My Arrogant Boss. Panimula &C-ONE

22.3K 526 106
                                    

(CHAPTER ONE)

(Winoona POV)


Nagising ako sa malakas na pag-alarm ng aking cellphone.Alas kwatro pa lamang nang umaga.Kahit ina-antok pa ay pilit ako bumangon. Kinuha ko ang tuwalya, at saka tinungo ang banyo.Agad along naligo  upang mawala ang antok na nararamdaman.Nang matapos sa pagligo agad naman akong pumunta ng kusina saka nagmadali na sinimulan ang pagluluto.Ang tirang kanin na lamig ay aking sinangag.Nag prito ako ng paborito kong tuyo,itlog at hotdog naman para kay Bon.Nakahanda na ang almusal,saka ko pa lamang ginising ang aking kapatid na si Bon.Tulad ng nakagawian ko bago ako pumasok sa trabaho ay ihahatid ko muna ito sa kanyang school.
"Bon, gising na,tanghali na!"
Malakas na pagtawag ko dito.Nagtimpla ako ng kape. Pero yung kapatid kong tulog mantika,ayun,tulog parin. Pinuntahan ko na ito sa kwarto. Napailing ako ng makita ang masarap nitong pagkakatulog. Kung si Tiya Carmen pa ang gigising rito, pihong may talak ito.
"Uy!gising na. Tanghali na tayo,may pasok pa din si ate,"
Panggigising ko dito habang inalog -alog ang katawan nito.
"Ate,five minutes pa po."Hirit pa nito,sabay talukbong ng kumot.Napahilamos ang aking sariling mga  kamay sa mukha ko.At napailing. Hay! kahit kailan talaga, ang hirap gisingin ng isang 'to.Kaya naman kiniliti ko na ito para tuluyang bumangon.Tatlong taon na rin ang nakakalipas ng iwan kami ni Tatay.Kami na lamang  dalawa ni Bon ang magkasama,na  ngayon ay  nakatira kay Tiya Carmen na nakababatang kapatid ni Tatay. Dahil sa pangungulit ko ay bumangon na rin si Bon.Nang makapaligo at almusal ay nagmamadali na din kaming umalis ng bahay.
"Tyang, alis na po kami."
Paalam ko kay Tiya Carmen na nagwawalis sa bakuran ng bahay.Kinuha ko ang kanang kamay nito at saka nag mano. Ganoon din ang ginawa ni Bon.
"Mag iingat sa trabaho,Winoona,Bon, wag malikot at pasaway sa school."
Madalas ay iyon ang bilin sa amin ni Tyang. Nakangiti akong tumango kay Tiya Carmen at saka lumabas ng bakuran.Bago dumiretso ng trabaho ay hinatid ko si Bon sa school. Seven fifteen pa lang pero ang init-init na. Bago mag alas-otso ay nasa opisina na ako.Agad kong tinungo ang opisina ni Sir Effren.Ang boss ko, at ang may-ari ng Fuentibella Company.Inayos ko ang medyo makalat na table nito. Inihanda ko narin ang mga importanteng mga papeles na kakailanganin nito para mamaya.Nasa ayos na ang lahat nang dumating ang butihin kong Boss. Si sir Eff.
"Good morning po, Sir."
Nakangiting bati ko sa may katandaan kong Boss.Tatlong taon na akong nag ta-trabaho bilang personal assistant nito.At sa tatlong taon na yun ay wala akong naging problema kay sir Efren. Dahil sa likas ang pagiging mabait sa mga empleyado nito.
"Good morning, Noona!"
Malakas at nakangiting ganting bati sa'kin ni Sir.Dumiretso ito sa kanyang table at saka binuksan ang sariling laptop.
"Sir,pure coffee, or with creamer po?"
Tanong ko rito at saka kinuha ang paborito nitong tasa, na iniingatan ko h'wag mabasag.Simple lang naman ang tasa na may nakasulat sa tagiliran ng ''Thank you Dad."Bigay raw kasi iyon ng panganay na anak
nitong sa America na namamalagi.Ang panganay na anak ni Sir na,ni minsan ay hindi ko pa nakikita sa loob ng tatlong taong paninilbihan ko sa kumpanya ng mga Fuentibella. Tanging pangalan lang nito ang alam ko,dahil minsan ay naririnig ko iyon sa mga empleyado ni Sir na ma's mga naunang nagtrabaho dito sa Fuentibella Company kaysa sa'kin,na,pinag-uusapan ng mga ito. Kesyo pinakang pogi raw sa lahat ng anak ni Sir. Ngunit ito rin daw ang pinaka istrikto, masungit,at mahirap pakisamahan sa mga Fuentibella. Na ipinagpapasalamat ko naman, dahil hindi ito ang naging Boss ko.Mahirap yata mag trabaho kung ang amo mo, e,ubod ng sungit. Baka hindi ko magawa ng maayos trabaho ko dahil sa takot.
"With creamer,please,"  Agad kong itinimpla ang kape ni sir Effren.
"Sir, remind ko lang po, Eleven:am meeting po kay Mr. Ang."
Paalala ko rito habang hinahalo ang kape nito.Hindi ito umimik,kaya naman ay napalingon ako kay sir Effren.At ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang sapu-sapo na nito ang sariling dibdib.Nahihirapan ito sa paghinga.
''Sir!Ano pong nangyayari sainyo?!"
Halos mataranta akong nilapitan ito.Ang pag sagot ay hindi na nito magawa dahi sa paninikip ng dibdib. Agad kong hinagilap ang mineral water na nasa table nito at agad na pinainom iyon kay sir. Ngunit wala pa rin nangyari.
"H-hindi a-ako m-makahinga.''
Sabi nito na hirap sa pagsasalita. Natataranta kong kinuha ang bottle ng tubig na nasa table nito at agad na pinainom iyon kay Sir Efren. Ngunit wala din nangyari. Ganoon pa rin. Hirap ito sa paghinga.Kaya naman ay ubod lakas kong pinindot ang emergency buzzer nito upang makahingi ng tulong.

"Noona,what happened to my husband?!"
Mula sa aking pagkakaupo ay napalingon ako sa bagong dating si Ma'am Elisabeth. Ang butihing may bahay at asawa ni sir Effren. Banaag sa maganda nitong mukha ang labis-labis na pag-aalala sa asawa.
"Ma'am, bigla na naman po inatake si Sir ng paninikip ng kanyang dibdib."
Sabi ko dito. Biglang naitutop nito ang mag kabilang palad sa bibig.
"Diyos ko!Sinasabi ko na nga ba, h'wag na muna pumasok ngayon araw. Dahil sa bahay pa lang  ay hindi na maganda ang pakiramdam."
Saad ni ma'am Elisabeth na sunod-sunod ang ginawang pag-iling nito. Inaya ko itong maupo sa upuang nasa pinakang bukana ng kwarto ni sir Effren habang hinihintay ang paglabas ng doctor. Ngunit hindi ito mapakali,umupo nga ito, pero saglit lang din at muling tumayo. Parito at paroon ang gawa nito habang inaantabayanan ang paglabas ng Doctor.
"Ma'am kalma lang po kayo.Magiging okay rin po si Sir." pang-aalo ko rito. Na kahit ako man ay nag-aalala sa kalagayan ng aking Boss. Naging mabuti sa akin si Sir Efren. Sa amin na mga empleyado ng Feuntibella Company.Hindi lang isang nakatataas or Boss ang turing ko dito. Dahil kay Sir Efren pakiramdam ko ay may ama ulit ako. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na isang sekretarya ang turing nito sa akin. Dahil kaming mga empleyado nito anak ang turing nito sa amin.
"Sana nga, Noona. Subra na akong nag-aalala para sa aking asawa.Napapadalas na ang paninikip ng kanyang dibdib."
Ilang minuto rin ang aming hinintay bago lumabas ang doctor. Napatayo ako mula sa pag kakaupo.Habang si ma'am Elisabeth naman agad na lumapit dito.
" Mrs.Fuentibella, can we talk privately?"
Bungad ng doctor kay ma'am Elisabet.Biglang bumakas sa mukha ni ma'am Elisabeth ang ma's lalo pang pag-aalala. Tumingin ito sa gawi ko
"Winoona, please,call Eric and Archie.I need them both."
Baling nito sa'kin bago tuluyang pumasok sa silid na kinaroroonan ni sir Effren..Marahil ay napaka importante ng pag uusapan ng mga ito.Tulad ng bilin ni ma'am Elisabeth agad kong tinawagan sina sir Archie at sir Eric.Ang pangalawa, at bunsong anak ni sir Effren. Ilang minuto lang din ang tumagal at dumating ang mga ito.Tipid na ngumiti ang mga ito sa'kin ng makita ako.Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng kwarto ni Sir Eff.Bahagyang nakaawang ang pintuan kaya naman ay kita ko ang ang mga kaseryosohan ng mga ito habang nag uusap-usap.
"We need him.Walang ibang papalit kay Dad, kundi siya.It's time para bumalik siya ng  Pilipinas mom. "
Si sir Eric.Kumunot ang aking noo sa narinig. Gusto ko pa sanang makinig sa usapan ng mga ito,ngunit naalala ko ang aking naiwang trabaho.
Agad na rin akong nagpaalam.Maraming trabaho akong iniwanan kanina.Kailangan kong balikan ang mga iyon. Lalo na yung mga taong naka appoint kay Sir ngayong araw sana,ngunit hindi natuloy dahil nga sa nangyari. Oo nga pala si Mr. Ang!Nakalimutan ko itong tawagan upang ipaalam na hindi na matutuloy ang meeting nila ni sir. Naku!lagot na. Nawala sa isip ko kaninang tawagan ito. Napatingin ako sa relong pambisig. Pasado alas dose.Malamang nasa opisina na ito ngayon. Patakbo kong tinungo ang palabas ng ospital at saka naghanap ng taxi'ng masasakyan pabalik ng Fuentibella Company. Hindi naman.ako nahirapan dahil pagkalabas-labas ko ng ospital ay may dumaan na taksi.
Habang nasa byahe ako, pabalik ng Fuentibella Company, ng maalala ang narinig kong sinabi ni sir Eric.
'We need him. Walang ibang papalit kay Dad,kundi siya.It's time para bumalik siya ng Pilipinas mom."
Sinong siya?At anong ibig sabihin na papalitan?Si sir Efren kaya?Malala ba ang nangyari kay Sir?




My Arrogant Boss(Nickholas Fuentibella❤Winoona Miraflor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon