Please,Don't patronize illegal
soft copies,links or screen shot.***
Chapter:4
Linggo wala akong pasok sa opisina. Gaya ng nakagawian ng pamilya nag sisimba kami ng kapatid ko kasama sina Tyang carmen.
Isang formal white dress na hanggang tuhod ang isinuot ko. Madalang ko maisuot iyon.Sa pag kakatanda ko iisang suot ko pa lang yon at nong nag birthday ako. Tinirnuhan ko iyon ng flat shoes na vintage.
Nasa Padre Pio na kami at sakto bago pa lang nagsisimula ang misa. Naupo kami sa pangalawang unahan. Tahimik lang kami nakikinig ng misa.Maganda ang simbahan na yon na halos dinarayo pa ng ibang tao mula pa sa malalayong lugar. Katulad namin
Matagal tagal din ang naging pa ni-nermon at pangangaral ni pader. Hanggang sa magbigayan na sa isa't isa nag mano kami sa aming tiyo at tiya, yakap at halik naman sa noo ang ginawa ko sa kapatid kong si Bon-bon medyo ginulo gulo ko pa ang makapal nitong buhok.
Ganon na din sa ibang mga tao nasa loob ng simbahan.
Ngunit sa paglingon ko sa aking likuran upang mag bigay galang ay ganon na lang ang paninigas ng aking katawan ,kabog ng dibdib ko ay nandon na naman .Tila nagulat din ang bulto na iyon ng makita ako sa harapan nito na nakatayo.Hindi siguro inaasahan nito na hanggang sa pagsisimba eh mag papangita pa rin kami.
Naka suot ito ng polo- shirt na kulay bright cobalt na may kulay black naman sa may bandang leegan tinirnuhan iyon ng casual ripped jeans.
Kahit ang pagiging seryoso ng mukha nito ay hindi pa rin maitatago ang taglay na kagwapuhan noon. Nakita ko pa ang saglit na paglunok nito dahilan para lumabas na naman ang malalalim nitong mga dimple.
Ilang sandali pa kaming nagka titigan.Saka lang natigil yon ng may tumikhim.
Si sir Eric at Sir archie na kapwa kasama ang kani-kanilang asawa't anak.
"Peace be with you po Sir Eric,Sir Archie."Bati ko sa mga ito .
Nag beso naman ako sa mga asawa nito na sina ma'am Estella at Mauren. Lumapit naman sa akin ang dalawang bata na anak ni sir Eric saka yumakap at nag blessed.
"Peace be with you Winoona."
Mag ka panabay na bati nina sir Eric at sir Archie kapwa mga nakangiti pa ang mga ito sa akin saka makahulugan tumingin sa gawi ni sir Nick .
Ibang-iba ang mga ito sa boss ko na daig pa ang binagsakan ng langit at lupa sa sobrang seryoso nakalimutan na yata kahit ang pagngiti man lamang ay hindi magawa.
Alanganin tumingin at ngumiti ako dito saka bumati."Peace be with you po Sir."Ani ko na kahit ang totoo ay hindi naman talaga kami bati dahil sa kasungitan nito.
Simple tango na naman ang natanggap ko dito.Nagsi-upo na ulit kaming lahat.Pero ako distracted na. Sa kaalamang nasa may likuran ko lamang si sir Nick.Pakiramdam ko ay nakatingin ito sa'kin.
Natapos na din ang misa at saglit na nagka kwentuhan sina Tyang Carmen at ang pamilya Fuentebilla. Ilang beses na din kasi nila nakita ang pamilya ko kaya kilala na din ng mga ito sina Tyang.
Lalo na nong si sir Eff pa ang president ng FRS,kapag may okasyon sa mga ito ini invite lahat ng kanyang empleyado at pati mga pamilya pinasasama ng mga ito.
Habang nagku- kwentuhan pasimple kong hinanap ng tingin si sir Nick pero wala na ito doon.
Hindi ko malaman pero parang may panghihinayang akong naramdaman. Maya-maya pa ay nagpaalam na ang pamilya Fuentebilla.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss(Nickholas Fuentibella❤Winoona Miraflor)
Romansa(Nickholas Fuentebilla & Winoona Miraflor) (EDITING!!) COMPLETE!!! Highest rank #1funnymoments Isang masipag at may tiyaga sa trabaho si Winoona, Nag ta- trabaho sya bilang isang secretary sa kumpanya nang mga Fuentebilla. Masaya niyang ginagampanan...