Sofia's POV
Hapon na nang magising ako mula sa pagkakatulog. Actually 5am na nga ako nakatulog dahil magmula nang mag-usap kami ni Synthia ay hindi na ako mapakali. Palagi na lang siyang bumabagabag sa isipan ko.
Ang tungkol kay Achillis, ang tungkol sa doctor na iyon, at maging ang mga nalalaman niya tungkol sa akin at kay Atheena..
Si Atheena.. ang inosenteng babae na ninakawan nila ng karapatang mabuhay ng malaya. Wala talaga silang awa. Mga ganid at sakim sa pera.Sa tingin ko ay kailangan ko nang maka-usap si Daddy tungkol dito.
Ilang sandali pa lamang ay nag desisyon na akong bumangon at maligo. Saka ako bumaba upang kumain.
Kahit nga kumakain ay panay pa rin ako sa kakaisip ng kung ano ang dapat gawin. Wala si yaya dito sa bahay kaya ayos lang ang mag isip ng malalim. Walang istorbo.
Pagkatapos kong kumain ay aakyat na sana ako nang may nag doorbell sa labas ng bahay.
"Ano ba naman 'to si yaya.. may susi naman siya pero bakit kailangang mag doorbell pa!?" Pagdadabog ko saka nagtungo sa pintuan.
Nang buksan ko ang pintuan ay magsasalita na sana ako ngunit natigilan ako nang makitang si Daddy iyon. Akala ko si Yaya ang nag doorbell.
"Dad??" Pagtawag ko sa kanya. Bakit siya nandito??
"Hello Anak!" Bati niya saka deritsong yumakap sa akin ng napakahigpit.
"Da-d.. hindi ako.. maka- hi..nga." reklamo ko kaya kumalas kaagad siya saka tumawa.
"I miss you anak.." Sabi pa nito sabay hawak sa magkabilang braso ko.
"Daddy what are you-" napatingin ako sa lalaking kasama niya. Its Karter. "-two doing here???" Nagtatakang tanong ko sabay turo sa kanilang dalawa.
Kung hindi niyo natatandaan si Karter, siya yung palagi kong inuutusang magpadala ng mga sulat sa pamilya Javier upang magsilbing panakot.
"Diba nasa Alaska ka Daddy?? Bakit ka umuwi?? You're not safe here." Naiinis kong sabi saka pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman si Daddy sa akin. Habang si Karter ay nasa may pintuan lamang nakatayo.
"Anak, nandito ako dahil gustong makipag kita ni Mr. Javier. Galing kami ni Karter sa kanya ngayon" Sabi pa niya saka komportableng umupo sa sofa.
"What? Nakipag kita ka don?? Pano pag nasundan kayo?? Hayst. Daddy naman ehh" Naiinis pa ring saad ko.
"Anak nag-iingat naman kami.. saka nag usap lang kami tungkol sa isinampa nating kaso laban sa kaniya.."
"Talaga?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Sinabi niyang, wala tayong makukuhang ibidensya na siya ang may pakana ng lahat ng ito dahil sigurado rin siyang sa mundo ng pagnenegosyo, normal na lamang ang mga pananakot na iyan. Sinabi niya ring magsasampa siya ng kaso dahil sa mali-maling pagbibinting natin sa kanila."
"Tsk. Kung ganon, pagsisihan niya ang mga sinabi niya sa gagawin ko Dad." Nagpipigil galit kong saad saka kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa.
May hinahanap lang ako saglit sa voice recorder saka ko pinindot ang play button.
"Don't worry Sofia.. hindi ko pa naman nasasabi kay Dad lahat ng nalalaman ko.. pero pagnagkataon, sasabihin ko rin. Lalo na't you're a cursed in my relationship with Adam."
"Alam no naman diba na si Daddy ang may pakana ng lahat ng threats na natatanggap ng pamilya ninyo?? Maging ang pagsabog ng sinasakyan ni Atheena Darlene Dela Vega."
YOU ARE READING
Tell No One #Mus-alonlymAward20
General FictionAtheena was happy and contented with her present life, as long as she's with her family. When her 18th birthday has come, sobra ang saya na naramdaman niya. Until one night she met Achillis, wherein something "wet" happened. Sinubok siya ng kapalar...