SIXTH BLEND
Lunch
Mabilis lumipas ang mga araw at wala akong ginawa kung hindi libutin ang buong bahay. Mukhang hindi magtatagal, malalaman ko na kung saan nakalagay ang vault ni George sa bahay na ito.
I was in the balcony while sketching random things when I saw a familiar car parked and a familiar face went out of the car. It was Primo and surprisingly he's not sporting a man bun today. Nakalugay ang buhok niya. He's a god, and he's on fire!
I shook my head. Dali-dali akong pumunta ng study table at iniwan ang sketch pad sa balcony. George was sitting while facing his laptop nang napansin niya ako.
"Why? Gusto mo nang lumabas sa bahay na ito?" Panunuya niya. He has been convincing me to go out and have a life kasi masyado na raw akong taong-bahay.
Biglang umurong ang dila sa tanong kung bakit nandito si Primo. I don't want him to think that I'm affected and interested. "Never mind." Nag martsa ako palabas at bumalik sa balcony nang mapansing may tao.
Sa harap ko ay si Primo, holding my sketchpad with a smile on his face. Mabilis akong lumapit at hahablutin sana iyon pero itinaas niya ito while looking at me with amusement on his face.
"That's mine! Give it back to me!" I said with conviction. Wala ba siyang sense of privacy? Hindi ba siya tinuruan ng mga magulang niya na touching things from someone else's place is forbidden?
"I didn't say it's mine. I'll give it back to you, answer my question first." Kalmado niyang sambit pero may ngiti parin sa mga labi.
Humakbang ako ng isang beses palayo sa kanya and crossed my arms. "Okay, what is it?" Hamon ko.
Ibinaba niya ang sketchpad at tiningnan muli ang kung ano man. He licked his lips with a ghost of smile.
"Why did you sketch me for?" Aniya.
"Past time." I tried to answer casually. I don't want him to think that I'm interest with him. When the truth was, iyon ang tinitingnan ko kapag nawawalan ako ng motivation mag-aral.
He chuckled as if not buying my answer, but he handed the sketchpad back to me. "Okay. Sabihin nalang natin na naniniwala ako, pero kunyari lang ha?" he licked his lips at umalis. Sinundan ko siya nang tingin at nakitang pumasok siya sa study room ni George.
Napairap ako. Bakit? Ano ba in-expect niya? Na sasabihin ko na nagwagwapuhan ako sa kanya kaya ko siya iginuhit? I don't think I have to state the obvious. I'm sure every girl has confessed.
Nagkulong ako sa kwarto matapos iyon, lumabas lamang nang naghapunan na and to my relief, Primo was no longer around. I don't think I can move freely if he's around kahit teritoryo ko pa ito. There's just something the way he looks that makes me conscious of how I look and how I act.
"Let's go out tomorrow." Si George habang nakatingin parin sa laptop niya.
He's at it again. I don't think he'll stop unless I agree to what he wants. We're in the study room again. Kung kakasya lang siguro ang Queen size bed niya rito, ditto na siya matutulog.
"Ayoko. Result day bukas." I said while glancing at him because I'm sketching him.
He stopped what he was doing and looked at me raising his brow. "Your day doesn't need to stop just because of a result. Kapag ba pumasa ka, hihiga ka lang? Kapag ba hindi ka pumasa, hihiga ka lang rin?"
I get his point, but I just want to know first the result before I make plans. Magsasaya ako tapos hindi pala ako pumasa? Hindi naman siguro masamang umiyak muna ako, hindi ba? Ayoko ring pumunta sa isang lugar na maganta tapos hindi ko maapreciate kasi ang utak ko ay nasa ibang bagay. I don't think it'll be fair lalo na sa kasama ko.