CHAPTER 2

58 17 1
                                    


In The Other World
Chapter 2

_________________________________________

*CRIIIIIIIIIINGGGGGG*

Kaagad kong pinatay ang alarm clock ko. "Aish! Five minutes pa!" At saka muling nagtalukbong ng kumot.

*CRIIIIIIIIIIIIIINGGGGG*

Inis kong inabot ang alarm clock sa tabi ko. "Aish! One minute pa lang nam----WAH?! LATE NA AKO!!"

"Hannah!! Ba't hindi mo ako ginising!!!" Bulyaw ko sa kabilang linya. Kabababa ko lang sa scooter ko at kumaripas kaagad ako ng takbo papasok ng school gate.

"He-llo!? I'm not your alarm clock, ate.."

"Aish!! Kasalanan mo 'to!!!"

"Duh! Ba't ak----"

Hindi ko na siya pinatapos dahil pinatay ko na ang tawag. Aishhh!!! Late ka na, Brozallie!!! Lateeee!!!

Mas binilisan ko pa ang takbo papunta sa building namin. Muntik pa nga akong mahulog sa hagdanan dahil sa sobrang pagmamadali. Tumalon ako papasok sa classroom namin kaya napatingin sa akin ang lahat ng mga kaklase ko maging si Prof. "G-Good morning, Sir!!!" Napasinghap pa ako ng hangin. Hooo!!

"Oh? Too early for the next subject.." Sarkastikong sabi ni Prof. Napayuko na lang ako. "You may sit now, Miss Uvidia.."

"Sorry, Sir.." sabi ko pa at dumiretso na sa upuan ko. Haaaaayyyy thank you, Lord.. Buti nga't mabait si Prof. Dahil kung si Miss Cruz yun, baka pina-drop na ako..

"Why are you late?" Bulong sa akin ni Andrio nang makaupo na ako. Malaki ang pagkakangiti niya sa akin kaya naman sinuklian ko siya ng simpleng ngiti.

"Uh.. napasarap tulog ko e.." at tumingin na kay Prof sa unahan.

To be honest, late na ako nakatulog dahil sa kakaisip kay Jurro. I won't deny na nasasaktan pa rin talaga ako hanggang ngayon to think na binigay ko lahat ng pagmamahal ko sakanya pero sinayang lang niya. Para akong tanga na naglapag ng pagkain sa mesa and all he had to do is to eat pero mas pinili niyang umayaw at maghanap ng ibang putahe.


"Hoyy.." sinundot ako ni Andrio sa braso. "..ano ba'ng panaginip mo kagabi?? " nakangiting bulong niya.

Really? Aish.. Ang weird niya talaga..

Hindi ko na lang siya sinagot at nakinig na sa lecture.

Nagsisisi ako dahil siya ang seatmate ko. I mean, ayaw ko lang talaga sa kadaldalan niya. Noong una nga, napagkamalan ko siyang special child dahil palagi niya akong tinatanong kung ano ang panaginip ko. Ang weird lang, 'di ba? Pero sabi sa akin nung Ate niya nang pumunta kami sa bahay nila for group project, gano'n daw talaga si Andrio. Simula pa pagkabata.

Minsan hindi ako nakakapag-focus dahil sa bunganga niya. Mas madaldal pa siya kaysa kay Jessa.

Pero kung sa usapang mabait, siya ang number one ko. Matrip nga lang.

In The Other World (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon