Chapter Two

1.6K 44 0
                                    


(ENA'S POV)

Naupo muna ako sa isang bench sa labas ng school habang iniintay si Kiro. Isang linggo na rin ang ganitong set - up namin. Madami ang nagulat ng malaman ng ibang estudyante ang relasyon namin ni Kiro......... lalo na ang kaibigan kong si Kelsea. Ano daw ba ang nakain ko at pinatulan ko sya. Nag dahilan nalang ako ng kung ano dahil hindi ko din alam kung bakit! Magkaiba namn kami ng building kaya di ako masyadong naiilang

"Hi miss! Sabay ka na sa amin, gusto mo?", napatayo agad ako ng lapitan ako ng tatlong mga kalalakihan galing sa ibang school. Babalik na sana ako sa loob ng harangan nila ang dadaanan ko

"Magsialis nga kayo!", medyo kinakabahan na ako at baka ma-rape pa ako! Dumidilim na din kasi at wala nang masyadong dumadaan na sasakyan

*BOOGSH*

Bigla akong napatili ng bumagsak sa semento yung may pulang buhok. Nakita ko si Kiro na sinuntok din ang dalawa pa nyang kasama saka ulit sya binalikan para sipain at tadtadin ng suntok

"Kiro tama na!", bigla syang napatingin sa akin kaya agad nyang binitawan ang kwelyo nya. Nagsidatingan na din ang iba nyang kasamahan at inalis ang tatlo sa harapan namin

"Di ba ang sabi ko, wag ka munang lalabas?!", sigaw nya. Napayuko nalang ako at napahawak ng mahigpit sa bag ko

"S-Sorry. N-Nainip lang kasi ako kaya ako l-lumabas", napahikbi ako sa takot na baka mapasama din ako. Kumalma naman ito saka nya ako hinila at niyakap ng mahigpit. Di ko na napigilan dito ang pag iyak ko sa takot sa kanya at dun sa tatlong lalaki kanina

"Tahan na. Pasensya na at nasigawan kita. Kumain na muna tayo bago kita iuuwi", pinunasan nya ang luha ko at pumunta sa parking lot ng school kung saan nakaparada ang motor nya.

Inikot ko ang mata ko sa bahay nya. Actually, condominium sya

"S-Sayo talaga ito?"

"Oo. Minsan lang ako umuwi dito kaya medyo maalikabok", ang yaman pala niya!

Napakasimple lang nito pero ang cool tignan! Nakakatakot nga lang gumalaw dahil sa dami ng babasagin na naka display sa paligid.

"Mag isa ka lang dito? Asan mga magulang mo?", di ko maiwasang magtanong personal dahil wala akong alam sa kanya! Ang pangit naman kung walang alam sa buhay nya ang girlfriend nya!

Sinabi ko bang girlfriend?!

"Nag iisang anak lang ako. Bata palang ako ng naghiwalay sila mama. Di ko alam kung asan na sila ngayon. Basta, pinaoadalhan nalang nila ako ng pera", sinenyasa nya na akong umupo sa dining table nya.

Kaya siguro g*go to! Walang nag aalaga sa kanya eh.

"Wala ka man lang kamag anak na pwedeng magbantay o mag alaga sayo?"

"Mukha ba akong sanggol? Isa pa, andyan ka naman na. Ikaw nalang ang mag alaga sa akin", eh?

Di naman pang matagalan ang relasyon namin. Pag graduate na kami, magkakahiwalay na rin ang landas namin! Pero depende naman kung gusto nyang alagaan ko sya. Hayst! Haliparot!

"H-Hanggang kailan ba kasi ito? Marami namang nagkakagusto sayo ah?"

"Gag* ako pero di ako babaero! Ikaw ang gusto ko.......... at wala ka nang magagawa don", di daw babaero! Eh sa mukha nga nito, parang araw araw syang bumabayo ng babae. Leader pa naman ng fraternity to! Paniguradong may mga babae silang dinadala sa tambayan nila

Di nalang ako nagsalita at sumubo na ng pagkain dahil kanina pa ako gutom na gutom. In fairness, masarap syang magluto!

"Nagustuhan mo ba ang lasa?"

"Oo. Masarap ka palang magluto?"

"Mas masarap pag yung nagluto ang tinikman mo", muntik na akong mabilaukan sa sinabi nya.

"Che!", natawa naman ito at nagpatuloy sa pagkain

Matagal ko nang naririnig ang grupo nila pero di ko lang pinapansin dahil di naman ako interesado sa mga ganung bagay. Minsan nga, tinitilian lagi sila ng mga kababaihan sa tuwing dumadaan sa gate. Wala naman akong nakikita sa kanya. Pero sa araw araw na magkasama kami, dun ko na realize na may itsura pala talaga sya.

Pag tapos naming kumain, ako na ang nag boluntaryo na mag hugas ng pinggan. Nakakahiya naman kung sya pa. Naupo muna ako saglit pagkatapos ko at hinintay syang lumabas ng kwarto para makapag paalam na sa pag uwi

"K-Kiro...... uuwi na ako. Salamat sa pagkain", sambit ko ng lumabas na sya. Basa ang buhok niti at top less kaya napaiwas ako ng tingin

"Nagpaalam na ako sa tita mo. Simula ngayon, dito ka na titira. Pumayag naman sya dahil palagi ka daw naiiwan mag isa sa bahay nyo", titira ako sa kanya?!

"H-Hindi pwede! Ano nalang-"

"Tama na ang kaka reklamo! Ako ang masusunod dito",di na ako nakaimik pa dahil mukhang seryoso talaga sya. Ano bang nasa isip nya?! Gusto nya na mag live in kami?

Napaupo nalang ako sa sofa sa takot..... sa takot na mabuntis ako

Owned By A Frat Leader (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon