"When Hate turns to Love"
Chapter 8Amirah's POV
Bilis nang araw. Friday na ngayon. So far, maayos naman buhay ko bilang studyante. Every pagkatapos ng klase ko dumederetso ako sa Condo ni Blake para maglinis at paglutoan sya ng dinner nya. Minsan naman sinasabi nya na sa labas daw sila kakain, kaya mas pabor sakin yun. Nag umpisa ako nung Tuesday. Tinawagan kasi ako ni Sir Nathaniel at nakiusap na kung pwede ko ba daw gagawin yun kay Blake. Yun daw ang hiling ng asawa ni Sir Nat na si Ma'am Alison kasi daw kawawa yung anak nila na mag isa lang sa Condo. Baka daw panay lang labas at panay inom at ayaw naman ni Blake na yung Maid nila ang gagawa nun.
No choice ako kasi laki ng utang na loob ko sa mag asawa. Sila ba naman nagpapaaral sakin. Peru may sahod pa din naman ako. Mas malaki kesa sa sahod ko sa Coffee Shop. Kaya kahit labag sa kaloob-looban ko ginawa ko nalang. Minsan di ko naman sya pinapansin ei, nagpapaalam lang ako pag aalis na. So now sakay nako ng jeep papunta sa School.
Pagdating ko agad akong bumaba at dumeretso na sa room ko. Nakita ko naman agad si Sam na nasa room na, kumaway naman sya at ngumiti. Buti nalang wala pang teacher.
"Good morning Mira!" Bati nya sakin.
"Good morning din sayo Sam." Binati ko din sya habang nakangiti.
Maya maya lang ay dumating na din yung teacher namin. Kaya Lecture. Lecture. Lecture. After 2 hours natapos na din. Kaya agad kong niligpit mga gamit ko.
"Let's eat na muna Mira. I'm hungry na ulit ei."nakapout na sabi ni Sam. Grabe antakaw talaga nitong babaeng to.
"Okay sige tara." Kaya agad kaming pumunta sa canteen. Pagpasok namin nag order na kaagad kami at ng makuha na yung inorder namin naghanap kami ng bakanteng table.
"Grabe. Ang sarap talaga ng food. Feel ko pag kumakain ako, para akong nasa heaven hihihi." Ano daw yun? Hahaha
"Naku kung pagkain talaga pag uusapan. Di ka papahuli. Haha" kaya nagtawanan kami. Ang lakas kumain ni Sam peru napaka sexy pa din.
Bigla namang umayos ng upo si Sam at parang kinikilig na nakatingin sa likoran ko. Kaya tumingin ako dun. Grupo pala nila Blake ang papalapit.
"Omg! Ang gwapo talaga ni Aaron. Yieeee" Kinikilig nyang sabi. Kaya natawa naman ako. Lumapit naman si Aaron sa direksyon namin.
"Hi girls." Ngiting sabi ni Aaron. Kaya si Sam grabe kala mo lasing kasi ang pula ng mukha nya hahaha.
"Huh. ahm. Hi A--aron." Hahaha natatawa talaga ako dito sa kaibigan ko. Grabe kung kiligin. Nginitian naman siya ni Aaron kaya mas lalong namula. Jusko. Sasabog na ata to haha.
"Hi Ami. Ready kana ba sa Final rehearsal natin bukas?" Tanong ni Aaron sakin. Ay oo nga pala. Malapit na yung Show namin. Next week na. Luh. Kinakabahan ako.
"Oo. Ready nako for tomorrow. Peru di ako sure sa Final Night natin. Kinakabahan ako." Kaya tinap nya ang likod ko at ngumiti.
"Okay lang yan. Andito naman ako ei. Partners naman tayo." Ngiti nyang sabi. At ngumiti na din ako.
YOU ARE READING
When Hate turns to Love
FanficMapapatunayan kaya nila ang famous line na THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE? Well, tunghayan natin kung nakatadhana ba talaga silang dalawa para mag bangayan o baka naman itinadhana talaga sila para magmahalan.