Kadarating lang ni Jessica sa isang coffee shop ng makita agad niya ang kaibigang si Cindy na nakaupo at kumaway sa kanya. Napagkasunduan nilang magkita ngayong araw dahil gusto nitong makibalita kung anong nangyari sa plano nila. Ayaw sana niyang lumabas ngayon dahil may iba pa siyang gagawin ngunit makulit ito kaya pinagbigyan nalang niya para tumigil sa pangungulit.
"Kumusta bes? Ano ng balita? Nagkita ba kayo? Napansin ka ba niya? Sunod-sunod na tanong nito pagka-upo na pagka-upo pa lang niya.
"Hep, hep, hepp, isa-isa lang." Sansala niya rito.
"Eh excited akong malaman kung ano ang nangyari. Oh ano napansin ka ba niya?"
Ngumiti siya ng malapad dito. At isinasalaysay ang buong detalye ng nangyari ng gabing iyon sa bar.
"Sino ba naman ang mag-aakalang sinadya mong iwan ang wallet mong naglalaman ng mahalagang bagay tulad ng ID at pera. No one dear." Nangingiti nitong sabi. Nagtawanan sila.
"Oh my, believe na talaga ako sayo bes." Proud na sabi nito sa kanya at nag-apir pa ang dalawa.
"Akala siguro ng lalaking iyon ay ang lahat ng babae ay magkukumahog na mapansin niya. Pwes, nagkamali siya. Meet Jessica Hernandez. The playboy heartbreaker."
"Hoy tumahimik ka nga at baka marinig ka ng ibang tao sa paligid at baka maniwala pa sila sayo." Agap niya sa iba pang sasabihin nito.
"Aba totoo naman ah."
Sasagot pa sana siya ng tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng bag.
Kinuha niya ito at tiningnan ang numerong nakarehistro sa screen. New number iyon."Hello."
"Is this Jessica Hernandez?" Tanong ng baritonong boses ng lalaki sa kabilang linya.
"Yes, speaking. Sino 'to?" Balik tanong niya. Biglang kinutuban siya sa kung sino ang nasa kabilang linya.
"This is Greg. Ako 'yong lalaking nakabanggaan mo kagabi sa bar sa may Makati." Pagpapakilala nito.
"Oh okay. I remember. How may I help you? Where did you get my number?"
"Well, mukhang nalasing ka na kagabi ng magkabanggaan tayo kaya siguro nakalimutan mo 'yong wallet na nilagay mo sa ibabaw ng mesa." Paliwanag ng binata."I'm sorry that I need to check your wallet to see if I can find an ID. And gladly, I found one. Kaya nakontak kita para masauli ang wallet mo." Mahabang sagot nito.
"Well, thank you Mr...what's your name again?" Nakangiting tanong niya. Kunwari ay hindi niya maalala ang pangalan nito dahil hindi ito interesting na tao.
"Greg de Silva. Just call me Greg." Sagot nito.
"Well, Greg, maraming salamat at nakita mo ang wallet ko. What's your address at ipakukuha ko diyan ang wallet ko sa driver namin. Medyo busy kasi ako ngayon." Kunyari busy-busy'han siya.
Halos di naman mapigilan ni Cindy ang malapad na ngiti habang nakikinig sa kanila. Nakaloud speaker kasi ang phone niya.
"Well, I want to hand it to you personally. How about dinner tonight? Or coffee or beer, which one do you prefer?"
"Okay, pasalamat na rin sa pagsauli mo ng wallet ko. I'll grab that coffee offer but not tonight. Make it this afternoon at 4 in the dot. I'll text you the place." Deklara niya with finalization sa boses. Parang take it or leave it voice.
Hindi naman agad nakasagot si Greg sa kabilang linya na para bang nagdadalawang-isip kung itutuloy ba ang binabalak or not. Nararamdaman nitong iba ang babaeng ito. She sounds like a boss at mukhang kung magiging asawa niya ito ay baka ma'under de saya siya nito. Kaya malayong payagan nitong aabot sila sa kasalan. Challenge lamang ang lahat ng ito.
Nakangiting naghihintay si Jessica ng sagot sa kabilang linya. Halos alam na niya ang iniisip ng binata at iyon ang gusto niyang mangyari.
"Cool. See you later." Wika nito ng makahuma.
Nagpaalam naman agad si Jessica at pinatay ang tawag.
Nag-apiran naman ang dalawang magkaibigan sa tuwa.
Tatlong oras ang nakalipas ay tinahak na Jessica ang daan papunta sa coffee shop na napag-usapang tagpuan nila.
Maganda ang ambiance ng naturang coffee shop. Aside sa napakasarap na kape ay gusto niya ang theme nitong booklatte.
Nakita agad niya si Greg na naghihintay sa kanya ng pumasok siya sa coffee shop. Nakangiti itong tumayo at pinaghila siya ng upuan.
Hmm...looks gentleman. That's what playboys so good at...making girls feel so special. Sa isip-isip niya.
"Kanina ka pa?" Tanong niya na nakangiti.
"Kadarating ko lang." Sagot ni Greg na nakangiti ngunit ang totoo ay halos kalahating oras na itong naghihintay sa babae. Ayaw niyang pinaghihintay siya ng mga tao. Ang mga tao ang laging naghihintay sa kanya. Pero hindi niya masabi ang nasaisip sa dalaga at baka mapurnada ang plano niya. May inis siyang naramdaman sa babae dahil hindi man lang ito nag-abalang humingi ng paumanhin sa pagka-late nito sa usapan nila.
Napatitig siya sa dalaga. Ang hugis ng mukha nito na hindi niya pagsasawaang pagmasdan at mapupulang labi nito na kaysarap parusahan ng halik. The thought arouses the deeper inside of him.. Magagawa niya iyon pero dahan-dahan lang. He'll make her fall in love with him soon.
Nakangiting tinitigan niya ito habang sinasabi sa waiter ang order nito.
"Give me brewed coffee,please." Dagdag niya sa order nito.
"You look stunning in your dress." Papuri niya rito at totoo iyon. Parang baliwala lang dito and sinabi niya at sinabing 'thank you' at ipinaramdam sa kanya na alam na nito ang sinasabi niya.
Mukhang mahihirapan siya sa babaeng ito,ah. Paano ba niya ito mapapaibig kung parang hindi naman siya nito pinagtutuunan ng pansin.
Hindi siya pwedeng matalo. Malaki ang pusta na makukuha niya kung magtatagumpay siyang mapaibig ito.
Pasasaan ba't mapaibig rin kita. Sa loob-loob niya.
Isinuli niya ang wallet nito at inumpisan na niyang higupin ang mainit na kape at ganoon din ito.
"Wala bang magagalit na kasama kita rito ngayon?" Pasimpleng tanong niya.
Tumawa ito " Your fishing, huh." Sabi nito. "Well, I'm single. No husband or boyfriend."
"Why? Sa ganda mong iyan? Parang di naman kapani-paniwala."
"Believe it or not, wala pa talagang nagpapatibok sa puso ko." Wika nito na nakangiti.
Malapad namang nakangiti si Greg. "Siguro hindi ko pa siya nakilala o worse baka hindi pa siya ipinanganak." Birong sabi nito at tumawa.
Natawa rin siya at sinabing " Baka bago mo lang nakikilala ang lalaking magpapatibok sa puso mo." Sagot niya na may tinutukoy, ang kanyang sarili.
"Sino?" Luminga-linga ito at napadako ang tingin sa kanya. "Ikaw?" Tanong nito at tumawa.
"Who knows?" Matamis na ngumiti at ganting sagot niya.
"I want to know you more. How about dinner tomorrow?"
"Well, that's a good offer but I have to check my schedule first. I'll text you tonight if I can come."
"Great. I take it as a yes already and I'll reserve a table for us in a fancy restaurant." Matamis na ngiti lang ang sagot nito.
Nagpaalam naman agad ito pagkaubos ng iniinum na kape. May gagawin pa daw ito.
Hinabol niya ng tingin ito. Something's in her that bothers him.
Is it her oozing sex appeal?
BINABASA MO ANG
15 Days To Dump A Playboy
RomanceIbinalya siya nito ng malakas sa dingding saka hinapit sa baywang ng sobrang higpit. Halos pangapusan naman siya ng hininga dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't-isa. Ayaw niyang salubungin ang nag-aapoy nitong titig sa kanya. "Look at m...