FIFTH BLEND
Date
Hindi ko na masyadong naiisip ang magiging resulta sa examination, imbis ay pumunta ako sa pangalawa kong option na iskwelahan. Hindi naman masamang ihanda ang sarili sa maaring mangyari para hindi masyadong masakit. I told George and my friends about it and they supported me.
It's a Catholic University and I took the entrance exam right away. Walang masyadong tao, tatatlo nga lang kami nag exam. A guidance officer interviewed me as well after the exam. Mabilis lang ang proseso kumpara doon sa University na gusto ni Papa. Confidence took over my system that I'll get a high score.
"We will send the result through email, maybe tomorrow or the next day." Sabi ng Guidance officer.
"I'll wait for that. Thank you, ma'am." Ngumiti ako bago lumabas sa office.
Naglibot-libot muna ako sa campus. I think I'll be taking up HRM if I enroll her. The school is great, it may not be as big as the school Papa wanted, pero sabi nga ni George, it's not the school that determines success but the person.
Paglabas ko ng premises, may dumaan na sasakyan sa harap ko and Primo's driving. Kita lang siya dahil nakababa ang bintana. Nag-ugat ang mga paa ko at sinundan ng tingin ang palayong sasakyan hanggang sa bigla itong huminto at umatras hanggang sa harap ko.
He smiled.
Napatingin ako sa likod dahil baka may ibang tao, but when I made sure that there's no one, I turned to him with a confused look. Lumabas siya ng sasakyan at hinarap ako. He glanced at the school then to me.
"Why are you here?" Kuryuso niyang tanong.
"Second option." I simply answered. Gusto ko siyang tanungin kung ano rin ang ginagawa niya pero umurong ang dila ko.
"Are you going home?" He asked again.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin alam kung pauwi na ba ako pero wala naman akong pupuntahan na.
"Baka mag mall nalang siguro." Sagot ko.
"You sound unsure." Puna niya.
The conversation was making me uncomfortable. Nakausap ko naman na siya before, but still it felt foreign. I really don't think he's the amiable type, that's why everytime he smiles, I can't help but be stunned. Or maybe being serious was just a façade to attract girls, huh?
"Ayoko pang umuwi pero wala rin naman akong pupuntahan. Baka kung saan nalang ako dalhin ng mga paa ko." Pag-amin ko.
I looked away, then I remembered something kaya napalingon muli ako sa kanya na nakatitig lang sa akin.
"I heard about the blood. Salamat."
He nodded.
"Take care of your health. I don't want to see you like that again." My heart skipped a beat for a moment. I was moved with the sound of sincerity.
"Gusto mo ng kape? I'll treat you." Hindi naman siguro masamang ilibre siya ng kape bilang pasasalamat sa ginawa niya.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya para sa akin. I awkwardly smiled and got in. Mabilis siyang umikot para makasakay din.
He drove to the nearest café, hindi ko na siya hinayaang pagbuksan ako ng pinto. Una akong pumasok habang nakasunod siya. Tumingala ako sa menu board saka siya nilingon, his hands in his pocket.
"Anong sa'yo?" Tanong ko.
"What do you recommend?" Kumunot ang noo ko sa pagbabalik niya ng tanong. Halata namang suki siya ng mga coffee shop pero nagtatanong pa siya. Tumaas ang kilay ko habang siya ay may bakas ng ngiti sa labi.