7

23 10 0
                                    


Athena's POV



Ewan ko ba at parang naiinis ako na naiirita. Ang sarap mambara. Nyeta.



"Tss, nandito sila. Halata naman diba?"



"Ahh...ano pa lang kailangan niyo?" tanong naman ni Xander. Like seriously!? Pangatlong araw pa lang ng pasukan at nabobo na yata itong kambal ko.



"Magta-transfer kami dito. Hindi mo pa ba alam?" tanong ni Ashley kay Xander. Hindi pa niya alam, di pa naman siya sinabihan ng nanay niya. Tsk.



"Dito kayo mag-aaral?" halata ang pagka-gulat sa mata ni Xander.



"Dito sila mag-aaral kaya nga magta-transfer sila dito diba? Ba't ang slow mo ngayon Xander?" iritang tanong ko kay Xander. Kanina pa akong umaga nabubwisit, wag niyang dagdagan init ng ulo ko.



"Eh ikaw? Ba't iritang-irita ka?" biglang sabat naman ni Austin. Wow.



"Am I talking to you, Austin?" poker face kong tanong sa kanya.



Halata naman na nagulat sila Xander, Warren, at Stone habang si Austin naman ay nag-iba bigla yung awra niya....naging dark? Oh well, i'm not scared anyway.



"What. Did. You. Just. Call me?" malamig na tanong niya. Napa-irap naman ako. Sa tingin niya matatakot niya ako sa cold voice niya? Tsk.



"Austin. It's your name right? Drake AUSTIN Lee" painosente kong tanong sa kanya. Tama naman ako diba? Pangalan niya yun bakit ayaw niya?



"No one dares to call me Austin" mas lalong lumamig yung boses niya at halata sa mga mukha ng mga kasama namin dito ang takot except sa akin. Pwede pala yun? Dapat na ba akong matakot? Wait...kunin ko lang yung winter jacket ko.



"Well. If no one dares.....I. Dare." mas malamig pa sa tono niya kanina ang boses ko kaya naman mas dumoble ang takot sa mukha ng mga kasama namin. I can also feel the tension between the two of us. Nagtitigan lang kami nang biglang putulin ito ni Warren sa pamamagitan ng pagtikhim niya.



"Uhmmm....excuse us. Nandito po kami" tinignan ko siya bigla kaya nagulat siya at bigla na lang naglumikot ang mga mata niya. Nabalisa siguro sa takot? Nakatingin ako sa kanya pero ramdam ko pa rin ang titig ni Austin sa akin. Tinignan ko siya pabalik saka nilibot ang paningin ko sa iba at huminto kay Xander.



"I gotta go" tumingin naman ako kila Naomi "sumunod na lang kayo if tapos na" at saka umalis na ako pero bago pa man ako makalabas ng pinto narinig ko pa yung sabi ng mga lalaki.



"She's....something"



*smirk*



Yeah, i'm really something you wouldn't dare to know.






Naomi's POV


Konnichiwa. Naomi Lyka Azuma desu. 17. Napakilala naman na siguro ako ni Athena. Well sa ngayon nandito pa rin kami sa opisina ni Xan-chan. Umalis na kasi si Athena iniwan kami kasama yung tatlong kaibigan ni Xan-chan at medyo may naiwang tension pa rin hehehe.



"Ahmm...Xan-chan, can we get our schedules now?"



"H-huh? Ahh here" may kinuha sya doon sa may drawer niya sabay abot sa amin ng tatlong folder. Base dito magkakaklase kaming lahat kasama yung tatlong guy na gwapo.



Athena: Goddess of the Underworld RealmWhere stories live. Discover now