(ENA'S POV)Sumilip muna ako sa may gate kung nakauwi na sila Kiro. Pero hindi pa pala. Nandon siya sa mismo sa may guard at mukhang may hinihintay na kung sino.
Sana lang.... di ako!
"Sakto girls! Meron tayong mapaglalaruan ngayon", napatingin ako sa may likuran ko at nakita ang grupo ni Sofia. Ang malas naman!
"Ano nanaman ba ang gusto mo?"
"Gulo. Nakawala kasi yung isang nerd kaya, ikaw nalang ang pagtitripan namin", hinawakan ako ng dalawang nyang alipores at pilit akong pinaluhod sa harapan nya
"Bitawan nyo nga ako!", nakaramdam ako ng hapdi sa may tuhod ko. Mukhang may sugat ulit ako pag uwi.
May kinuhang tupperware si Sofiasa bag nya na may mga lamang sauce at sabaw
"Ang baho noh? You know what Ena, kasing baho ng laman nito ang amoy mo. Well, ganon talaga pag galing sa iskwater!", binuksan na nya ito at lumapit sa akin. Napapikit nalang ako at hinintay na mabasa ang uniform ko ng biglang.........
*BLAG*
Agad akong napamulat ng may biglang kumalabog ng malaks. Nagulat na lamang ako na nasa isang sulok si Sofia at hawak ang kanyang tiyan
"Subukan mo, isusungalngal ko yang pagmumukha mo sa semento!", agad akong binitawan ng mga kasama nya ng makita ang grupo ni Kiro.
Napaupo ako ng mabilis dahil sobrang hapdi na talaga ng sugat ko. Napansin ko din na sinabunutan sya ng isa sa mga kasama ni Kiro bago pinakawalan.
"Halika na", binuhat nya ako bigla ng pang kasal at nilayo sa lugar na yon. Nakita kong binitbit ng lalakr ang mga gamit ko saka sumunod sa amin
"S-Saan mo ako d-dadalhin?", di sya sumagot at sinakay ako sa motor nya. Nilagyan nya ako ng helmet saka pinaharurot ang motor nito
"Wag kang aalis dyan", dinala nya ako sa tambayan nila at dineretso sa kwarto kung saan nya din ako pinagdalhan nang ipadukot nya ako. May hawak na itong medicine kit pag balik
"A-Aray!", napapahawak ako sa kamay nya dahil sa hapdi. Para namang sinasadya eh!
"Sa susunod, dumeretso ka ng uwi! Sino ba yang sinisilip mo kanina?! Lalaki mo?", galit na tono nito. Paano naman nya nalamang sumisilip ako? Edi ibig sabihin, nakita na nya ako kanina pa?
"H-Hindi noh! M-May t-tinatapos pa k-kasi ako", napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sobrang nakakapaso ang mga titig nito sa akin. Nakaka nerbyos naman!
"Ako na maghahatid at susundo sayo! Kesa naman sa puro ka silip bago umuwi. Kung inaakala mong matatakasan mo ako, hindi yon mangyayari", tumayo na sya at inayos ang mga nakakalat na gamot
"P-Pwede na ba a-akong u-umuwi?"
"Ipahinga mo na yang sugat mo. Mamaya na kita ihahatid", sagot nito bago ako iniwan mag isa.
Di naman ako masyadong makalakad dahil sa sugat ko kaya di rin ako makakatakbo para tumakas. Maayos naman ang kwarto nila at hindi nakakadiri tulad ng sa iba. Kumpleto ang gamit nila na parang bahay na talaga.
Nahiga nalang muna ako para ma relax ko ang mga tuhod ko. Sa lamig ng aircon, agad akong dinalawa ng antok. Ang dami din kasing mga activities sa school kanina kaya sobrang nakakapagod.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang tumagilid ako at humawak sa malambot na unan
"Hmmm....", isinampa ko din ang isa kong paa para di ko madali ang sugat ko
"Masarap ba akong yakapin?", nagising agad ako ng may biglang magsalita. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Babangon na sana ako ng yakapin nya ako ng mahigpit
"A-Ano ba!", ilang beses ko syang sinuntok sa dibdib pero mas lalo lang humigpit ang yakap nya kaya't hinayaan ko nalang sya. Amoy na amoy ko ang pabango dahil nakasandal ang ulo ko sa dibdib nya.
Ilang minuto pa ang lumipas ng aming katahimikan. Dahan dahan ko syang sinilip kung nakatulog na ito. Pero sana pala di ko nalang ginawa! Hinawakan nya ang kamay ko para di ako makapalag at diniin ang labi nya sa akin. Marahas ito pero nagugustuhan ko lalo na nang ipilit nyang ipasok ang kanyang dila at sipsipin ang laway ko
"Ang tamis ng labi mo", bulong nya na ikinapula ng pisngi ko
G*ga ka talaga Ena! Bakit ka pumayag na ibigay sa lalaking ito ang first kiss mo?!
BINABASA MO ANG
Owned By A Frat Leader (UNEDITED)
General Fiction"Saan mo nakuha yang kwintas na suot mo?", di ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok sa sobrang nerbyos. Dinukot lang naman nila ako para lang tanungin ang tungkol sa pagkuha ng kwintas! Malay ko ba naman na sa kanila to "N-Napulot ko l-lan...