CHAPTER 6

51 10 6
                                    


In The Other World
Chapter 6

_________________________________________


"H-Hindi kita maintindihan.." Naguguluhan kong sabi. Muli siyang bumuntong hininga.



"Hindi ka ba nagtataka?"



"W-What do you mean?" Tanong ko.



"I'm invisible, right? Matagal na panahon na akong ganito at ikaw pa lang ang nakakita sa akin. Hindi ba nakakapagtaka yun?" Tinignan niya ako sa mga mata, inaalam kung nakuha ko na yung point niya. "You can see me therefore you can help me. You are the one. Ikaw ang itinakdang tutulong sa akin, Brozallie."



Inabot naman ng ilang minuto bago naging pulido sa isipan ko ang mga sinabi niya.


Napakurap-kurap ako habang napapa-iling.



"Y-Yan-----Yan din yung sinabi sa akin ng kaibigan ko eh." Pagtukoy ko kay Jessa.



Napapikit pikit ako.



Isang butil ng luha ang naramdaman kong nakatakas na pala sa mga mata ko.



"I-Iligtas daw kita." Tinignan ko siya ng may hinanakit. "Yun ang sinabi niya bago kami magkahiwalay.. Ang iligtas ka." Ngumiti ako ng pilit.



Pero dahil bumibigat na naman ang pakiramdam ko, nagsimula na namang manlabo ang mga mata ko.



"Yun ba ang d-dahilan?" Nabasag na ang boses ko. "Kailangan ba muna kitang iligtas bago ako makakaalis dito?" Saad ko na halos maiyak na. "Paano? W-Wala akong alam.. w-wala rin akong tapang ng loob.. paano kita ililigtas, Eragon?"



Tinignan niya ako. I can see in his eyes na naiintindihan niya ang nararamdaman ko.



"Nakikita nga kita. But it doesn't mean that I can help you, cause I can't." Umiyak na ako ng tuluyan. "I'm weak."



"You're not okay, but you will be, Brozallie.. It'll be difficult, but you can do it.. you're feeling weak, but be strong. It's the only choice you have.."



I looked at him. At his eyes.



Umiling ako. "Eragon, I'm weak-----" He cut off my words.



"You are not weak, Brozallie." Puno ng kaseryusohang sabi niya. "..you're just scared." I gulped. It hits me. "But I'm telling you, being scared will not help you. It will just ruin you."



Tinignan ko lang siya habang napapakagat sa sarili kong labi.



But---arrgh!



Lumuluha akong bumalik sa batong inupuan ko kanina. Sa ngayon, umupo ako sa lupa at pinahilig ang ulo ko doon sa bato. Doon ako nagpatuloy sa pag-iyak.




What now, Brozallie?





__________








Nagising ako dahil sa isang mahinang hagikhik na naririnig ko. Nakatulog pala ako kagabi dahil sa kaiiyak.



Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at laking gulat ko nang isang mukha ng babae ang bumungad sa akin. Ilang dangkal na lang ang layo niya sa mukha ko.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In The Other World (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon