This Chapter is dedicated to @MysteriousMyla HAPPY BIRTHDAYYY girl!!! Alabyu (*^_^*)
Sofia's POV
"Congrats anak!" Si Dad.
"Congratulations babyyy!!" Si mom.
"'Grats sister kong panget." Si kuya.
We're having our video call right now. Akala ko hindi sila tatawag upang e-congratulate ako. Buti nalang nagkamali ako ng akala.
Mom is wearing the biggest and proudest smile while holding a cake in her hands.
Dad is the one who holds the camera and Kuya is busy preparing a lot of foods in the kitchen.
Mukhang may celebration for my graduation na nagaganap ah.
"Thanks mom, dad. Kuya." I replied smiling at them.
"Ang dami niyo namang inihanda mom, may bisita po ba kayo na darating?" I asked curiously. Ngumiti lang si mommy sa akin saka sinabing;
"Ay naku, wala noh! Ayaw pumayag ng daddy mo eh.. kaya kami-kami nalang muna." Sagot nito.
"Eh pa'no niyo uubusin yan??" Tanong ko na naman.
"No problem babyy.. malakas naman kumain daddy mo hihihi!" Napangiwi ako sa sinabi ni mommy.
Uso pa ba yun sa kanila??
Tumawa muna si daddy saka tumitig kay mommy. Ehh
"Of course love.. ikaw din naman eh, gustong gusto mong ubusin ang ayaw naman magpa-ubos." Putek.
Ehhhhhhh
"HAHAHAHAHHA" Dinig kong tawa ni kuya mula sa kusina. Nakita ko namang namula ang mukha ni mommy sa kahihiyan.
Seriously??
"Ano ka ba love, nandiyan yung anak mo ohh.. tumigil ka nga.." Sabi naman ni mommy kahit halatang nagpupumigil sa kilig, kaya tinawanan lang siya ni Daddy.
"Ah dad? Kumusta na pala yung pinagagawa niyo kay Anton?" Tanong ko kay Daddy.
Si Anton ang isa sa mga katiwala ni Daddy pagdating sa negosyo at iba pang mga bagay. Matagal-tagal na rin itong naninilbihan sa pamilya namin kaya hindi malayong pagkatiwalaan siya ni daddy.
"Ah, tungkol nga pala doon anak.." panimula nito saka umayos ng upo.
"Kompirmado. Siya nga ang nasa likod ng lahat ng ito. Pero wala pa kaming nakukuhang ibidensya." Saad nito habang nakakunot ang noo. Halatang problemado.
"Is it Mr. Javier?" Tanong ko na nakatingin sa kawalan habang nag iisip.
"Siya nga anak.." sagot naman ni Daddy.
Ang matandang yun..
"Oh my god.. ang hayop na yun..akala ko napakabuting tao niya.. demonyo rin pala." Pagsingit ni mommy.
"Yun na nga, kaya ikaw anak, mag-ingat ka.. lalo na't malapit ka sa kanila. Pag igihin mo rin ang iniutos ko para makakuha tayo ng ibidensya laban sa Juarez na iyon." Mariing sabi ni daddy.
"Yes dad.." tanging sagot ko habang nakakuyom ang mga kamao.
Tanginang Javier ka.. lagot ka sakin pati yang unica hija mong maharot.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nila Daddy at mommy nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Sofia? Hija.. may naghahanap sa'yo.." Si yaya pala. Sino naman kayang naghahanap sa akin. Im not expecting anyone today.
YOU ARE READING
Tell No One #Mus-alonlymAward20
General FictionAtheena was happy and contented with her present life, as long as she's with her family. When her 18th birthday has come, sobra ang saya na naramdaman niya. Until one night she met Achillis, wherein something "wet" happened. Sinubok siya ng kapalar...