Kinagat ni Jessica ang pang-ibabanh labi upang mapigilan ang patuloy na paghikbi. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha kanina maramdaman ang maparusang halik ni Greg sa kanya. Nasasaktan siya at halos madurog amg puso niya ng makita ang anyo nitong nag-aapoy sa galit. Nakita rin niya ang anyo nitong maghihirap at nasasaktan. Gusto niyang yajapin ito at sabihing mahal niya ito ngunit ayaw na niyang umasa na may katumbas ang pag-ibig niya. Kung ano man ang nasa isip at puso nito kung bakit nagkaganoon ito ay ito lang ang nakakaalam.
Naiwan siyang tigagal pa rin sa hindi inaasahang pagkikita nila ni Greg. Kahit alam niyang maliit lang ang mundo ay hindi pa rin niya inaasahang magkikita sila nito ngayong gabi sa restaurant.
Nasasaktan siya sa trato nito sa kanya. Oo, may karapatan itong magalit sa kanya pero 'di ba mas may karapatan siyang magalit dito dahil pinagpustahan lang siya ng mga ito?
Kinapa niya ang kanyang sarili. Pinapakiramdaman. Oo, may galit pa rin siyang nakapa sa dibdib pero nag-uumapaw ang damdamin niyang nagmamahal pa rin dito kahit hindi dapat.
Kinamumuhian siya nito at ganon din siya rito kaya wala ng pag-asa na makakaramdam ng kasiyahan ang kanyang puso paukol dito.
Ang sakit. Kung alam lang niya na ito ang sapitin niya ay hindi na sana siya pumayag sa suhestiyon ng kaibigan niyang si Cindy tungkol sa artikulong isusulat, disin sanay masaya siya ngayon.
Gusto pa niyang umiyak pero pinipigilan niya ang sarili.
Pumasok uli siya sa restroom at nag-ayos ng mukha bago bumalik sa mesa.
Naka-order na si Lance at hinintay nalang ang order nila.
Tamang-tama naman ang pagdating ng order ng dumating din si Cindy.
"I'm sorry, I'm late." Paumanhin nito at ginawaran ng halik si Lance at umupo sa tabi nito.
Si Lance ay nobyo ni Cindy, halos isang linggo na ang relasyon ng dalawa. Kasamahan nila si Lance. Matagal na itong nanliligaw sa kaibigan niya kaso bulag yata ang kaibigan niya at di nakita ang kagwapuhan ni Lance. Dahil siguro natuon ang pansin nito sa crush nitong si Greg. At dahil na broken-hearted ito, to the rescue naman si Lance. Offering his shoulder to cry on kuno kaya hayon nahulog agad ang puso ng kaibigan niya.
Ganito ba talaga kadali makalimot? Pero bakit siya hanggang ngayon ay hindi parin makalimutan si Greg?
Gabi-gabi niyang inasam na sanay biglang magring ang cellphone niya at ito ang tumawag o kaya'y tumunog ang doorbell at ito mapagbuksan niya. Ngunit alam niyang hindi iyon mangyayari. Sa pocketbook o sa pelikula lang nangyayari ang mayroon happy ending. Siguro hindi siya ang bida ng pamagat sa kwento kay maiiwan siyang luhaan at nasasaktan.
Napasinghot siya sa naisip. Ayan na naman ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Luhang ayaw tumigil sa tuwing mag-umpisa na itong tumulo. Luhang hindi maubo-ubos kahit araw-arawin pa niya ang pag-iyak. Nagagalit na siya sa sarili. Bakit ba hindi niya kayang kalimutan ang lalaking iyon. Sa bawat araw na lumipas na hindi niya ito makita at marinig ay parang mababaliw siya. Ganito ba talaga ang totoong umibig? Bakit 'yong iba ang daling makamove on?
Napabuntong hininga nalang siya ng malalim. Hindi niya alam kung anong gagawin niya makalimutan lang si Greg. Ang hirap kasing kalimutan nito lalo na't alam niya ang numero nito at ang bahay. Ilang beses na ba niyang gustong subukang tawagan o puntahan ito ngunit di niya ginawa. Hindi dapat. Maling magpakita pa siya rito. Hindi naman siya nito totoong minahal.
"Oh ready ka na ba bukas ng gabi? May napili ka na bang damit na susuotin?" Tanong ni Cindy sa kanya na nagpaputol sa inisip niya. Dahil matagumpay ang inilabas nilang edition ng magazine, napagdisisyunan ng boss nila na magkaroon ng isang victory party na gaganapin sa isang mamahaling hotel. Mayroon din daw itong iilang inimbitahang tao na naging party rin ng success ng magazine.
"Hindi pa. Hindi ko pa natingnan ang closet ko kung ano ang magandang suotin doon." Sagot niya habang inumpisahang upakan ang alimango sa plato niya.
"Wala akong napiling damit na susuotin ko halos lahat ng dress ko sa closet ay 'di na magkasya. Let's go to the mall bukas ng umaga. Baka may makita tayong maganda. Kung wala mapipilitan akong pagkasyahin nalang iyong damit kung nasuot ko ng isang beses. At ikaw dapat makapili ka ng magandang damit ba ka doon muna makilala ang prince charming mo."
"Ikaw talaga, wala akong panahon sa ganyang bagay."
"Asus, kalimutan mo na iyon. Tulungan kitang mahanap ang man of your life bukas ng gabi."
Hindi nalang siya nakipagdebate at ngumiti nalang.
"So bukas umaga ha."
"Sige ba, 9:30 bukas ng umaga. Ikaw hon, sasama ka sa amin bukas? Tanong ni Cindy sa nobyo.
"Hindi na kayo nalang. Mabored lang ako sigurado." Tanggi ng nobyo.
"Okay, girls trip." Nakangiting sabi nito.
BINABASA MO ANG
15 Days To Dump A Playboy
RomanceIbinalya siya nito ng malakas sa dingding saka hinapit sa baywang ng sobrang higpit. Halos pangapusan naman siya ng hininga dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't-isa. Ayaw niyang salubungin ang nag-aapoy nitong titig sa kanya. "Look at m...