CHAPTER SIX

1.5K 29 0
                                    

💥CHAPTER SIX💥
       (ENA'S POV)

Kanina pa ako ninenerbyos dahil sa kaba habang pinapanood sila Kiro. Di ko maintindihn kung bakit naisip pa nyang sumali sa ganto!

"Relax ka lang! Walang binatbat yan kay Kiro", sabi ni Red

Bali, sya ang kanang kamay ni Kiro sa grupo nila. Napatayo na ako ng mag umpisa na sila. Sa akin lang nakatingin si Kiro at di sa kalaban nya kaya bigla syang nasuntok

"Yan na ba ang leader nyo?!"

Parang gag* naman eh! Nginitian pa ako na parang di iniinda ang sakit. Susugurin na sana sya ng kalaban nya pero agad nya itong naunahan. Ang bilis ng galaw nya kaya agd nya itong napatumba

"Sige! Bugbugin mo yang mayabang na yan!"

Di na ako nakatiis pang sumigaw dahil naiinis talaga ako sa kayabangan ng Eric na yon! Tumingin sya saglit sa akin at tumango saka sinunod ang sinigaw ko. Agad na syang piniit ng referee dahil halos di na makagalaw ang kalaban nya

"Ang the winner is....... Kiro Del Mundo!"

Napangiti ako sa kanya ng in-announce kung sino ang nanalo.

Agad ko syang sinalubong pagdating nya sa kwarto. Pinapunta pa kasi sya sa nagsagawa ng laban para kunin ang premyo nya. Isa pa, ayaw daw nyang matagal ako don dahil sa dami ng mga lalaki.

"Grabe! Ang galing mo", napangiti lang sya at napaupo sa may sofa para makapagpahinga. Kinuha ko na ang hinanda kong bimpo at yelo para gamutin ang sugat nya

"Sabi ko naman sayo eh. Di pa ako mamamatay", sus! Yabang agad! Nasuntok nga sya ng malakas eh

"Kaya pala nadali ka kanina at napatumba!"

"Eh anong magagawa ko? Masyado akong nadarang sayo. Para akong hinihipnotismo ng titig mo"

L*tse naman ito! Ang lakas magpakilig. Type ko pa naman ang mga lalaking mahilig sa malalalim na tagalog

"So, kasalanan ko pa pala? Sana di mo nalang-", hinalikan nanaman nya ako sa labi

"Ang daldal mo talaga!"

Sinandal nya ako sa may sofa at nilaplap ang labi ko. Mas hinila ko pa sya sa sarap ng halik nya. Kahit mahilig sya sa sigarilyo, mabango pa din ang bibig nito

*TOK-TOK*

"M-May tao....... hmmmm..."/ ayaw pa rin nyang tumigil at mas lalong pinalalim ang halikan namin. Ako na ang nagkusa sa aming dalawa dahil wala ata syang balak na magpa awat

"Istorbo!", natawa ako sa nabitin naming halikan. Padabog nyang binuksan ang pinto na ikinatakot ng mga kasamahan nya

"B-Boss.... m-may problema ba?", susuntukin na sana nya ito pero sinenyasan ko sya na wag gawin

"Magsilayas nga kayo sa harap ko!", agad naman silang sumunod at mabikis na nagsi alisan

"Bakit ba ang sungit mo?", kinuha ko yung brown envelope para matignan ang napanalunan nya. Certificate siguro ito ng bahay at lupa

"Sinong di maiinis sa ginawa nila?!"

"Ano ka ba! Nadali mo naman na ako kanina bago pa man mag umpisa yang laban mo", humiga sya sa legs ko at pumikit

"Bitin naman yun! Wala man lang ba akong matatanggap na premyo sa iyo?"

"Heh! Ang laki kaya ng napanalunan mo. Isa pa, di naman ako ang nagpalaro ng laban mo kanina", sumimangot naman ito at niyakap ako sa bewang. Nilapag ko na muna ang envelope at tinitigang mabuti ang mukha nya.

Gwapo talaga sya. Di halata sa mukha nya na leader sya ng isang fraternity! Totoo kaya ang pagmamahal na pinapakita nya sa akin? Ayoko namang umasa pero unti unti na din akong nahuhulog sa kanya. Sa estado kasi namin, di ko alam kung laro lang ba ito o totohanan

"Anong iniisip mo?", umiling lang ako at ngumiti sa kanya

Hinawakan nya ang kamay ko saka ulit natulog. Mahirap sumugal sa isang katulad nya. Pero kung wala namang masama ang intensyon nya sa akin, di malabong ibigay ko na ng tuluyan ang puso ko sa kanya

Owned By A Frat Leader (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon