Please,Don't patronize illegal
soft copies,links or screenshot***
Chapter:6
Patapos na ang mga paperwork na aking ginagawa. Inaayos ko na lang sa pagkakapatas iyon .
Nang biglang tumunog ang telepono.Nagmamadali kong tinungo ang table ni sir Nick para sagutin iyon."Yes.Fuentebilla office, speaking?"
"Hello?"
Ani ng nasa kabilang linya. Babae iyon.
"Yes ma'am?"Magalang sa sagot ko.
"Can I talk to Mr.Nickholas Fuentebilla?"
Muli ay sagot ng babae mula sa kabilang linya
"Hello ma'am.This is Winoona Miraflor. Mr Fuentebilla, personal assistant. How can I help you?"
ani ko dito. Panandalian natahimik sa kabilang linya ang babae kasunod noon ay ang malalalim nitong paghinga.
"I'm looking Nick. Can I talk to him right now?"
ani nito sa boses na tila inip at aburido na.Napakamot ako sa sarili kong ulo. Mula kasi kanina nag paalam si sir Nick ay hindi pa ito bumabalik.''Saan ba kasi pumunta ang masungit na yun!"
"I'm sorry ma'am,but Mr Fuentebilla is not here today."
"Where is he now? Kailangan ko siyang makausap ngaun din."tanong ulit nito sa akin.
"Ah sa ngayon po ma'am, may taong kausap pa si Sir. May appointment po ba kayo ngayon?
Ma'am what is your name again"?Tanong ko na dito, sabay abot ng Ipad na naipatong ko sa table. At tinungo ang mga listahan ng mga may appointment.
"I'm Suzette Lacustella."
ani nito sa kabilang linya na halata sa boses ang pagmamalaki. Tiningnan ko ang pangalan nito sa mga may appointment kung may pangalan doon na Suzette na naka appoint pero wala akong nakita.
"Ma'am ,wala po ang pangalan ninyo sa mga may appointment ngayo-"
"I know him. Kaya hindi ko na kailangan pang magpa-appoint para lang makausap siya. Pakisabi sa boss mo tumawag ako!"
Putol nito sa iba kong sasabihin. Halata na rin sa boses nito ang pagkainis.
Iyon lang at nawala na ito sa kab il a ng linya. Iiling-iling akong bumalik sa aking table at itinuloy ang aking ginagawa. Buhat ng mapalitan si Sir Efren ng masungit nitong anak, lahat na lang ng mga tumatawag dito sa opisina ay kay susungit na rin."Are you done?"
"Anak ka ng palaka!"
Halos mapatalon ako sa gulat.Dahil sa biglaan pagsulpot ni Sir Nick.Ewan ko ba kung saan ito nanggaling.
"What's wrong miss Miraflor?
"Wala po sir. Nagulat lang po."
Sagot ko na sapu-sapo ang dibdib dala ng pagkagulat.
"Hindi ako multo, para magulat ka Miraflor. Tapos mo na ba ang mga pinagagawa ko sayo?"
Masungit nito tanong sabay tingin sa mga nakakalat na papel sa harapan ko.Sa pagkataranta ko ay hindi ko agad nagawang pulutin ang mga yon.Lumapit ito at isa-isang pinulot at taas ang kilay na inabot sa'kin.
"Bawasan mo pagkakape mo. Baka mamaya atakihin kapa sa puso. Problema ko pa."
Sarkastiko nitong pagkakasabi sa akin.Saka dere- -deretso pumunta ng kanyang table at naupo ng swivel chair.Lihim akong napairap sa sinabi nito. Imbes na ako ay mag pasalamat sa ginawa nito ay nainis ako.''Kahit kailan talaga, napaka antipatiko ng mokong na 'to!"
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss(Nickholas Fuentibella❤Winoona Miraflor)
Romance(Nickholas Fuentebilla & Winoona Miraflor) (EDITING!!) COMPLETE!!! Highest rank #1funnymoments Isang masipag at may tiyaga sa trabaho si Winoona, Nag ta- trabaho sya bilang isang secretary sa kumpanya nang mga Fuentebilla. Masaya niyang ginagampanan...