Alec's POV
Damn! What should we do? Hindi namin alam kung anong sasabihin kay Xander. Wala naman kasi kaalam-alam si Xander sa pagiging gang-ku-fia-ssin ni Athena eh. Eh paano ba naman gusto niya ipakita sa pamilya niya na malakas siya pero ang bruha tinatago pa yung katauhan niya. Ewan ko ba jan!
"Yah, Alec. Anong sasabihin natin kay Xander? Hindi naman natin pwede sabihin na gangster si Athena tapos nakipaglaban siya kagabi. Edi magkakalintikan na! Aishhhh" asar na sabi ni Ashley.
Oo nga naman, hindi pa kasi ito ang tamang oras para sabihin yung pagiging gangster thingy dahil baka magkaroon ng gulo at ma-misunderstand niya.
"Hmm..how about we make up a story. Kunyari nahold-up si Athena nung lumabas siya kagabi tapos nasugatan siya kasi nanlaban siya ganun" suggestion ni Naomi kung matatawag nga na suggestion yun.
"Tanga ka ba? Sa tingin mo maniniwala si Xander. Ni hindi nga niya alam na marunong makipaglaban si Athena eh" napairap na lang ako sa pagtatalo ng dalawa. Sana naman magising na si Athena mamaya para siya na bahala magsabi kay Xander.
* * * * *
"So...sasabihin niyo na ba sa'kin kung paano nakuha ni Athena yung sugat niya?" seryosong tanong ni Xander sa amin. Mahahalata rin sa boses nito ang pag-aalala. Kung pwede lang talaga namin sabihin Xander....kaso di pa ito ang tamang oras na sinasabi ni Athena eh.
"Ano kasi...ang totoo nyan Xan-chan ano——" utal pa na sagot ni Naomi.
"SABIHIN NIYO NA NGA LANG ANG NANGYARI. WAG NA KAYONG MAGPALIGOY-LIGOY!!!"
Lahat kami ay nagulat ng bigla na lamang sumigaw si Xander ng pagkalakas-lakas.
"Hoy, Xander! Baka nakakalimutan mong mas matanda pa rin ako sa'yo kaya galangin mo 'ko. Matuto kang gumalang sa nakakaganda sa'yo, baklang 'toh!!!" hayst akala ko naman seryoso na si Naomi dinugtungan pa ng kabaliwan niya. Well, she's Naomi. Childish.
Natahimik naman si Xander at yung mga kaibigan niya. Totoo kaya na bakla si Xander? Gosh...wag naman sana. Crush ko yan eh...yiiieee charr.
"Bakit magkano-ano ba kayo ni Xander?" tanong ni Tristan kay Naomi.
Actually, bagay sila. Isang childish at isang FC. Kidding~ friendly kasi masyado si Tristan. He's amiable.
"Pinsan ko siya" sagot ni Xander "Kapatid ng mama ko ang mama niya" dugtong pa niya.
"Bakit di namin alam yun bro?" tanong naman ni Brixton.
Pinapakinggan ko lang sila. Si Ashley naman ayun may ka-text sa cellphone niya. Si Drake naman nakaupo malapit kay Athena habang hawak yung cellphone niya.
"Di mo pala ako nakukwento sa kanila. Oh well, ako lang naman ang pinakamagandang pinsan nila Xan-chan at Athe—I mean Alice. Oo, tama si Ate Alice" nakita ko ring napakuyom ng kamao si Naomi ng patago kahit nakangiti siya kina Xander.
Maski ako naaawa sa kanila eh. Ikaw ba naman walang karapatan na sabihin na kamag-anak mo yung taong malapit sa iyo. Kung bakit ba naman kasi ayaw ituring nila Tita Clio at Tito Luke na anak si Athena eh sariling laman at dugo naman nila ito. Pinagkaitan na nga nila ito ng atensyon at pagmamahal pati ba naman pagkakakilanlan.
Si Athena na yata ang kilala kong anak mayaman pero never kinilala ng angkan nila bilang kadugo—outcast in short.
"You're awake" rinig naming sabi ni Drake kaya napalingon kami sa kinahihigaan ni Athena. Gising na nga ito at di ko gusto yung awra na pumapalibot sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/127517591-288-k588866.jpg)
YOU ARE READING
Athena: Goddess of the Underworld Realm
AçãoStatus: On-going "I am your worst nightmare, your worst enemy and your worst downfall. Once you mess with me, prepare to see, the DEMONS that's hiding within ME" Book Cover made by: @HannieGrid03 -----************* WARNING ⚠: *Wrong Typos *Misspell...