Chapter 11

96 53 6
                                    

This chapter is dedicated to ArionInazuma08     here's your request babygirl♡

Sofia's POV

It's already afternoon when I decided to woke up. Tinatamad ako ngayong araw na ito, sa totoo lang.

Nakapikit akong pumunta sa bathroom upang maligo.
Pambihirang buhay 'to.

Habang nasa bathtub ako ay wala na akong ginawa kung hindi mag isip nang mag isip hanggang sa matapos.

Habang nagbibihis ako ay biglang tumunog yung cellphone ko.

From: Karter
"Nagawa ko na po ma'am. Halatang nabigla sila sa mga ipinadala kong sulat."
Napangiti ako sa nabasa ko.

Magaling.

Nang matapos ako ay bumaba muna ako upang ialiw ang sarili ko sa ibang bagay.

"Hija.. sigurado ka bang diyan lang sa kabilang kanto nakatira yung boypren mo?" Napatingin ako bigla sa kinaroroonan ni yaya.
Nasa kabilang couch siya habang inaayos ang mga nagkalat na news paper sa table.

"Po?" Nakakunot ang noo kong tanong kay yaya Tess. Saan ba niya galing ang tanong na yan??

"Eh kasi diba, sabi mo diyan lang nakatira yung boypren mo sa kabilang kanto, kaya nilutuan ko siya ng sinigang.. kaso halos lahat na yata ng kapitbahay natin dito, pinagtanongan ko na, eh wala naman daw silang alam, kaya ayon. Kinain ko nalang din ang ibibigay kong ulam sa kanya sana." Mas lumaki pa ang mga mata ko sa narinig ko.

"Wtf yaya?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Woy.. Sofia yang bibig mo.." napakurap ako sa pagpapa-alala ni yaya saken. Tama, allergic nga pala ito sa pagmumura.

"Eh bakit mo naman kasi hinanap yung lalaking yun ya.. hindi ko naman close yun" naiirita kong pasabi.

"Ano't hindi kayo close ba? Eh pinuntahan ka nga't kinumusta dito sa bahay nung magkasakit ka, saan ang hindi close nun?"

"Naku yaya.. i didn't expect him kaya na pupunta siya dito sa bahay.. ang alam ko hindi niya alam address ko.. pero mukhang naghanap talaga siya ng paraan" Pagpapaliwanag ko pa.

Inismiran lang ako ni yaya Tess na tila ba hindi ito naniniwala sa akin.

"Oo nga't hindi mo inasahan yun, pero nang makita mo yung boypren mo.. eh nagliwanag kaagad ang mukha mo, bigla ka ngang gumaling eh" Nakangiting tugon ni yaya sa akin na parang ito pa yung kinikilig.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni yaya.

"Ano ba yaya.. hindi ko nga yun boyfriend okay?" Paninigurado ko.

"At saka ano ba yaya.. anong liwanag-liwanag pinagsasabi mo diyan, mahiya ka nga.." dagdag ko pa.

"Kung yan ang sabi mo hija.." Natatawang sabi ni yaya saka tumayo at nagsimulang maglakad papuntang kusina. Inismiran ko lang siya habang naka-sunod ang mga paningin ko dito.

Parang tanga.. anong liwanag- liwanag pinagsasabi nun. Napaka corny ni yaya.. wala namang matinding dahilan ang mga iyon eh.

Pero mabuti na rin ang ganito.. yung may boto sa amin. Mas mapapadali ang gusto kong mangyari.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito agad mula sa bulsa sa likod ng shorts ko. Nang tingnan ko ito ay si Daddy lang pala, tumatawag.

"Yes Dad?" Sagot ko matapos e-accept yung call.

"Anak, how are you?" Pangangamusta nito sa akin.

"Im okay Dad.. napatawag ka yata?" Tanong ko. Hindi naman kasi tumatawag 'to si Daddy kung walang sapat na dahilan, kung pangungumusta lang ang pag-uusapan, well.. si mommy ang madalas na gumagawa nun.

"Oh common anak.. hindi ba pwedeng kinukumusta ko lang ang prinsesa ko?" Kahit nasa kabilang linya ako ay ramdam ko na tumatawa si daddy, nang aasar na naman.

Napailing nalang ako.

"Dad naman.. i know you, what's up?" Seryosong tanong ko.

"Hahaha oh sege, tutal ayaw mo namang makipagkamustahan.. tatanongin nalang kita" sagot nito.

"Ahuh..." tumatango kong sabi na ang ibig sabihin ay magpatuloy lang sa pagsasalita.

"Kumusta yung pinapagawa ko? May nakuha ka bang ebidensya?" Seryosong tanong ni daddy na ikinaayos ko naman ng upo.

Nawala yata yun sa isip ko. Punyetang lalaki yun.. dahil sa kanya kaya nawala yun sa isip ko.

"Ah.. yun ba? Wala pa eh.." nahihiya kong sagot. Actually hindi ko alam kung paano sasagutin si daddy na hindi niya nahahalata na wala man lang akong ginawa.

Baka nga pagalitan pa ako neto pag nalaman niyang palagi nalang akong nag ka-clubbing o di kaya halos hindi na ako lumalabas ng bahay.

"Why? Are you busy with something?" Naangat ko ang aking paningin nang tanungin ako ni daddy. Guilty yata ako.

Pero am i busy thinking about him nga ba?? Hindi naman diba??

"What? No, of course not. Nagkasakit kasi ako.. kaya hindi ko pa nagagawa yung inutos mo." Pagpapaliwanag ko. Kahit mukha akong nagpapalusot, at least totoo naman yun.

"Nagkasakit ka? Did you go to the hospital ba? Anak?" Here we go again.. the super over protective side of my Dad.. hindi nga yan siya nangangamusta palagi, pero pag nalaman niyang may masamang nangyari sakin.. uulanin ka talaga ng mga "concerned lines" niyan.

"Nah.. hindi naman malala dad, it's just.. lagnat." Sabi ko dito sabay kamot ng sintido ko.

"At bakit ka nagka lagnat??" Tanong na naman nito.

"Naulanan lang ng konte daddy.." parang batang sagot ko na naghihintay lang kung kailan pagagalitan habang naka-nguso.

"What? Anak naman.. hindi mo dapat hinahayaan ang sarili mo na magkasakit.. alam mo naman na wala kami ng mommy mo diyan para alagaan ka.. please baby.. alagaan mo sarili mo." Pangangaral pa nito.

Bumuntong hininga muna ako saka tumango. Ulol. Alam kong di niya yun nakita kaya eto na.. sasagot na ako.

"Yes daddy.. dont worry, inaalagaan naman ako ni yaya eh.." paniniguro ko sa kanya. Mabuti na rin yung ma convince ko siya na okay lang talaga ako dito, at least panatag yung loob nila pag dating sa akin.

"Mabuti kung ganoon anak.." sagot niya.

"And yung pinapagawa niyo sa akin.. naghihintay lang po ako ng tsempo.. gusto ko kasing siya mismo ang lumapit sa akin para maibigay ang nais ko." Huminto muna ako sa pagsasalita saka tumingin sa labas ng bintana, i cant hide my smirk while thinking about that idea.

"I want her to give the evidences towards me without barely knowing that she's the one making bullets for my gun that is aiming for her.." i conclude while laughing evilly at the idea.

Tiniis namin ang pagpapahirap ninyo sa pamilya namin noon..
Sa tingin ko ay panahon na para ibalik na sa inyo ang mga kagaguhang iyon.

Tiisin ninyo ang pait... tiisin ninyo ang sakit.. kaunting panahon nalamang.. konting tiis nalang.. makakaganti rin tayo Daddy..

"Glad to hear that anak.." kahit nasa kabilang linya si daddy ay batid kong nakangisi rin ito ngayon. Alam kong nasisiyahan rin siya sa mga plano ko.

AN:

Finally! After 100 years.. nakapag update na ako.

don't forget to
COMMENT AND VOTE!!

♡Jemmeyah♡

Tell No One #Mus-alonlymAward20Where stories live. Discover now