CHAPTER 3

61 13 2
                                    


In The Other World

Chapter 3

_________________________________________


"Brozallie?"

Napatingin ako sa likuran ni Andrio. Nakita ko si Jessa na malaki ang pagkakangiti sa akin. May dala siyang mga libro sa bisig niya.

Kung gano'n nandito nga siya sa library.

"Je-Jess-ha.." usal ko. Ramdam kong hinihingal pa rin ako na para bang galing ako sa isang mahabang takbuhan. Nakakaparanoid yung nasaksihan ko!!

Tinapunan niya muna ng tingin ang nakatulalang si Andrio bago lumapit sa akin.

"Wow ah! Ba't nandito ka? Hindi mo sinasabi sa akin na trip mo na rin pala ang pagbaba----" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang mahalata niya ang misteryosong libro na nakabuklat sa sahig. Napakurap siya. "Binasa mo?" Mahinang tanong niya. Kaagad akong umiling.

Kukunin niya sana ang libro pero pinigilan ko siya. " 'Wag! Pag-aari ng engkanto ang librong 'yan!"

Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Nakita rin ba ni Andrio?"

O___o

Anong ibig niyang sabihin? Alam niya bang may nangyareng kakaiba?

"Paano mo nal---"

"Gusto mo na bang malaman kung bakit 'to nangyayare sa'yo ngayon??"

Nangunot ang noo ko. "H-Ha?"

Binitawan niya ang hawak na mga libro at saka marahan akong hinila sa kamay. Napatayo tuloy ako dahil do'n. "Come with me.." Inakay niya ako paalis sa pwestong yun.

"H-Hey! Where are you going!?" Napatingin ako kay Andrio na nakaupo pa rin sa sahig. "Don't leave me here!"

"Teka.. si Andri----"

"Leave him.."

"Bak---"

"Makinig ka na lang, Brozallie.."

Naitikom ko na lang ang sariling bibig. Napaka-seryoso niya naman.

Lumabas kami ng library. Patuloy lang siya sa paghila sa akin at ako naman ay nagpapahila lang. Tumigil lang kami sa paglalakad nang marating na namin ang soccer field.

Napakunot ang noo ko. "Ano'ng ginagawa nat----"

"You are not ordinary.."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Grabe, napaka-straight forward naman no'n. Pero ano? I'm not--

"What?"

"Hindi ka ordinaryong tao, Bes.."

Nagsalubong ng todo ang dalawa kong kilay. What is she saying right now? An..Anong hindi ako ordinaryo? Anong ibig niyang sabihin?

Ikinampay ko ang isang kamay ko sa ere. "Tsa.. You know, Jessa, this is not the right time to joke.." sabi ko. "Mabuti pang bumalik na lang tayo sa classroom....baka nando'n na si Miss Cruz.." tumalikod na ako sa gawi niya. Maglalakad na sana ako pero muli siyang nagsalita.

In The Other World (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon