"When Hate turns to Love"
Chapter 6Blake's POV
Andito ako now sa Starlight Agency sa Las piñas. Inaantay kong matapos yung screening nila kulot.
Di ko alam kung bakit sumama pako sa kanila. Di ko naman ugali yung ganito. Siguro ginawa ko lang to dahil empleyado namin sya at naawa din ako sa kanila dahil late na sila at wala pa silang masakyan.
Sa gitna ng pag iisip ko may pumaradang sasakyan. Parang pamilyar sakin yung sasakyan na yun. Kaya inantay kong may lumabas. Ilang saglit lang ay lumabas na yung driver. Laking gulat ko kung sino yun.
"What's up man? What are you doing here?" Tss nakita na nya pala ako.
"May inaantay lang ako. How about you? Di nako nakapag paalam kanina nagmadali kasi kami." Nagtataka ako kung bakit sya andito.
"Ayos lang yun. Umalis na din naman sila Ivan at Ian ei. Ahm- imi-meet ko lang yung partner ko for this coming show namin sa June." Ay oo nga. Nakalimutan kong may kaibigan din pala akong model. At walang iba kundi si Aaron yun.
"Ah! Nice." Nginitian ko sya.
"Let's go inside blake. Mainit dito sa labas." Yan ang aya sakin ni Aaron. Peru umiling lang ako.
"Di na bro. Baka lalabas din sila Mira maya maya." Baling ko sa kanya.
"Ahh okay sige. Oh pano? I gotta go. Baka inaantay na nila ako sa loob." Tinapik nya muna ako sa braso bago sya pumasok sa loob.
Halos isang oras akong nag antay. At may narinig naman akong nagtatawanan. Kaya tiningnan ko. Sila Kulot pala at si-- Aaron?? Ganyan naba sila ka close? Para magtawanan?
"Oh see you nalang sa Saturday Amirah. It's nice to see you again." Yan ang narinig ko sa sinabi ni Aaron. Sino ba namang di makakarinig ei nasa harapan ko sila. Kaya napasimangot ako sa di ko malamang dahilan.
Todo ngiti naman tong kulot na to pati na rin si Aaron. Tss
"Okay see you when I see you Aaron." Ngiting ngiti si kulot habang kausap nya si Aaron. Tss at nagpaalam din muna si Aaron sakin bago sya umalis.
"Di mo sinabing Model pala yung kaibigan mo blake." Anong paki ko?
"Do I have to tell you everything?" Irap ko sa kanya at pumasok na sa kotse. Tss pakialam ko ba kung model kayo? As if naman malalamangan nyo kagwapohan ko. Maya maya pumasok na din sila.
"Ay nagseselos na si jowabels mo Mira. Hahaha" rinig kong sabi ni Bianca kay kulot. Ako? Magseselos? Wow! Asa sya.
"Tigilan mo nga ako Bianca. Anyway, san ba tayo kakain?" Tanong ni kulot. Tumingin naman sila saken.
"What?" Takang tanong ko sa kanila.
"Tinatanong kita kung san mo gustong kumain. Wag sa masyadong mahal ah. Baka di ko afford." Sabi sakin ni kulot.
YOU ARE READING
When Hate turns to Love
FanfictionMapapatunayan kaya nila ang famous line na THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE? Well, tunghayan natin kung nakatadhana ba talaga silang dalawa para mag bangayan o baka naman itinadhana talaga sila para magmahalan.