CHAPTER SEVEN

1.3K 34 0
                                    

💥CHAPTER SEVEN💥
          (ENA'S POV)

Masaya akong nagtungo sa hide out nila Kiro dala ang cake na binili. Nalaman ko kasi na birthday nya ngayon kay Red. Ilang linggo ko ding pinag ipunan to

"Hello! Andyan ba si Kiro?", nagtaka naman ako ng mataranta ang mga kagrupo nya. Dun na agad ako kinabahan sa di malamang dahilan

Dumeretso nalang ako ng pasok sa loob. Bawat yabag ko, bumibigat

"Oo naman! Ikaw pa ba?", parang gusto kong magwala ng makitang may nakapatong na babae kay Kiro

"Pumasok ka. Wag mong isipin na niloloko ka nya", napatingin ako kay Red pero mabilis ko din itong binawi at inabot sa kanya ang mga dala ko

"H-Hindi na. Wala naman kaso sa akin to. Pampalipas oras lang naman nya ako di ba?"

Pinilit kong magpakatatag saka tumalikod para umalis na. Mali pala talaga na magmahal ako ng isang Kiro Del Mundo! Pero kasalanan ko din naman eh. Naging marupok ako

"Ena? Ikaw ba yan?", napahinto ako sa paglalakad ng makita si Lino sa may kanto

"S-Saan ang punta mo?"

"Sa school lang. Gusto mong sumama?"

Okay na din yon para malibang ako ng kaunti. Para makalimutan ko ang lalaking yon kahit ngayon lang. Kung pwede nga lang, wag na sana pa kaming magkita pa

"Ayos ka lang ba? Tulala ka dyan?", mabait si Lino. Manliligaw ko sya dati pero agad ko ding binasted dahil kailangan kong makatapos ng pag aaral. Tinanggap naman nya yon at sinabi nyang handa pa din syang maghintay sa akin

"O-Oo. Ano ba yang ginagawa mo?", tumabi ako sa kanya para makita ang ginagawa nya. Sabado naman ngayon kaya walang masyadong tao. Mga estudyante lang na may research ang nandito

"Project lang namin. Sa lunes na kasi ipapasa 'to kaya kailangan ko ng tapysin"

Tinulungan ko na sya dahil connected din ito sa research namin. Mas madali pa nga ang pinagawa sa kanila kesa sa amin

"Salamat ha? Ang talini mo talaga!"

"Nambola ka pa! Wala yun noh. Saktong konektado lang kasi ang theme ng research natin kaya natulungan kita"

Niyaya nya akong kumain sa labas at di ko naman ito tinanggihan. Matagal ko na din syang di nakakasama dahil sa schedule namin

"Ang sweet nyo naman", nawala ang ngiti ko ng makita ko ulit ang pagmumukha nya. Hinila ko si Lino at dumaan sa kabila dahil ayoko nang makausap pa sya dahil kanina

"Tumigil ka nga!", bumitaw ako sa pagkakahawak nya sa braso ko

"T-Teka.... kilala mo sya?"

"Boyfriend nya ako! May angal ka?!", sinamaan ko lang ng tingin si Kiro. Subukan nyang galawin si Lino, ako na makakalaban nya

"Hindi ko sya boyfriend! Na bored lang sya kaya pinilit nya akong jowain. Mauna ka na sa labas. Susunod nalang ako sayo", tatanggi pa sana sya pero pinilit ko nalang ito para di sya madamay

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Ginagawa mo ba ito dahil kay Alice?", sino naman yon? Yun ba yung bago nya ngayon?

"Wala akong pakialam sa inyo ng babae mo. Ang gusto ko lang ay mahiwalay na sayo dahil ayokong magkasakit sa dami ng ginagalaw mo", kapal ng mukha! Sana magkasakit nga sya

"Wala akong babae! Mali lang ang pagkakaintindi mo sa nakita mo. Mag usap muna tayo bago mo ako husgahan!"

Nagsisinungaling pa talaga eh! Kulang na nga lang, maghubad sila kanina para tuluyan na syang sumaya

"Hindi na! Ayos na siguro sayo 'to para tigilan mo na ako. Di naman magiging tayo kung di ko napulot yang kwintas mo", magsasalita pa sana sya pero agad na akong tumalikod at umalis

Mabuti nalang at di sya sumunod at baka masampal ko na ng tuluyan ang lalaking yon

"Ayos ka lang ba?", pag aalala ni Lino. Tumango lamang ako at hinila na sya paalis ng school. Pero bago pa ako makasakay sa kotse nya, nakita ko si Kiro na masama ang tingin sa amin.

Bahala sya. Sya naman ang nag umpisa nito at hindi ako!

Owned By A Frat Leader (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon