CHAPTER 1

91 24 8
                                    

In The Other World

Chapter 1

_________________________________________



"Hannah!!" Sigaw ko. "Hannah!" Sigaw ko ulit. "Pambihira. Hann----"

"OOOHHHH!?"

"Ba't ngayon ka lang!? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo!"

"E bakit nga?" Nameywang pa siya.

"Itapon mo 'tong mga pinagkainan ko."

"No way!"

"Isa.."

"Tsk! Ang tamad mo, ate!"

"Ewan ko sayo! Itapon mo na lahat 'yan! Bilis!"

"Argh!" Padabog niyang inilagay sa isang plastic bag ang mga pinagkainan ko ng pizza at pinag-inuman ko ng mocha shake. Nagdadalawang isip pa nga ako kanina kung iki-keep ko yung cup ng mocha shake, ang ganda kasi. Pero sa huli, napagdesisyunan ko na lang na itapon dahil wala naman akong gagawin do'n. "Pagkatapos mo jan, matulog ka na dahil gabi na.." anas ko pa habang nagcecellphone. Nakataas pa ang dalawa kong binti sa sofa habang may pinapapak na french fries.

Magrerelax muna ako ngayon. Masyadong napiga 'tong maganda kong utak dahil sa long quiz namin kanina sa school. Aish. Sobrang hirap pa naman.

"Natural! Meron ka na bang narinig na nagsabing MATULOG KA NA DAHIL UMAGA NA.. he-llo? wala pa di ba?"

"Hi.."

"Huh?"

"Tapusin mo na lang 'yan! Ang daldal mo! Ang sakit sa ulo!"


"Nyenye! Duh!"

"Duh duh ka pa jan ah! Baka gusto mong ipagsigawan ko bukas sa school na crush mo si Aries the panget." Pagbabanta ko. Crush niya kasi yung nerdy na transferee sa school namin. Ewan ko ba sa kanya.

"Shut up!" Dismayadong singhal niya.

"Bwahahahaha!!"

"Eww! Like a monkey.."

By the way, she's my younger sister, Hannah Glory Uvidia. Maarte siya, sobra. Nakakadismaya na minsan pero swerte ako dahil siya ang kapatid ko. She's a caring and a loving sister. Actually, sobrang close kami sa isa't isa pero talagang hindi maiiwasan ang bangayan everytime na inaatake siya ng kaartehan. Siya na lang ang kasama ko sa buhay. Our parents left us when we're still young. Nakatira kami sa isang condo unit at si Auntie Greeny na kapatid ng nanay namin na ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan naming magkapatid. She's a Doctor in Japan, by the way.

"Ate, okay lang ba mukha ko?" Tanong ni Hannah nang makababa na kami sa scooter ko. Nandito na kami ngayon sa parking lot ng school namin.

In The Other World (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon