Stracey's POV
Nagising nalang ako umaga na.
Hindi ko na maalala yung mga nangyari kagabi.
Natagpuan ko nalang ang satili ko sa hindi ko alam kung kaninong kwarto.
OMG!! Don't tell me may nangyari samin nung manyak na yun.
Agad akong bumangon ngunit naramdaman ko ang sakit sa ulo kaya muli akong napahiga sa kama ng kung kanino man.
Punyeta asan kaya ako.
Nang mawala na ang pananakit ng ulo ko ay muli akong tumayo at lumabas na sa kwartong iyon.
Narealize ko na ng tuluyan na wala talaga ako sa bahay namin ng makababa na ng tuluyan.
Pupunta sana ako sa kitchen kaya lang hindi ko alam kung saan ang daan.
Hindi naman yata ako maliligaw dito hindi naman ito kasing laki ng bahay namin.
Kaya nag ikot ako sa bahay na iyon hanggang sa makita ko ang aking pakay ang kitchen.
Pero nagulat nalang ako ng makita ko ang isang lalaking nag luluto dito sa kusina.
Parang pamilyar ito sakin.
Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko.
Bigla akong nagulat ng si Trevor nga ang lalaki.
Pano niya kaya ako nadala dito.
"Oh gising kana pala"
Mabilis akong sumugod sa kanya at pinaghahampas ang braso niya.
Infairness maganda ang hubog ng mga ito.
"You pervert!!"
"Huy Stracey easy lang"
"Anong easy lang ha anong nangyari satin, may ginawa ka ba sakin, yari ka talaga sakin pag nagkataon"
"Huh teka nga lang iniisip mo bang ganon akong lalaki?"
"Eh ano paba bakit ako nandito sa bahay niyo?"
"Nagtext ka kasi sakin lasing ka kagabi kaya pinuntahan kita sa bar nila Kath"
"Tapos pagpunta ko pa dun may nang ha-harass na sayong lalaki kaya wala akong nagawa kundi patulan yung lalaking yun"
Mabilis na rumehistro sa mukha ko ang matinding hiya dahil sa mga sinabi ko kanina.
"Kaya lang nalala kong hindi ko nga pala alam kung saan ka nakatira kaya dito muna kita dinala sa bahay namin"
"Sorry hindi ko alam"
Napayuko ako sa matinding pagka pahiya ko sa kanya.
"Okay lang anu kaba normal lang na isipin yun ng isang tao kapag hindi pamilyar sa kanya ang isang lugar pati narin ang kanyang kasama kaya walang atraso"
Nakangiti niyang sabi.
Hindi pa rin ako maka tingin sa kanya dahil sa mga nangyari kanina lang.
"Halika kumain ka muna dito para mahimasmasan ka at para maiuwi na kita sa inyo"
Nag handa siya ng pagkain naming dalawa at saka kami kumain.
Nagluto siya ng itlog, hotdog, and bacon.
Tamang tama kasi nagugutom narin ako.
Kaso naging awkward ang pagkain ko kasi patingin tingin sa akin itong si Trevor.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Into You
Ficção AdolescenteSi Stracey ay may napakasamang ugali ngunit nung nakilala niya si Trevor may magbabago pa ba?