Surprise

5.1K 111 3
                                    

Nagulat si Cindy ng makita sina Greg at Jessica na magkasamang bumalik sa loob na magkahawak kamay. Inihatid siya ni Greg sa mesa nila at bumalik din ito sa mesa nito since wala ng bakanteng upuan sa mesa nina Jess.

"What's going on? Ba't kayo magkahawak kamay kanina?" Naguguluhang tanong nito sa kanya na may himig na galit ba o pag-alala ay hindi niya matukoy.

Malapad na ngiti lang ang isinagot niya at nilingon si Greg. Nakangiti itong nakatingin din sa kanya.

"No way, h'wag mong sabihing nagpapaloko ka naman sa lalaking iyon Jessica?" Sabi nito na halos manlaki na ang mata sa nasaksihang ngitian nila ni Greg.

"We forgave each other na and we realize that we love each other for real na talaga this time bes." Sagot niya sa mga tanong ni Cindy sa nagniningning na mga mata.

Napabuntong hininga ito.

"Siguraduhin mo lang bes na totoo na 'yan. Wala pa rin akong tiwala d'yan sa lalaking 'yan. Baka gusto ka lang paghigantihan niyan dahil sa ginawa mo sa kanya." May pag-alalang wika nito.

Hindi niya ito sinagot bagkus lumingon siya para tapunan ng tingin si Greg sa kabilang mesa.

Nakita niya itong masayang nakipag-usap doon sa katabi nitong babae. Hindi naman siya selosa, alam naman niya kung may dapat bang ipagselos o wala.

Ngunit biglang tumaas ang kilay niya ng makitang may pahampas-hampas pa ang babae kay Greg habang pacute na tumawa. Parang biglang daloy ng init sa kanyang katawan, init dahil sa inis para sa babae at parang gusto niyang sumabog ng ipinulupot ng babae ang isang kamay nito sa braso ni Greg at idinantay ang ulo nito na kunway lasing na ito.

At ang walang hiyang lalaki naman ay enjoy na enjoy naman sa ginagawa ng babae dahil pinabayaan lang ito.

Gusto niya itong sugurin at hilahin palayo kay Greg.

At si Greg? Grr.. gusto niya itong paghahampasin. Once a playboy is always a play nga talaga siguro. Kanina sinabing mahal na mahal siya tapos ngayon iba naman ang kalandian nito.

Grr..nagngitngit na siya sa panibughong nadarama. Oo, aminin niya nagseselos siya. Ngayon lang niya ito nadarama. Akala niya hindi siya selosang klase ng babae. Ganito yata talaga pagnagmahal ang isang tao naging makasarili. Gustong sa kanya lang lahat ng atensyon at pagmamahal ng mahal niya. Pero iyon naman talaga ang dapat diba?

Hayy bakit ba ako nagmahal ng playboy. Mura niya sa sarili.

Baka totoo ang hinala ni Cindy na pinaghihigantihan lang siya nito.

Pero hindi, hindi naman siguro dahil ramdam ko naman ang senseridad sa mga sinabi niya kanina na mahal niya ako. Hayy maloloka na yata ako sa kakaisip.

Gusto niyang lumayo nalang sa lugar na iyon at pumalahaw ng iyak sa labas.

Pero hindi. Hindi siya susuko. Hindi siya lalayo. Mahal niya ito at ipaglalaban niya ang pagmamahal niya rito.

Bigla siyang tumayo at tinungo ang mesa nina Greg.

Tinapik niya ng mahina ngunit may diin ang balikat ng babae na nakadantay sa balikat ni Greg. Ibinuka naman nito ang mga mata at nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Excuse me, can I borrow my boyfriend?" Malambing na sabi ni Jessica sa babae na may pekeng ngiting nakaplaster sa mga labi at medyo nakataas ang isang kilay.

Umayos naman ng upo ang babae at mukhang hindi alam ang sasabihin at tumingin kay Greg na mukhang nabigla rin sa ginawa niya ngunit biglang ngumiti ng makabawi sa pagkabigla.

Ngitian niya ito ng pagkatamis-tamis kahit alam niyang umuusok na ang ilong niya sa sobrang inis dito.

Hinila siya nito palapit sa kanya at bumulong. "Selosa ka pala." At ngumiti.

15 Days To Dump A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon