Tanghali na nagising si Jessica ng araw na iyon. Medyo napuyat yata siya kagabi sa kakaisip kay Greg. Iwan ba niya at di mawala-wala sa isip niya ang lalaki. Ang mga mata nitong mapupungay at mga ngiti nitong kay sarap pagmasdan ay ayaw mapuknat sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Siguro dala lang iyon ng iniinom niyang wine. Nasobrahan yata siya sa iniinom at parang feeling niya ang sweet-sweet ni Greg sa kanya. She felt special.
Napasarap ang kwentuhan nila kagabi. Masarap itong kausap. Parang ang gaan-gaan nitong kasama. Iyon din kaya ang nararamdaman ng ibang babae para dito kaya ang bilis nitong makuha ang mga loob ng kahit sino?
May lahi sigurong mangkukulam ang lalaking iyon. Kailangan kong mag-ingat at baka pati ako ay makulam sa kanyang charm.
"Jessica, anak. Bumaba ka nga rito. May naghahanap sa'yo." Tawag ng kanyang ina. Tatlo lang sila sa bahay. Ang ina niya, siya at ang katulong nilang si Teresa. Simula ng maghiwalay ang mga magulang niya ay napilitang itaguyod siyang mag-isa ng kanyang ina. Kagagraduate lang ng ina niya sa kursong BSED ng mabuntis ito ng ama niya. Nang mag-isa nalang ito ay sinubukang nitong magtake ng board exam for teachers at sa awa ng diyos ay nakapasa ito. Nag-apply agad ito sa malapit na public school at nahire naman agad. Nang makapag-ipon ang ina niya ay nagtayo ito ng botique habang nagtuturo at napalago nito iyon. Ang sabi pa nito ay hindi daw ito aasenso sa pagiging teacher lang.
Ngayon ay isa na itong principal sa tinuturuang eskwelahan. She's so proud of her mother. Napakasipag nito at napakamadiskarte sa buhay. Kaya hindi kawalan ang pagkawala ng babaero niyang ama. Ginawa nitong lahat para magampanan ang pagiging ina at ama sa kanya.
"Jessica, bilisan mo." Tawag uli nito.
"Ayan na ho."
"Oh bakit ma?" Tanong agad niya. Nakita niya ang lalaki sa labas ng bahay na may dala-dalang boquet of roses.
"May nagpapadala sa'yo ng bulaklak."
Pinirmahan niya ang receiver's slip at umalis na ang delivery pagkatapos niyang magpasalamat.
"Kanino galing iyan?" Curious na tanong nito.
Hindi siya sumagot at tiningnan ang maliit na card na nakaipit sa bulaklak.
For the prettiest woman. Have a wonderful day!
Basa niya sa nakasulat sa card. Walang nakasulat kung kanino ito galing.
"Ano yan galing sa nobyo o manliligaw? Papuntahin mo naman iyon dito." Wika ng ina niya.
"Ma, wala po akong manliligaw at lalo ng wala po akong nobyo." Tanggi niya.
"Eh ano iyan? At saka iyang ngiti mo? Mukhang kinikilig ka. Huwag mong sabihin na ikaw lang ang nagpapadala niyan sa sarili mo? Dahil 'di ako maniniwala." Sabi nito na parang natawa.
Natawa naman siya sa sinabi nito.
"Mama naman anong akala mo sa akin naluluka na?"
"Hindi naman sa ganoon anak pero bente-tres ka na at ni isa wala akong makitang anino ng nobyo mo."
"Ma naman, bata pa naman ako, saka ayoko pong magpadalus-dalus dahil baka matulad n'yo akong nadapa sa isang babaero."
"Anak, hindi ko pinagsisihan ang pagkadapa ko sa ama mo dahil kung hindi ako nadapa wala sana akong magandang anak ngayon." Wika nito na biglang lumamlam ang mga mata.
"Oy nagdrama na naman ang maganda kong nanay. Payakap nga." Nagyakapan sila.
"Oh teka, bakit andito ka pa? Mag-alas nwebe na ah. Wala ka bang pasok ngayon ma?" Tanong niya sa ina.
"Pupunta ako ngayon sa division office. May ihahatid akong dokumento. Paalis na nga ako. Ikaw bakit tinanghali ka nang nagising? Hindi ka ba pupunta sa opisina n'yo?"
"Bukas pa ako magrereport ma. Ano ho bang almusal natin?"
"Tingnan mo doon sa kusina. Aalis na ako." Paalam nito. "Paakyatin mo ng ligaw kung sino man ang lalaking nagpadala sa iyo ng bulaklak ha." Pahabol nito at umalis na.
Ngiti lang ang sinagot niya.
Inamoy-amoy niya ang mga bulaklak ng biglang nagring ang cellphone niya na nasa loob ng shorts niya.
"Hello Greg, napatawag ka?" Sinikap niyang hindi mautal ng magsalita. Iwan ba niya hindi naman siya dating nakaramdam ng ganito.
"Do you like the flowers?" Tanong agad nito.
"Ikaw nagpapadala n'yon? Teka bakit mo naman ako pinadalhan?" Naguguluhang tanong niya at natahimik ng makuha kung ano ang..
"Isn't it obvious? Bakit ba binibigyan ng lalaki ang babae ng bulaklak?"
"Dahil siguro bakla siya at mahilig siya ng bulaklak?" Nagbibirong sabi niya.
Napahagalpak naman ng tawa ang nasa kabilang linya.
"You know what I mean." Wika ng binata.
"Can I see you tonight?"
"Tonight? Why?" Tanong niya nang bigla namang nagsisi kung bakit nag why pa siya.
"I want to see you. Seeing you everyday makes my day complete." Diritsahang wika nito.
Bigla namang nag-init ang pisngi niya. Buti nalang 'di nito iyon nakita. Tumigil ka Jessica, may misyon ka, trabaho lang ito. Paalala niya sa sarili.
"Wow! Nabigla ako ah." Birong sabi niya. Di niya alam kung ano ang isasagot niya sa sinabi nito.
"So, see you tonight?"
"Hmm...I'm busy tonight." Tanggi niya. Kailangan niyang tumanggi kahit na gusto niya ring makita ito.
"How about tomorrow? It's Friday." Giit pa rin nito.
Pinaunlakan na niya ang imbetasyon at nag-oo. Magbabar daw sila.
"Great to see you tomorrow. Have a nice day, gorgeous." Paalam na nito.
"Bye." Iyon lang ang lumabas na salita sa bibig niya. Iwan ba niya. Bigla siyang napipi at kinilig sa simpleng papuri nito.
Nangingiti siyang sinamyo ang amoy ng rosas.
BINABASA MO ANG
15 Days To Dump A Playboy
RomanceIbinalya siya nito ng malakas sa dingding saka hinapit sa baywang ng sobrang higpit. Halos pangapusan naman siya ng hininga dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't-isa. Ayaw niyang salubungin ang nag-aapoy nitong titig sa kanya. "Look at m...