"Grabe pre, ayoko na talaga sa klase ni Mr. Jimenez. Tamo, first day na first day tapos ang daming requirements then project na kaagad aba pamajor masyado na subject." reklamo agad ni Aaron pagkalabas pa lang namin.
Totoo naman kasi dinaig pa major namin, tipong chill chill lang kami doon tapos sa kanya wow, tagay na lang natin yan.
"Mga brad, tara gala tayo wala naman tayong next subj, nasa bakasyon pa yung dalawang prof natin so ano?" aya naman ni Frederick, lakas makapag-aya pero kahit piso wala man lang kaming natatanggap na libre.
"Oh ano? Doon tayo sa 7/11 tamang tama madaming chix dun tapat lang naman yun ng Haxistone Univ eh, for sure daming magaganda na malamodel ang katawan." singit naman ng mukhang singit na Aaron.
"Basta babae man no? Parang kanina lang may Natasha ka tapos ngayon hanap bago? Ano yun? Hanap.Usap.Deal for one?" tawang sagot ko sa kanya.
"Luh? Parang wala kang babae ah, balita don sa taga-Manila mo? Parang bago tayo magbakasyon pinagmamalaki mo pa sa amin" tanong nya at siningkitan pa ako ng dalawa.
"As usual mga pre, ayun naghanap ng mas mayaman at malapit." sagot ko sa kanila at sabay pumunta sa labas.
Tirik na tirik yung araw at ewan ko sa siraulong Aaron kung bakit tanghali pa talaga gustong pumunta doon. Sayang din yung kinse pesos na pambayad sa tricycle at otso pesos sa jeep tapos pagkarating doon wala naman pala talagang chix.
"Seryoso ka Aaron? Gantong oras marami doon? Baka naman mamaya pinagloloko mo kaming hampaslupa ka alam mo naman kutis mayaman nag aaral doon baka mamaya wala naman palang lumabas" sabi ni Frederick habang naghihintay kami sa masasakyan na jeep.
"Oo nga, proven and tested to maniwala ka sakin pre sus baka mamaya tumirik mata mo in advance eh" sagot nya naman na parang pinagmamalaki pa ng demonyong to.
Nang sumakay kami sa jeep, may isang babae na sumakay din tipong amoy pa lang nya mapapatingin kana. Straight ang buhok, maganda ang katawan at kutis, maamong mukha at singkit na mata. Ang ganda nya, para syang model ng isang magazine at halatang minemaintain nya yung fit ng katawan. Siniko naman kami ni Aaron at tinuro ang babae gamit ang nguso at mata. Maganda nga kasi at parang may lahi pa saka mukhang mabait naman sya di tulad ng iba na sa unang tingin pa lang alam mo nang maldita.
"Kalma, baka matunaw yan si Ms Ganda" bulong sa akin ni Aaron at agad kong tinignan ng masama kaso tumawa ng malakas ang loko kaya napatingin sa kanya ang ibang pasahero kasama na ang magandang babae.
Maya maya pa ay nakarating din kami sa tapat ng Haxistone University at tama nga si Aaron, madami nga talagang chix sa may 7/11 pero hindi pa rin nawala yung babae na nakita ko na sabay din naman naming bumaba. Mukhang tatawid din sya kaya naman pasimple lang akong lumapit sa kanya baka sakaling mapansin ako.
"Hi Miss Ganda, pwedeng malaman pangalan mo? Kanina pa kasi tong katabi ko na gusto malaman name mo eh" ako na nahihiya sa punyetang Aaron na to kaya kinurot ko na lang ang kamay kaya napaaray.
"Ay, hello po, Clarisse po." sagot naman nya, tulad ng mukha nya, ang ganda din ng pangalan. Clarisse, ClaReius.
"Hi Clarisse, I'm Aaron Basilla, ito namang gusto magtanong, Andreius Merjel at ayun namang nasa likod ko, Frederick Khariz. 2nd year and taking Bachelor of Science in Marine Transportation at Philippine Marine College." pagpapakilala nya kulang na lang pati pamilya namin ipakilala na.
"Ay ganon po ha? Nice naman, ako naman 2nd year and taking BS in Tourism. Nice to meet you po. Ahh saan po pala kayo papunta?" sagot nya.
BINABASA MO ANG
Midst of the Sea (ON-HOLD)
Teen FictionAndreius Merjel is a serious and a hardworking seaman who focuses on his work in a cargo ship. He is known to be an unapproachable man as he is serious with his job until he met her. Date started: May 22, 2020