💥CHAPTER EIGHT💥
(KIRO'S POV)Kanina pa ako nagwawala sa hide out namin dahil kay Ena. Wala akong intensyon na saktan sya dahil sa kanya lang ako nagseryoso ng todo. Masama ang pakiramdam ko ngayon kaya di ko agad maitulak si Alice ng halikan nya ako
"Pwede ba Kiro! Di ka naman ganyan dati ah? Wala kang mapapala sa babaeng yon", sinipa ko sya sa balakang sa sobrang galit
Kahit babae pa sya, pag si Ena na ang usapan, wala akong sasantuhin!
"P*tang*na ka! Kasalanan mo kung bakit galit sa akin ang girlfriend ko! Simula ngayon, wag ko nang makikita pa ang pagmumukha mo. Dahil pag lumapit ka pa sa akin o kay Ena, magagaya ka sa kapatid mo!"
Paika ika syang tumakbo palabas sa takot. Kanina ko pa tinatawagan si Ena pero ayaw nyang sagutin. Binato ko nalang sa kung saan ang cellphone ko sa inis. Di na talaga mauulit 'to!
"Pumunta ka nalang kaya sa bahay nila? Wag kang manggulo doon para di sya lalong magalit sayo", hinagis sa akin ni Red ang susi ng motor ko. Mabilis na akong naglakad papunta sa may parking lot para bawiin ulit sya
"Anong kailangan- Kiro!"
"Andyan po ba si Ena?"
"Naku, wala pa eh! Pero baka pauwi na rin yon. Pasok ka muna at hintayin mo nalang sya ha? Pupunta na ako sa club eh"
Tumango nalang ako at hinatid sya sa labas. Kanina oa ako di mapakali dahil sa kakaisip kung ano na ang ginagawa nilang dalawa! Malaman ko lang talaga na may ginagawa silang kagag*han, todas sa akin ang lalaking yon!
"Salamat ha? Nag enjoy ako sa kinain natin. Wag kang mag alala, ako naman ang manlilibre sa susunod"
Napasilip ako sa may bintana at nakita kung paano nya nginitian at titigan ang lalaking yon.
Sa akin lang dapat nya gawin yon! At hindi sa iba
"Sige ba. Oh paano? Next time ulit?", next mo mukha mo! Di ka na makakaulit!
"Sure. Ingat ka sa pag uwi", masemplang sana sya!
"Di ka pa ba papasok?!"
"Anong ginagawa mo dito?", inirapan lang nya ako at nilagpasan.
"Nag enjoy ka ba sa Lino mo?"
"Umalis ka na nga! Ano pa bang kailangan mo sa akin?! Kung tinitigasan ka, dun ka sa ibang babae mo magpalabas", hinila ko sya at pinaupo muna sa upuan nila para makausa ko sya ng maayos
"Wala nga akong babae! Pakinggan no muna ako bago mo ako husgahan. Hindi ko agad sya napaalis dahil masama ang pakiramdam ko", nabigla naman sya sa sinabi ko pero agad din nya itong binawi
"Oh tapos? Sya yung nurse mo?! Pwede ba Kiro, lumayo ka na sa akin. Ayoko nang makita o dumikit man lang sayo", kung pandirihan nya ako...... daig ko pa ang may ketong
"Wag kang magselos don dahil ikaw ang mahal ko. Intindihin mo naman! Kung niloloko lang kita, bakit pa ako andito?"
Niyakap ko sya ng mahigpit para di na makapalag pa
"Ayokong umasa sayo Kiro. Alam kong uulitin mo yan dahil nasanay ka sa mga ganyang gawain!", pinunasan ko ang luha nya at hinalikan sya sa noo. Nasasaktan din ako pag umiiyak sya
"Mahal kita Ena. Seryoso ako sa relasyon natin. Matagal ko nang itinigil ang pambababae ko simula nang maging girlfriend kita. Maniwala ka sa akin Ena! Ikaw lang talaga ang babae ko"
Hinaplos ko ang mukha nya at hinagkan ang kanyang labi. Ang sarap at tamis talaga ng laway nya. Sa kanya ko lang naranasan ang gantong halik
"Hmmm....", binuhat ko sta at pinaupo sa harap ko na di pinuputol ang aming halikan. Kung saan saan na gumagapang ang kamay ko sa labis na intensidad ng aming labi
"Masyado mo akong napagselos sa lalaking yon! At alam mo bang, gusto kitang parusahan ngayon?", bulong ko sa kanya bago ko ito dilaan pababa sa leeg nya
"Edi parusahan mo na ako"
BINABASA MO ANG
Owned By A Frat Leader (UNEDITED)
General Fiction"Saan mo nakuha yang kwintas na suot mo?", di ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok sa sobrang nerbyos. Dinukot lang naman nila ako para lang tanungin ang tungkol sa pagkuha ng kwintas! Malay ko ba naman na sa kanila to "N-Napulot ko l-lan...