Day 1

7.7K 129 1
                                    

Umiinom ng kape si Jessica habang nag-i-scroll ng mouse sa kanyang laptop. Pinakatitigan niya at pinag-aaralan ng gabing iyon ang subject niya. Si Greg aka The Playboy. Hinalungkat niya ang lahat ng article na isinulat tungkol sa lalaki online. Marami-rami rin siyang nakuhang impormasyon tungkol rito. Kailangan niyang pag-aralan kung ano ito bago niya sisimulan ang kanyang trabaho. Yes, trabaho lang ito para sa kanya but at the same time makaganti na rin siya para sa kaibigan. Kumbaga hitting two birds in one stone. Napangiti siya sa naisip.

Aaminin niya na medyo kinabahan siya sa gagawin. Oo alam niyang maganda naman siya at marami ang nagsasabi noon sa kanya at sigurado daw na pagtutuonan siya ng pansin ni Greg no doubt about it but how long? Magtatagumpay ba siya? Maraming mas magagandang babae ang lumalapit sa binata pero pinaglalaruan lang nito sila. Siya pa kaya?

Napatitig siya sa screen ng laptop nang makita ang mga larawan ng lalaki. Napakagwapo nga nito at napakakisig. Ang ngiti nito ay parang palaging nakapaskil na roon para sa lahat at ang mga mapupungay nitong mga mata na twinay laging nang-aakit. May biglang bumangon na kakaibang damdamin para sa binata. Inis. Iyon natumpok niya. Inis ang nadarama niya para dito. Naiinis siyang makita ang mga ngiti nito. Masyado siyang nayayabangan sa dating nito. Nabubweset siya kapag natitigan ito, kasi naman para bang lagi itong nang-aakit tapos kapag naakit na ay iiwan na pagkatapos matikman.

Hinding-hindi mo ako matitikman Mr. de Silva. Bulong sa hanging wika niya.

Siya si Jessica Hernandez. She is known of being cold hearted and ruthless woman. 'Yon ang bantog sa kanya ng mga kasamahan niya sa trabaho at mga taong kakilala niya. Hindi naman niya ito masisisi dahil sa ganoon ang tingin ng mga ito sa kanya. Anong magagawa niya. Cold hearted daw siya dahil ni isa ay wala siyang pinatulang manliligaw. Kahit anong gawin ng mga naging manliligaw niya ay hindi nito nakuha ang puso niya. One time sa kakulitan ng mga ito ay nabubweset na siya. Para kasing mga stalker na ayaw siyang tantanan. Kaya hindi siya nakapagpigil at inaaway niya. Pinagsasabihan ng masasakit na salita. Naguguilty naman siya sa ginawa. Alam niyang mali ang nagawa niyang pananakit rito pero napuno na siya. Ilang beses na ba niyang binasted ang mga ito ngunit ayaw paring sumuko. Naniniwala itong madadala siya sa tiyaga pero nagkamali ito.

Hindi siya proud na pinag-aksayahan siya ng panahon at pagmamahal ng mga lalaking hindi niya gusto. Para itong mga stalker na laging nakabantay sa kanya. Ayaw niya ng ganon. Para sa kanya kung basted na dapat tumigil na ngunit di parin tumigil kaya hayon napapahiya tuloy niya. She felt sorry for them pero iyon lang napuno na siya.

Kaya para sa mga nakasaksi ay isa siyang ruthless woman & cold hearted dahil hanggang ngayon sa edad niyang bente-tres ay wala parin siyang ibinalandrang nobyo.

Ang totoo niyan nagkaroon na siya ng nobyo noong highschool pa siya. Sekreto lang 'yon dahil ayaw ng ina niyang magno-nobya siya habang nag-aaral. Ngunit 'di napigilan ng puso niya ang tumanggi ng ligawan siya ng crush niya. Si Nicholo. Isa itong campus crush. Sobrang saya niya dahil sa dinami-daming nagkakagusto rito ay siya ang napiling ligawan nito. Kaya hindi na niya pinalampas ang pagkakataon at sinagot agad ito. Napakasaya niya kahit patago lang silang nagkikita. Ayaw niyang umabot ang balita sa ina niya. Ngunit di tumagal ang sayang nadarama niya ng 'di sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ni Nicholo at mga kaibigan nito tungkol sa pustahan ng mga ito. Nagpustahan ang mga ito na paramihan ng girlfriend sa loob ng isang buwan. Kung sinong may pinakamarami ay siyang panalo.

Dinig na dinig niya ang halakhakan ng mga ito. Napahikbi siya sa sobrang sakit at galit na naramdaman ng mga sandaling iyon. Hindi niya napilgilang lumabas sa pinagkukublian at binigyan ng mag-asawang sampal si Nicholo. Hindi naman nakahuma ang binata dahil sa shock. Hindi nito akalain na mabubuking agad ito. Tumakbo siya palayo rito at umiiyak.

Sobra siyang nasaktan sa nagyari. Nasusuklam siya rito sa tuwing nakikita niya ito. At lalo siyang nasusuklam rito ng pagkatapos ng nangyari ay hindi man lang siya sinubukang kausapin nito at humingi ng tawad. Ibinalandra pa nito ang ibang girlfriend nito na para bang walang nagyari.

Kinikimkim niya ang sakit na nadarama sa bawat araw na nakikita niya ito kasama ng iba pa nitong girlfriend. Lagi siyang matamlay na umuuwi sa kanila. Napansin naman ito ng kanyang ina ngunit hindi niya masabi rito ang nadarama dahil ang ina man niya ay biktima rin lalaking mapaglaro ng damdamin ng babae. Nabuntis ang ina niya sa kanya kaya napilitang magsama ang ina at ama niya. Hindi matuloy-tuloy ang plano ng mga itong magpakasal dahil lagi itong nahuhuli ng ina niya na may ibang babae. Lagi naman itong pinapatawad ng martyr niyang ina ngunit hindi pa rin ito tumigil sa pambabae kaya nagpasya na ang ina niyang iwan ito. Hindi naman ito nag-aksaya ng panahon at sumama sa babae nito na kalaunay ito naman ang napuno sa konsumisyon sa tatay niyang babaero.

Kaya para sa kanya ay walang ka-amor-amor sa kanya ang napakagwapo ngunit playboy na lalaki.

Takot na siyang umibig. Takot na siyang mapaglaruan kaya mas mabuti pa sigurong mag-isa nalang siya sa buhay kung hindi man niya mahanap ang lalaking kabaliktaran ng salitang playboy. Alam niya na may mga lalaki paring matitino. Nasa tabi-tabi lang 'yan. Ngunit ang hirap hulaan kung sino.

Kaya Greg de Silva, hindi ako mahuhulog sa charm mo. Bulong niya habang tinitigan ang larawan ng binata sa screen.

Humanda ka sa akin, ipaghihiganti ko ang lahat ng babaeng pinaiyak mo. Saisip-isip ni Jessica.

15 Days To Dump A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon