SEVENTH BLEND
Overdrive
The whole lunch was damn awkward. Gusto ko nalang talikuran si Primo na umupo sa harapan ko at paminsan-minsang tumitingin sa akin. Bunjoy would only speak if he's asked by my brother. Annie was talking to me, thanks to that pero alam ko namang she's just trying to make up with the what she did.
"Sorry na! Nagulat lang talaga ako na nandoon siya." Ngumuso siya.
Kanina pa ako irap ng irap sa kanya. Hinigit ko siya kanina para pumunta ng restroom at mukhang nagkakatuwaan ang mga boys sa usapan ng business. Wala naman kaming maintindihan ni Annie.
"So he knows by now that I had a crush on him!" Reklamo ko kay Annie na may pag-aalala.
Instead of feeling sorry, Annie looked at me as if I'm ridiculous.
"Past tense na naman girl! Why are you acting like you're still affected?" She then crossed her arms and intently stared at me.
That's another blow of fact there. I could easily tell Primo that it was all in the past, it was for motivation purposes only and nothing else because I don't want to be one of his women and that was when I knew him. Hindi ba parang ang pangit ng dating noon? It sounds like I'm really judging him.
Tiningnan ko siya sa salamin at bumusangot. "Ayoko lang na dumagdag pa iyon sa kayabangan niya."
But I don't think arrogance is part of him. Kahit kalian wala naman siyang sinabi sa akin tungkol sa karangyaan niya o ginagawa, hindi katulad ng kapatid ko na halos ipagduldulan sa akin. Para nga siyang aloof sa world but he can blend in perfectly if he wants to.
Umirap siya sa akin at lumabas. Bago ako sumunod, inayos ko muna ang sarili at huminga ng malalim. Act normal and if he confronts you, deny it!
"Ingat kayo!" Sabi ko sabay yakap sa mga kaibigan. Lunch was over at kailangan nang umuwi ni Annie dahil walang kasama ang Mommy niya habang sumama narin si Bunjoy para mahatid si Annie sa kanila.
I stood there until they were out of sight. Pabalik ako nang masalubong ang dalawa.
"Sis, I need to drop by in the office, Primo will drive you home." He said without even asking if it'll be okay with me. Kumunot ang noo ko at napansin iyon ng dalawa.
"Why don't you drive me home first before you go somewhere else?" Tanong ko na may halong pagdududa. I have a feeling that he won't go to his office. I bet he'll be with the woman he talked earlier.
Humalakhak siya.
"Obviously, it's out of way. Primo will take care of you, though."
I laughed without humor. Will Primo really can take care of me? I bet he'll piss me off with what he heard earlier.
"George, alam ko namang sa babae ka lang pupunta so stop making excuses. Hindi na ako bata." Magkasalubong ang mga kilay habang binabanggit ang mga salita.
He laughed heartily and shook his head. "Nope, I'm not. I'm really going to the office, urgent."
Nakataas ang dalawang kilay ni Primo habang nakatingin sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. George kissed my cheek then whispered "take care" before marching towards his car and drove away.
I was agitated the whole ride. Firstly, because George left me with Primo, secondly, Primo's with me. Hindi ko naman first time makasakay sa sasakyan niya, but unlike the first time na mabilis lamang iyon, hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo sa loob at tahimik na inabala ang sarili sa pagtitingin sa labas na parang tangang kunyaring manghang-mangha sa traffic ng Pilipinas. Sino ba ang namangha sa traffic?