PROLOGUE

106 25 11
                                    

"Jessa!!! Jessa!!!!" Hinihingal at kinakabahan kong isinigaw ang pangalan ng kaibigan ko. Umalingawngaw ang boses ko sa buong kagubatan dahil sa lakas nito.

"Where are you?! Jessa!" Biglang umihip ang napakalakas na hangin dahilan para magsayawan ang mga tangkay ng puno sa paligid.

"Jessa!!!" Lumulubog na ang araw. Ang berdeng paligid ay unti-unti nang binabalot ng kadiliman.

"Jessa!!" Pinagpapawisan na ako at hindi na alam kung saan pupunta. Kinakabahan na ako sa kung ano ang posibleng mangyare.

Nakarinig ako ng mga kaluskos sa paligid kaya dumoble ang takot na nararamdaman ko.

"Pumarito ka.."

Hindi ko alam pero batid kong may nagsalita.

"J-Jessa?"

"Pumarito ka.."

Boses iyon ng isang babae pero batid kong hindi si Jessa ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

"S-Saan?"

"Sundan mo ako.."

"Magpakita ka! How can I follow you?!"

Napatalon ako nang biglang may lumabas na kuneho mula sa damuhan. Wait.. a rabbit? There's a rabbit in this place? Tinignan ko ang kabuuan nito at nakita kong may hawak siyang kumikintab na bagay. I feel some curiosity towards that shiny thing.

"Sundan mo ang nilalang na 'yan.." Bigla na namang nagsalita ang babaeng 'yon. Teka, sino ba siya? Ba't hindi niya magawang magpakita sa'kin?

Gumalaw na ang kuneho at tumalon papunta sa likod ng isang malaking puno. Ginawa ko naman ang sinabi ng babae. Sinundan ko ang kuneho.

"Hey, r-rabbit.. hintayin mo ako.."

After a few minutes, the rabbit stopped in front of a huge tree. I gaped my mouth in surprise. Napakataba ng katawan nito! Kasing lawak ata ng katawan nito ang isang classroom? Pambihira.

"Nasaan na ako!?" Tumingin-tingin ako sa paligid. Puro puno lang ang nakikita ko pero iba talaga ang laki ng isang 'to sa harapan ko. Napakatayog. Siguro kapag umakyat ako sa pinakatuktok, kita ko na ang buong siyudad.

Humakbang ako papalapit sa puno. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lumiliwanag na bagay dito sa pinakagitna ng katawan. Parang may nakaukit...Pinakatitigan ko ito ng mabuti....

"M-V-S-T??"

Must? Pero letter 'V' yung nakaukit sa gitna ng 'M' at 'S'..

Tinitigan kong muli ang mga nakaukit. Lumiliwanag talaga ang mga ito na parang may ilaw dito sa loob ng katawan ng puno. Nagtaka pa ako nang makita ang isang maliit na bilog sa ilalim ng mga letrang nakaukit. Malalim ito.

Napatalon naman ako nang makaramdam ako ng mga balahibo sa paanan ko.

Yung kuneho lang pala. Hoo..

Nangunot ang noo ko nang ilahad niya sa akin ang kumikinang na bagay na hawak-hawak niya. Is it a treasure? Jewel? Taka ko naman itong kinuha.

Sinuri ko ito. "Oh? Mukhang magkapareho lang ang laki nila... Magkahugis rin.." Tukoy ko sa maliit na butas at sa hawak-hawak kong bilog na kumikinang. Muli ko pang tinitigan ang hawak ko bago ko ito ilagay sa bilog na butas na nasa puno.

Oh, sumakto nga.

"AAAHHHH!!!" Bigla akong tumilapon papalayo sa puno dahil parang may malakas na force na lumabas dito! Agad naman akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko.

Bigla namang lumiwanag ang buong puno!

Napaatras ako dahil gulat. Sheemss... Sa sobrang liwanag nito'y napapikit pa ako. An---Ano yun!? Lumiliwanag!? Yung puno!? Impossible! Namalikmata lang ako!

Pero laking gulat ko dahil pagdilat ko, may tatlong estranghero na ang nakapalibot sa akin. They are wearing a white cloak and their faces are hidden because of the hood they're wearing.


"Si--Sino kayo!?" I shrieked.

Biglang dumagundong ang dibdib ko nang bigla akong hawakan ng dalawang estranghero sa magkabilaan kong braso.

"T-Teka... An-Ano'ng ginagawa niyo? Bitawan niyo'ko!!" Nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak nila pero masyado silang malakas.

The one in front me smirked. Kinilabutan naman ako dahil parang may ibig sabihin ang ginawa niyang pag-ngisi.

"Lqyhsfauaigsysusjaoahs" nagsalita ang lalakeng nasa unahan ko ng lengwaheng hindi ko man lang magawang maintindihan. Sino ba sila? Anong gagawin nila sa akin?

"Qqouwhakabavauai"

"Pqwhagsuwlanahkapqjdqw"

"Halina kayo.." iyon lang ang naintindahan ko. Batid kong lalake silang tatlo base sa mga boses nila.

"Woah!!" I screamed when the man in front of me abruptly dissapeared. Humawak lang siya do'n sa katawan ng puno at boom! Nawala na siya!

How the heck did it happen?!

Inakay ako ng dalawang lalakeng may hawak sa akin papalapit sa puno. Natatakot naman ako kung ano ang posibleng mangyare.

N-Nasaan na si Jessa? Nasaan na ang kaibigan ko?

Sino ang tatlong lalakeng nagpakita sa akin ngayon lang? At... at anong meron sa dambuhalang puno na ito?

Ano ba ang nangyayare???

Panaginip ba 'to??

Biglang nagkaroon ng napakalaking butas ang puno. Nasilaw pa ako dahil mas maliwanag pa ata ang ilaw nito sa loob kumpara dito sa labas.

"Magkita na lang ulit tayo sa Mevalast.." nagsalita ang lalakeng nasa kaliwa ko. Pero bago pa man ako mapatingin sa gawi niya, buong pwersa na nila akong itinulak papasok sa loob ng nagliliwanag na butas. No!

"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!

AAAAAAAAAAHHHHH!!!!

WAAAAHHHHHH!!!"

_________________________________________

Welcome to Mevalast! Where magic and powers last..

_________________________________________

In The Other World (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon