Another
Woah ang ganda talaga ng kwarto nya. Siguro kung ako sya mag iistay at home lang ako. Magbabasa ng libro, manunuod ng movie, kakakain pero pansin ko fit ako dito I mean sexy woah. Siguro tamad sya kumain pero bakit nag sasalamin pa sya? Pang nerd. Try ko nga. Woah ang taas ng grado pero malinaw masakit nga lang sa Mata. Alam ko na shade nalang susuotin ko pagpasok sa school jowk.
Nahiga ako sa Kama ko at inilaylay ang konting katawan at nakatingin diretso sa chandelier light sa taas. Yaman talaga.
"Paano Kaya ako makakauwi?" Nakatungo parin "Tawagin ko Kaya si Doraemon?"
Nagulat ako ng bumukas ang pinto
"Ay pusang si Doraemon!" Napatayo ako sa gulat. At nadagdagan lalo Ang gulat ko sa nakikita ko."Trinity?" I whisper. Salamat naman at mukhang di nya narinig. Kamukha lang Naman ni Trinity pero parang tumanda I mean nasa 20s.
"Huh?" Si trini- I mean Ewan kung sino ito. Naka business attire eh. Ganda ahh.
"Who you?" Huli ko ng nalaman kung ano ang sinabi ko. Lumapit sya saakin at umupo sa harap ng Kama ko sa sofa.
"Totoo nga ang Sabi ni mommy at daddy" kinunutan ko sya ng nuo sa sinabi nya. Nabulyaso naba ako? Imbis na magsalita tumahimik nalang ako at umupo ulit.
"Ate... Hindi who you. Nasaan na yung malambing at maamo kung kapatid eh?" Gulat ako ng bumukas ulit ang pinto at niluwa nyuon ang bunso kong kapatid na si jan Jan. Ohmo? Pinaglalaruan ba ako? Yumakap sya sa hita ni Trinity at tinawag syang Mommy. What? Mommy?
Yumuko si trin-- I mean ate daw at pinangko si janjan.
"Hey baby kaizer? Where's dada?" Tanong nya Kay Jan Jan/kaizer daw habang pisil ang ilong. Napabaling si kaizer sa Banda ko at ako naman ay patuloy na tulala. Napabalik lang ako sa muang ng naramdaman ko Ang bisig ng kapatid ko. I mean pamangkin ko. Ang Wierd talaga di nalang ako magulat na baka tiyo at tiya ko si mama at papa dito.
Nilalaro lang talaga ako ng storyang toh. Umalis si kaizer sa pagkakaakap at tumalon talon sa Kama ko.
"Ano bat dika Pumasok? Huh?" Di ko mapigilan matulala. Ang sumunod saaking si Trinity ay ate ko dito? Langya.
"Huh?" Aayon nalang talaga masasabi ko.
"Hayst. Gusto mo na nga siguro tumira sa Maldives noh?. Umiling ako. Maganda ba duon?
"Hayst. Sige pahinga kana. Siguro miss mo lang mga pinsan natin duon" tumayo na sya at tinawag si kaizer at lumabas. Kamukha talaga ni Trinity sinisiguro kong ganun magiging istsura ng kapatid ko pagtungtong nya ng edad nyang nyuon.
Naiwan akong tulaley.
Walang masabi.
Mabilis akong napatayo at patakbong Pumasok sa Cr sabay sarado at sandal. Wooh bumilis ang tibok ng puso ko ah. ewan ko bat bumilis tibok ng puso ko. Siguro kinabahan lang ako. Pina tahimik ko muna ang puso ko dahil sa baka masobrahan sa pagtibok eh. Pero huli ko na ng napansin na wala na pala ako sa Cr ni tanya hindi naman ganito cr nila diba?!. Iniikot ko ang paningin ko at duon ko na napagtanto na nasa cr ako ng bahay namin. Hehe Maliit Kasi tiyak amin toh hahah.
Woah nagpadala si Doraemon ng pinto woah talaga. Kaso sa dami daming lalabasan sa cr pa talaga. Really Doraemon? Lumabas ako ng cr.
"Ay Lintik kang doraemon ka!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat eh Paano ka ba namang di magugulat kung lahat sila nakatayo malapit sa cr naka cross arms at ang sasama ng tingin o natatai? Hihihi
"Oh Ow..." Sabay pasok ko ulit sa Cr at sarado hahaha.
Kinakabog nila ako sa pinto hanggang sa tawa ng tawa parin ako. Pero natahimik din ako sandali ng diko na narinig ang kalabog. At ngayon ko lang napagtanto na nakauwi na pala ako sa real world. Yes!
Mabilis at excited akong lumabas pero ang pinagtaka ko bat may dala akong paintbrush? Nagtaas ako ng tingin garden? Nagbaba ako ng tingin hinawakan ang suot na may jumper na may white t-shirts. Naka twin braids ako. Woah.
Kaso diba nakauwi na ako saamin?
Really Doraemon? Teka nga bat si doraemon ang lagi kong sinisisi.yari ako nito kay nobita.
"Tanya!" Napabaling ako Kung saan yung boses nayun. Si mommy parehas kami ng suot. Tumakbo ako tungo sakanya.
Mukhang mag pe-painting kami. Ngiti nya akong sinalubong ganun narin ako.
May dalawang painting board at medyo kataasang bangko. Naupo si mommy ganun din ako. Bat ang bilis diko panga nakakasama si mama eh. Dapat pala dimuna ako Pumasok sa pinto ni doraemon.
Diko tuloy maiwasang malungkot.Pero alam ko na. Laking pasasalamat ko dahil alam Kona kung paano makakabalik at makakabik ulit. Sa Cr pala ang portal. Uhuh!
Medyo nakaka relief ang nangyari hayst kala ko never na akong makakauwi wooh..
Pero paano Kung di na ako makabalik? Naku wag Naman Sana hhuuh...
"Anak? May problema ba?" Umiling ako. Tumango naman sya at inayos nya na ang gagamitin. Nasa lahi ba nila ang mangguguhit?
Patay ako hindi. Subukan ko kaya? Napailing ako. Baka sabihin pa nilang di ako si tanya."Anak? Magsimula na tayo?" Nanlaki ang Mata ko. Di ako magaling sa arts.
Isip. Sailormoon help. Wag muna si doraemon pagod daw sya. Nabugbog ni damulag.
"Eh? M-oo-mmy? Pwe-ede bang manuod nalang ako siinyu? Tama manunuod nalang ako sa pinakamagaling na Artist sa buong mundo" napakunot ang nuo ni mommy at kita ko ang multong ngiti sa kanyang labi.
"Ikaw talaga. Sige ikaw ang bahala. Ngayon kalang umayaw ah. Dati dati inaaraw araw mo pa ang pagpe-painting ah." Nagsimula na sya sa pagguhit. Gusto ko Sana sabihin na di naman ako si Tanya. Pero magmumukha lang ako na aning.
Pinanuod ko sya hanggang sa matapos. ang masasabi ko lang astig! Landscape Nature with a two beautiful fairy. Tumayo sya at inayos ang mga gamit na ginamit tumulong din ako.
"Halika na pasok na tayo isasabit natin to sa room namin ni daddy mo."
"Mommy Sino po yung dinrawing nyo? I mean lahat po diba ng dinradrawing may mea--"
"Kayong dalawa ng ate mo. Our two beautiful princess. Who always care about to the people around them. Laging mapagbigay, maalalahanin, nakakapagpasaya ng tao. At higit sa lahat mapagmahal sa kahit kanino kahit di Naman nila mabalik yung love na ibinigay nyo. Lalo kana. Alam kong nahihirapan ka dahil sa kanila Kung hindi ka man nila ituring na kaibigan. kami Andito kame hmm? Kaya kahit anong hilingin mo... We will gladly give it to you kahit mahirap payang ibigay.. we love you anak kayong dalawa ng ate mo Ang ^ littles fairies namin. Pero ako Naman si fairy godmother na tutupad sa Wish mo..." paluhang sinabi nya. Nakatungo lang ako sakanya dahil ngayon alam ko na.
Better know what you wish for.
Diko sya masisi kung bat nya sinabi yun lahat ng magulang Kaya din gawin yun. at ayun ang pinanghawakan ni Tanya. Ngumiti nalang ako. ang saya sa pakiramdam ang sabihin sayo ang mga bagay nayun pero diko maiwasan ang malungkot.
Pumasok na ulit ako sa kwarto mamaya na raw ni mommy ilalagay ang paintings papatulong daw sya kay daddy at sa iba pang tauhan.
Pumasok na ako sa cr. At di na ako nagulat kong nasaamin na ulit ako. Well pambihira si doraemon eh.
Babalik pa Kaya ako? Hehehe Kaka excite! Ewan diko alam bat ang saya sa feelings eh.
Siguro nakakapagod ang ganito yung paulit ulit labas ng cr. Hayst.. bahala na si Batman.
May nasama na namang superhero... Sino Kaya next na tatawagin ko?
Lumabas ako sa cr at naabutan ko nalang na tulog si mama. Napangiti ako. "Maa. Mukhang magmamahal pa ako ng isang nanay pero di Naman Kita ipagpapalit kasi ikaw ang the best." I Whisper. With a smile on my lips.
To be Continued