Eleventh Blend

4 0 0
                                    

Eleventh Blend


Fancy


"Huh?! Are you serious girl?!" Annie's exaggerated reception boomed the café. Pinagtinginan tuloy kami ng mga customers.

"Shhh! Ano ba, lower your voice. Para namang bahay mo 'to." Saway ko sa kanya.

Simula na ng pasukan at naisipin kong ikwento sa mga kaibigan ang nangyari sa gabing iyon. Ilang lingggo na rin ang nagdaan at masama parin ang loob ni George sa nangyari. Kung todo bantay na nga e. Kung dati'y malayang nakakalabas pasok si Primo sa bahay, ngayon mukhang masusuntok ulit siya bago makapasok.

We secretly communicate through social media only if George isn't around. Ayokong mahalata niya na nagkakausap kami ni Primo at baka pati iyon ipagbawal niya.

"Maybe your brother is just concern because he knows Primo's reputation towards girls?" Komento ni Bunjoy.

"May point." Annie seconded before she sipped on her Cappuccino.

I have already thought about it from the moment that I've seen him with Quintessa. Tuwing naiisip ko iyon, ginagapangan ako iritasyon at hindi maintindihan kung bakit ganoon nalang ako ka affected even if he made it clear before that he never dated her.

"Ano bang gustong mangyari ni Primo?" Kuryusong tanong ni Annie habang nilalaro ang metal straw ng inumin.

Sa totoo lang, wala naman kaming pinag-usapan tungkol sa susunod na mangyayari. It's my first time to be in this kind of set-up or relationship. Ano nga ba dapat?

"Hindi ko alam." Pag-amin ko, "Sumasagot lang naman ako sa mga messages niya."

I have thought that maybe George reacted like that was because he knew that I don't know anything about relationship or I'm too young for that especially for a guy like Primo.

What kind of relationship he prefers? A mature relationship? A cute relationship? Cute? It sounds off.

"Kaya naman pala you gained designer bags under your eyes. LV sa left eye at Chanel sa right." Annie's annoying laughter makes me want to choke her.

"I have a class in 15 minutes, so mauna na ako." Bunjoy tapped my back before he went out.

Nasa café kami na nasa loob lang ng campus. The place is chock-full of students, either studying or waiting for their next class. Annie's finished for the day while I still have one last class in an hour.

"Driver mo ba ang susundo sa iyo o Kuya mo?" Tanong ni Annie habang inuubos ang inumin niya.

"Hindi ko pa alam e." Walang kabuhay-buhay kong sagot.

Bantay-sarado na nga ako ni George. Kung hindi si Manong ang susundo, walang iba kung hindi ang magaling kung kapatid. Masyado akong pinagkakaabalahan kaya minsan na-asar ko na baka kalawangin at matigang siya kakasunod sa akin.

"Mag NBS muna tayo riyan sa malapit. Isang oras ka pa naman e." Suwestiyon niya.

I stood up and followed Annie went out of that boisterous café. I also have requirements that I need to buy, so it's a good idea.

Maraming tao pagpasok namin sa establisyemento ngunit hindi kami nagpatinag at mas nakipagsisisikan pa. Not minding the people, we managed to buy the things we need. But of course, we weren't able to go out without a heated argument with a stranger.

"Akala mo kung sino kang maganda!" Sigaw ni Annie mula sa labas.

"So many entitled people!" Sigaw niyang muli na naiinis.

MY PERFECT BLENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon