Eighth Blend

4 0 0
                                    


EIGHTH BLEND


Mother


Maaga akong umalis kinabukasan dahil napagdesisyunan kong sumabay sa enrolment ng mga kaibigan kahit wala akong masyadong tulog dahil sa nangyari kagabi. Kinakabahan din ako at baka tutuhanin niyang sasamahan niya ako sa enrolment. I don't want my friends to think maliciously about us because if they ask, I don't know what to answer. Kahit anong pilit kong piga sa utak, I don't have a firm answer.

I don't mind if you're crushing over me, I'd be glad to return the favor. Why? Was that a confession that he likes me or is he playing with me? Surely, I can't play a game without the assurance of winning especially against with a professional like him. I'll end up digging my own grave kung papatulan ko. And if it's a confession that he likes me?

I shook my head. Bakit naman siya papatol sa isang kagaya ko?

Maraming tao at mahaba ang pila. Madalas ang sulyap ni Bunjoy sa akin magmula ng magkita kami, he must have felt my predicament, tila'y may gustong itanong while Annie's complaining about how hot the weather is.

"What the! Ready na ako makipag-away sa mga sumisingit diyan!" Pagmamaktol niya.

Siniko niya ako kaya ako napatingin, "Are you with me?" Tuma-taas-taas pa ang kanyang kilay habang tinatanong iyon.

"Manahimik ka nalang diyan." Iritado kong sagot habang nagpapaypay ng kartonng ninakaw ni Annie sa cafeteria kanina. Ang lakas ng loob kahit hindi pa opisyal na estudyante sa iskwelahang ito. Gusto ko nalang i-deny na magkaibigan kami.

"Ang init na nga, sinisingitan pa tayo. Mga kupal!" Sigaw niya. "Aray!" Sigaw niyang muli.

I smacked his head gamit ang karton na pamaypay. Sinamangutan niya ako at umirap.

Kinuha ni Bunjoy ang karton kung pamaypay at siya na mismo ang nagpaypay sa amin ni Annie dahil isang kalabit nalang rin sa akin, bubuga na ako ng apoy. I didn't know College enrolment will be like this, sana pala nagdamit ako ng mas preskong tela.

Matapos ang dalawang oras na gutom at pawis, ganap na nga kaming estudyante ng Unibersidad.

"Officially enrolled!" Sigaw naming dalawa ng babaeng kaibigan at sumayaw-sayaw pa. Bunjoy only offered a smile.

"C'mon! Let's dance!" Baling ko sa kaibigan na lalaki at hinigit siya ni Annie para makisayaw din siya. Wala kaming pakialam sa mga estudyante na tumitingin-tingin sa amin. Tawa lang ako ng tawa ng makitang kunot na kunot ang noo ni Bunjoy sa ginagawa ni Annie.

"Ang KJ mo!" Reklamo ni Annie sa lalaki dahil hindi ito sumusunod.

Hinalikan ni Annie ang papel niya na nagpapatunay na officially enrolled and students na nga kami ng prestigious Unversity na ito.

"Pwede na tayong kumuha ng maraming karton sa cafeteria na hindi natatakot mapagkamalang magnanakaw." She mischievously laugh.

"Kahit naman hindi pa tayo mga estudyante dito, hindi ka naman natakot kanina e." I said as a matter of fact. She made face at me.

"Ah basta," Maligaya kong inakbayan si Bunjoy at Annie, "Masaya ako na magkakasama parin tayo." Wika ko.

Bunjoy smiled merrily and so Annie.

"Café ulit?" Tanong ko.

"Yes!" They both answered in unison.

"Americano, café macchiato and vanilla iced coffee," dere-derechong wika ko sa tatlong klaseng kape na lagi naming iniinom,

MY PERFECT BLENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon