This chapter is dedicated to my potek frennyyy HAHAHHA ULZANGYANG naghahanap 'to ng jowa guys. Yung may anak sana tapos 61 po yung edad HAHAHHAHAHA salamat nang maramiii HAHA
Sofia's POV
"Wait. Tigil muna Sowpi, kakapagod na.." Angal ni Aya nang sampung minuto na kaming hindi tumitigil sa pag ja-jogging.
It's a very refreshing Friday today. Ang sarap salubungin nang sikat ng araw. I can see some birds flying freely. Napakasariwa rin ng hangin.
Napag desisyonan namin ni Aya na mag jog muna to unwind our mind. We just wanna give time for ourselves from being busy in our studies.
Tumigil na rin ako saglit saka inalis ang headset sa tenga ko, tapos ay nilingon ko siya.
Hiningal siya nang tingnan ko siya kaya umupo muna ako sa may bench sa tabi ng daan. Agad naman siyang sumunod saka uminom ng tubig.
"Hingal na hingal ka ah, hindi ka ba sanay tumakbo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa rubber shoes ko.
"Malamang. Napaka busy kaya ng buhay natin sa college no, wala na akong time magka love life, jogging pa kaya?!" Saad niya. Tumawa lang ako saka tumingin sa malayo.
"Nakaka-miss maging estudyante no?" Tanong ko sa kawalan.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Parang may mali.. hindi ko mapagtanto kung ano.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Gusto mo pa talagang bumalik sa pagiging estudyante?! Eh impyerno kaya yun noh! Makita mo lang yung demonyong propesor natin, sira na ang lahat. Tapos ngayon sasabihin mong nakaka-miss, pambihira rin yang utak mo eh no?" Sabi pa nimo sabay pamewang niya na mukhang nanenermon sa akin.
Siniringan ko lang siya saka sumagot ng;
"Ang daldal mo Aya, tayo lang dalawa nag-uusap pero yang boses mo, rinig ng buong Pilipinas" reklamo ko naman sa kanya saka uminom uli ng tubig.
Nakita ko pa siyang napatigil saka humawak sa mga labi. Lumingon pa ito sa paligid, tinitingnan kung may nakarinig.
Napangisi ako sa reaksyon niya saka nag simulang mag lakad.
"Huy teka! Saan ka pupunta sowpi!?" Rinig kong sigaw niya mula sa likuran pero di ko na ito pinansin saka ibinalik ang headset sa'king tenga.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may nahagip akong lalaki na tumatakbo papalapit sa kinaroroonan namin.
Sumingkit ang mga mata ko nang mapansing pamilyar ang muka nang lalaking iyon.
Nang makalapit na ito ay napaawang ang bibig ko at lumaki ang mga mata ko sa gulat.
Siya.. yung..
"Hi? Excuse me? Diba ikaw yung babaeng nasa party ni Synthia? Yung.. yung sumampal sa akin?? Right?" Tanong nito sa akin habang titig na titig sa akin.
"You..." biglang sabi ko.. hindi ko alam kung paano kakausapin ang lalaking 'to.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Halatang nag ja-jogging ito dahil sa suot niya. May pawis rin siya sa noo at may dalang miniral water.
Ang gwapo..
Napaka fresh niya paring tingnan..
"Me??" Nagtatakang tanong nito.
"Yes.. you.. pervert! Ikaw nga yung lalaking bumastos sa akin! Gago ka! Walangya ka!" Biglang sigaw ko sa mukha niya sabay kurot sa balikat niya, sinabayan ko pa ng palo sa kamay niyang may muscles pala. Ang sakit tuloy ng kamay ko.
"Hey stop. Ano ba" pagpipigil niya sa akin sabay hawak ng kamay ko.
Augh! Bakit parang kinuryente ako.. ang lakas din ng tibol ng puso ko.. ano ba yan! Kasalanan mo 'to lalaki ka!.
"Hoy anong nangyayari dito??" Rinig kong sabat ni Aya sa amin. Mukhang ngayon lang siya nakarating sa kinatatayuan namin. Ang bagal naman pala niyang maglakad.
Hindi ko na siya pinansin, tinuon ko lang ang matalim kong tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Magkasalungat ang makakapal niyang kilay habang nakatingin sa akin. Habang ako ay nagpipigil nalang ng suntok na igagawad sa kanya.
"Oh my goddd.. diba ikaw yung manliligaw ni Synthia?! Ohemgeee!" Nagulat ako sa sinabi ni Aya kaya napatingin kami nung lalaki sa kanya.
Nakita kong nagbago ang reaction nung lalaki. Mula sa pagka-irita ay napakurap siya at ngumiti kay Aya.
"Yes, ako nga. How did you know?" Nakangiting tanong nito sa kaibigan ko, napangiwi lang din ako.
"Ah.. of course, sikat kaya si Synthia sa school namin noh, nakita rin namin kayong magkasama, sabi nila manliligaw ka raw" chismosa ka lang talagang bruha ka.
Tumango lang yung lalaki sa kanya saka ngumiti.
Tsk. May nililigawan naman pala 'to.. eh bakit sa akin buntot nang buntot?? Ano ba!
"Assuming" sabat ni ego.
"So ano? Bakit ko kayo nadatnan dito na parang magsusuntukan na??" Biglang pagpapalit ng tanong ni Aya habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Bumuntong hininga nalang muna ako saka tumingin sa lalaki.
"Buisit" sabi ko sa kanya saka tuluyang naglakad papalayo.
"Anong- Hoy! Bumalik ka dito! Haha napaka-pikon mo naman miss! Sayang ganda mo!" Sigaw ni lalaki pero hindi parin ako tumigil at lumingon sa kanila kahit ramdam ko na ang pag-iinit ng mukha ko. Aygh!!
"Sofia come back here!" Sigaw naman ni Aya na hindi ko rin pinansin.
"Nice ass Sofia!!" Dahil sa sinabing iyon ng lalaki ay napatigil ako ng paglalakad. Gusto kong lumingon at sunggaban siya ng suntok saka saksak para mamatay sa sinabi niyang iyon, pero hindi ko nagawa. Matinding pagpipigil ang ginawa ko.
Walangya. Bastos talaga!
"Aya ano ba! Let's go!" Sigaw ko kahit hindi lumilingon sa kanya, naramdaman ko kasing nakikipag-usap pa ito hanggang ngayon dito.
"Oo nandyan na!" Sagot naman nito saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Potek.. may nalalaman ka pang nice ass huh. Eh may Synthia ka naman pala.
Yung maharot na yun. Lahat nalang ng sa'kin inaagaw.
Nang makalayo na ako sa kanila ay hindi ko namamalayan na nakangiti na pala akong naglalakad, tinitingnan tuloy ako ng mga nakakasalamuha ko.
Punyeta.. ba't ba naging masaya ako bigla.
AN:
Sorry for the very short update..
BTW
VOTE AND COMMENT!!
Have fun reading guys!♡Jemmeyah♡
YOU ARE READING
Tell No One #Mus-alonlymAward20
Fiction généraleAtheena was happy and contented with her present life, as long as she's with her family. When her 18th birthday has come, sobra ang saya na naramdaman niya. Until one night she met Achillis, wherein something "wet" happened. Sinubok siya ng kapalar...