Sofia's POV
Ilang araw na ring hindi ko nakikita si Adam.. ano ba 'tong nararamdaman ko..
Am I missing him? Am I missing someone?
Kanina pa akong paikot-ikot sa kwarto ko, the idea of seeking Adam's presence is bothering my mind.
Bakit ko ba siya hinahanap..
Kahit pilitin ko kasing itanggi na wala akong pakealam sa kanya.. or kahit pilitin ko mang sabihin sa sarili ko na walang epekto ang mga nangyari noong magkasama pa kami ay pilit paring itinatanggi ng puso ko.
Sabi nga nila.. maloloko mo ang lahat ng tao pero hinding hindi ang sarili mo.
Tama... kaya para saan pa kung magsisinungaling akong hindi ko siya hinahanap?
Kaso yung ideyang bakit ko siya nami-miss ang hindi ko matanggap..
Oo nga't nakilala ko na siya noon, pero hindi iyon sapat na dahilan para maging ganito ang nararamdaman ko.
Ang plano ko ay ang agawin siya mula kay Synthia..pero hindi kasama doon ang mahulog ang loob ko sa kanya. Wala akong pakealam kung masaktan man silang pareho. Mas mabuti nga iyon.. Two birds in one stone ang drama nila.
Kaya tama na ang kahihintay ko sa tawag o text ni Adam.. wala akong mapapala sa kanya ngayon. Siguro ang iisipin ko nalang ay kung paano ko siya maibitag sa pamamagitan ng landi.
Napangiti ako sa mismong naiisip. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.. yun bang maghangad ng ganti sa kapwa mo. Kung noon ay pagpapaganda, pag-aaral at pagka-crush lang ang inaatubag ko, ngayon hindi na.. kung kinakailangang maging isa akong halimaw.. gagawin ko, makuha ko lang ang hustisya sa pagmamaltratong ginawa nila sa pamilya ko.
Huminga muna ako ng malalim nang sa ganon ay mahimasmasan 'tong nararamdaman ko.
I think I need to go out muna..
Have time for myself..Medyo matagal na rin yung last time na nakapag mall ako. Namimiss ko na rin yung mag shopping.. why not give it a try Sofia? Baka sakaling malimutan kong may lalaki akong gustong makita ngayon. Potek.
Ilang sandali pa lamang ay naligo na ako, then i decided to wear my peach sleeveless fitted turtleneck for my above, partnering my fitted white jeans and with the pair of ankle strap sandals.
I put a li'l touch for my make up.. i mean, after putting my liquid mascara, eye liner, blush on and of course.. the color peach for my lipsticks, i decided to get my pouch and car keys na..
Ilang sandali pa lamang ay nakarating na ako dito sa mall. Pagpasok ko palang ay nahalata na ng dalawang mata ko ang paglingon ng mga kalalakihan sa deriksyon ko.
Well, i cant blame them..
Sa di kalayuan ay may nakita rin akong mag jowa, nakita kong kinurot yung lalaki ng babae dahil hindi nito maialis ang paningin sa akin.
"Mga lalaki nga naman.." sabi ko sa isip ko habang pinipigilang matawa.
Dumiretso muna ako sa National Bookstore dahil may bibilhin pa pala akong libro. Buti naalala ko..
Busy ako sa paghahanap ng libro na iyon sa mga bookshelves nang may biglang humawak sa isang kamay ko na naroon sa shelves nakahawak.
Maiinis na sana ako, pero nang makita ko kung sino iyon ay biglang napawi ang namumuong inis sa mukha ko.
"What's up Sofia" He greeted while wearing his very wide smile.
"Adam.." I said... hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayon dito. Akala ko hindi na kami magkikita dahil ilang araw na rin siyang hindi tumatawag sa akin.
YOU ARE READING
Tell No One #Mus-alonlymAward20
Ficción GeneralAtheena was happy and contented with her present life, as long as she's with her family. When her 18th birthday has come, sobra ang saya na naramdaman niya. Until one night she met Achillis, wherein something "wet" happened. Sinubok siya ng kapalar...