"WHAT? So nagkabalikan na kayo?"
Binatukan ko si Olivia. Anong nagkabalikan? Nagmeryenda lang nagkabalikan na?
"Ouch!" Sabi nya at sabay ganti sakin. Ganto kami ni Olivia minsan inaasar ko nga pangalan nya eh, Olivia parang madam masyado
"But seriously you two are together again?"
"Hindi. At saka kaibigan na lang ulit kami"
"Yeah that's right. Wag ka na magpakatanga ulit kasi tanga ka na nga, alangan magpapakatanga ka ulit. Ano yun?"
Napako ang paningin ko sa bagong dating si Joseph. Nakahead phone syang pumasok at parang walang pakealam sa nangyayari. Nakita nyang nakititig ako sa kanya. Iniwas ko ang paningin ko sakanya. Mukha namang wala syang pake.
Sungit
*
Nandito kami sa cafeteria ni Olivia um-order kami ng makakain namin. Kakatapos lang ng P.E namin at di pa ako nakakapagpalit ng damit. Mamaya na kakain muna ako."Anaisa"
Nilingon ko ang tumawag sakin and then I saw Tony together with Joseph at isang di ko kilala. Umupo sila sa tapat namin.
"Makiki-upo kami pwede? Wala na kasing bakante eh"
Agad Kong inilibot ang paningin ko at wala na talagang bakante.
Tumango nalang ako at pumila na sina Tony kasama yung lalaking di ko kilala upang um-order.
"Joseph right?" Tanong ni Olivia at lumingon naman sya.
"Yeah"
Ang tipid naman nyang sumagot.
"And you're Olivia right?" Tanong nito
"How did you know?"
"Secret" he said and he smile.
Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti and I can say he's so-----crap.
Kanina pa sila nagkwekwentuhan ng kung ano-ano. At mukhang tuwang tuwa sila sa isat isa. Ipinagpatuloy ko nalang pag-kain ko.
"Oh really? Napanood mo na yun?"
Mukhang tuwang tuwa naman si Olivia sa pakikipag-usap dito.Like hey! Parang walang tao dito! I'm out of place.
"Yes and that's amazing" nagpatuloy sila sa pagkwekwentuhan at bat naiinis ako?
Mabuti nalang at dumating na sina Tony. Napatigil naman sa pagkwekwentuhan ang dalawa. Nakikita ko parin ang kislap sa mata ni Olivia. Wait don't tell me--? Nvm.
"Hi! You're Anaisa right?" Tanong nung lakaking kasama nila. I looked at him. Di rin maitatanging gwapo din sya. Tumango lang ako. Wala ako mood magsalita.
"Hi I'm Jaspher!" Sabi nito at ngumiti.
"Hi nice to meet you" sabi ko nalang at kumain ulit. Tumingin ako kila Joseph at Olivia. Mukhang tumahimik na rin sila.
"So ex mo pala si Tony, Anaisa?" Namasid ako.
"Okay ka lang?" Tanong ulit nito at inabutan ako ng tubig
Ayoko sa lahat ay yung pinag-uusapan ang tungkol dyan.
"Oo" sabi at tinuloy ko nalang ang pag-kain ko. Nag-uusap usap naman silang apat.
"Ikaw Olivia, wala ka pang boyfriend after Kay Nathan?"
"Don't mention that jerk. And yes, I have no boyfriend" nakita ko naman si Jaspher na parang interesado sa pinagsasabi ni Olivia
YOU ARE READING
Take Me Home
Teen FictionHow can you love someone who love someone else? Akala mo may meaning lahat ng kayang ipinapakita pero akala mo lang pala? Hahayaan mo ba syang sumaya sa iba kahit nasasaktan ka na? Or you will fight your love for that person?