sa bahay. Pagdating ko agad ko nang pinark Camaro ko sa garage namin at pumasok na.

Pagpasok ko naabotan ko sa living room ang Peters Family kasama sila Mom. Agad namang tumakbo sakin yung anak nila at niyakap ako ng mahigpit.

"I miss you so much, Blakey." Kaya agad kong kinalas ang pagkakayakap niya sakin.

"As if I care." Sabi ko at aakyat na sana ako sa taas kaya lang tinawag ako ni Dad.

"Blake, stay here may pag uusapan tayo." Kaya napatigil ako. Mga ilang segundo humarap ako sa kanila. Potek! Nakakainis yung pagmumukha nila.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod kay Dad. Umupo ako sa tabi ni Mom.

"Okay, at andito naman na tayong lahat. I think we should start." Sabi ni Dad. Actually, wala akong idea kung ano man tong pag memeetingan nila. Andito din sila Kuya James and Jim.

"Wag na natin tong patagalin pa. We are here para pag planohan kung kelan ang kasal niyo." Sabi ni Tito Charles. Yes kilala ko sila kasi magkababata si Daddy and Tito Charles. At ano raw? Kasal?

"Kasal? Sinong ikakasal?" Tiningnan ko sila isa isa. Peru ang mga kapatid ko pati si Mom umiwas ng tingin sakin.

"You Blake and Chelsea." Sabi ni Daddy kaya napatayo ako. Oo tama ang narinig niyo. Ang pumunta sa bahay ay ang family nila Chelsea at siya din yung yumakap sakin kanina. Wtf! Nakalimutan na ba nila yung ginawa sakin ng babaeng to?

"Hahahaha wtf! That's not a good joke Dad." Sabi ko at akmang aalis na sana peru pinigilan ako ni Mom.

"What you heard is right, Son. You and Chelsea will be married soon." Sabi niya peru nag iba ang aura ni Mommy, wala kang makikitang emosyon sa mga mata niya.

"M-mom? Bakit ako? Nahihibang na ba talaga kayo? May girlfriend ako at isa pa di ako papayag na ipapakasal niyo ako sa babaeng nangloko sakin few years ago." Pasigaw kong sabi.

"Son please. Nalulugi na yung Hotels naten abroad. Ang mga Peters lang ang pag asa natin. Besides di naman na sila iba sa atin. I and your Tita Anabelle are best friends, and also your Dad and your Tito Charles too." Sabi ni Mom. Kaya napahilamos ako ng mukha. Akala ko sa Movies or sa Book lang makikita yung arranged marriage na yan peru tang*na! mangyayari sakin.

Siguro kung dati to nangyari, yung kami pa ni Chelsea at kung di pa nangyari yung panloloko niya sa akin siguro papayag ako peru ngayon? Wtf! May mahal na ako at di ko kayang mawala sakin si Kulot.

After ng ilang oras di pa din nila ako napapayag peru kahit anong gawin nila hinding hindi talaga ako papayag. Ang sabi ni Daddy mag uusap daw kami in private kaya kasalukuyan kong pinag drive sila Mom at pati yung pamilya Peters peru ang mga babae lang kasi si Tito Charles may pupuntahan pa daw.

Pagdating namin sa Mall di na ako bumaba. Aalis na sana ako ng tinawag ako ni Mom.

"Blake? Son? Samahan mo muna si Chelsea mag ikot ikot. May pupuntahan lang kami nang Tita Anabelle mo." Kaya napasimangot ako.

When Hate turns to LoveWhere stories live. Discover now