Chapter :3

6.8K 361 14
                                    

Please ,Don't patronize illegal
softcopies,links or screen shot.

***

Chapter:3

Mabilis na lumipas ang mga araw at  buwan   na din namin kasa-kasama  ang bagong presidente ng Fuentebilla  at  sa loob lang ng isang buwan  na yun ay marami na ang mga  nagbago sa opisina.

Kung dati-rati nakakapag tsimisan pa kami kahit sa oras ng trabaho kahit saglit lang , ngaun hindi,dahil masisita kami  ni Mr Fuentebilla (AKA) Poging suplado

Nasa table ko  ako at may kausap na client ng bigla akong ipatawag sa office ni Sir Nick.

"Noona,tawag ka sa office ni Sir". si Cindy na kaibigan ko.

"Ako muna dyan,switch muna tayo si sungit ayon parang bulkan taal na nag aalburuto doon sa loob!Hinahanap ka.Puntahan mo na muna at baka bumuga na ng apoy yun sa galit."bulong pa nito sa akin.

Napatayo ako sa sinabi ni Cindy. Ano na naman kayang problema ng masungit na yon?Hay nako! hindi ba talaga dadaan ang isang araw ng hindi siya nag susungit at nagsu-suplado!

"Ma'am si miss Alcantara po mag a-assist muna sa inyo"paalam ko sa client ko  saka itinuro ko si cindy.
Nakangiting tumango naman ito.
Tumayo na ako at saka tinungo ang opisina ni sir Nick.

Nasa pintuan na ako ng office nito saglit akong tumigil sa paglalakad. Pinikit ko mga mata ko  at saka huminga  nang malalim dahil sa kabang nararamdaman ko.
Maya-maya pa ay kumatok na ako ng dalawang beses.

"Come-in!"Malakas na sabi pa nito sa boses na tila galit na naman.

"S-sir pinatatawag nyo daw po ako."pautal utal kong sagot dito ng makalapit ako   sa table nito .

Nag angat naman ito agad ng tingin ,Tulad ng dati salubong na naman ang mga kilay at titig na titig na naman na akala mo eh may dumi ako sa mukha . at ang pag kakulubot ng noo eh hindi na naman maipinta.

"Obvious ba?Kanina pa kita tinatawag pero para kang walang naririnig miss Mirandaflor!"sabi nito sa  pagalit at baritonong boses.

Kahit nangangatog ang tuhod ko sa kaba e muntik na akong humagalpak ng tawa  dahil sa mali na naman  pag tawag nito  sa apelyedo ko.

"I'm sorry po sir "tanging nasabi ko na lamang at pigil na mapatawa dito.
Pero tila nahalata nito ang pag tawa kong iyon .

"Are you laughing at me!?"galit na sita nito sa akin at lalo pang nag salubong ang mga kilay .

"No Sir" naka yuko kong sagot dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig nito sa akin.

"Look miss Mirandaflor,hindi ako nakikipag biruan sayo.Kaya umayos ka!Ayusin mo mga pinagagawa kong trabaho sayo. Gawin mo ito ngaun!Dapat bukas bago mag lunch tapos mo ng gawin ang mga  iyan, dahil kailangan kong ipasa sa board yan."

Galit nitong pagkakasabi sa'kin. Napatingin ako sa mga paper work's
na nasa ibabaw ng table nito.
Madami iyon at sa kalkula ko over time na naman ang aabutin ko.

Napabuntong hininga kong kinuha ang mga papers

"Yes po Sir"nasabi ko na lang. Wala naman kasi akong magagawa kung'di ang sumunod dito.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Alas-otso na at out na din ang mga ka office-mate ko.
Tanging ako na lang ang natitira

"Hindi ka pa ba uuwi?"si Cindy mukhang pauwi na din ito dahil sakbit na ang kanyang bag.

Umiling ako dito saka itinuro ang mga gingawa kong isang katerbang mga papel.

My Arrogant Boss(Nickholas Fuentibella❤Winoona Miraflor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon