Chapter 5

0 0 0
                                    

Ayawko

2 days and 2 nights na walang tulog. Oo sabog. Pero easy peasy nalang saakin to real wattpaderz toh noh. Wala ding ligo... Hhehehhe

"Ate.. apangit mona" si Jan Jan na yakap yakap ko. Nakahiga kami ngayon sa papag pero Hindi para matulog. Kungdi para manglinggis at makipagharutan Kay janjan para sure na di ako makatulog.

"Loko Kang bata ka ah" sabay kaltok. Mahina lang naman pero umalis sa pagkakayakap ko si janjan at umiyak na tumakbo at narinig Kong nagsumbong pa Kay mama.

Hayst maliligo na nga ako kinuha ko na ang tuwalya ko at papasok na ng cr ng bigla nalang sumulpot si mama.

"Hindi ka maliligo." Pinal na salita ni mama na inignora ko lang.

"Isa! Siraulo Kang bata ka. Pinapatay mo sarili mo!"

"Ma. Naman eh! Mas mamatay ako pag nakatulog ako"

"Ay siraulo kang bata ka!" sabay konyat sa ulo ko. Sakit nun ah.

Pinapatay ko daw sarili ko. Wala parin ba ako pinagkaiba kay Tanya? Tsk. Umiiwas nga ako sa kamatayan eh. Dahil once na mamatay ako dun Wala ng balikan hayst. Sure ako may ganito na akong Movie na napanuod eh. Jowk lang di naman siguro. Di Naman ako si Tanya eh.

"Sige. Tutuluyan na kitang mamatay.." nagulat ako sa sinabi ni mama.. paano nya--

"Dika kakain..hmm" sabay walk out.

"Ma paano ako mabubuhay?" Sigaw ko.

"Pisti ka! Pinapatay mo nga sarili mo tas tatanungin moko paano ka mabubuhay! Matulog ka. Wag ka papasok sa Cr kundi tutuluyan Kita" woah... Woahh.. iba si mama.

Di na ako sumuway nahiga na ako at nanalangin na sana di ako maglakbay.. piling ko tuloy bangungot yun. At nakatulog na ako siguro dala ng kapagudan ng isip at katawan.

Nagising ako at laking pasasalamat ko na nasa bahay parin ako woah Ibig sabihin di ako napunta dun? Yes! Mukhang ayaw na sakin hahahhaha buti nalang wooh. Mission Complete.

Gabi na pala. Bumangon ako ramdam ko ang mga ahas sa tiyan ko. Mga gutom na sila. Kawawa naman nandito si athena sa loob eh. Sya yung pinakamalaking alaga ko sa loob, Wala share ko lang bat ba?

Lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko ang aking pamilya yeah sitting pretty watching movie and laughing to each other edi... Sila na masaya. Hmm.

"Ma! Kain na ako. Gutom na ang ahas sa tyan ko si athena" sabay upo sa sofa at niyakap si papa pabebe ako eh.

"Anak Sino si athena?" Si papa.

"Yung ahas po"

"Ate.. si medusa yun. Hindi si athena. Lagot ka kay ma'am dragones di ka naking sa Greek mythology"

"Ay si medusa pala yun hahah" bobo ko(√) sa part lang nayun.tsk

"Kumain kana duon prinsesa" nag bow pa si mama heheh nahiya ako na medyo Hindi Kasi si mama pa nagsandok. Minsan lang Naman kumakapit yung hiya sa mukha ko medyo makapal Kasi eh.

"Kain kana duon anak" si papa. Tumango ako at dumiretso sa lamesa.

"Dy. Alam mo bayang Anak mo nababaliw na. Mamatay daw sya pag natulog" kwento ni mama Kay papa.

"Huh? Bakit?"

"Mama binangungot nga ako!."

"Bangungot diba dapat gumagalaw yun tas humihingi ng saklolo?" Si Trinity. "Eh tabi Naman tayong matulog di kanaman gumagalaw tumutulo lang yung laway mo" tiningnan ko sya Ng masama. Malapit na talaga ako makapatay ng kapatid pramis...

In and Out 'The Bad Guy Series'Where stories live. Discover now