5

25 9 0
                                    

Tulad ng sabi nya kahapon, maaga akong naligo saka nagbihis para pumunta sa SM. 12:56 pm pa lang nandito na ako habang hinihintay sya dahil traffic daw. Palinga linga lang ako sa may entrance banda para sakaling pag dumating sya, makikita ko kaagad. Medyo napapailang din ako tumambay tulad kanina lang, may dalawang babae na parang grade 7 or 8 lang ata na tinatanong pangalan ko, di ako sanay sa ganun pero no choice binigay ko na lang para di na mangulit. Maya maya pa, nakita ko na si Clarisse na pumasok. Nakaoff shoulder na red at litaw na litaw yung ganda nya. Tama din naka red na polo shirt ako kaya mukha tuloy kaming magjowa neto.



Tumingin tingin muna sa paligid na para bang may hinahanap pero nagtama din ang mga mata namin at isang masiglang ngiti ang nakita ko, ang ganda mo Clarisse.



"Uy pasensya na ha napatagal yung dating ko paano ba naman may nasiraan ng truck doon sa highway eh, hassle tapos ang tagal alisin" explain nya sakin.



"Okay lang saka di naman matagal eh kaya ko naman maghintay walang kaso sakin yun." sagot ko sa kanya, totoo naman kahit maghintay ako basta ba dumating yung taong nangako na pupunta.



"Tara na tamang gala lang tayo at grocery!" masigla nyang sabi sabay naglakad.



Maganda si Clarisse kaya normal na may ibang lalake ang napapatingin sa kanya pero ganun din sakin. May ibang makakapal pa nga ang tinuturo sya pero di nya lang pinapansin, siguro sanay na din sya sa ganto. Pumasok muna kami sa Watch Republic at bumalot sa pagtataka ko kung ano ang gagawin nya dito. Siguro may reregaluhan syang tao? Or baka naman sa sarili nya? Or pwede din sa gusto nya?



"Sa tingin mo maganda yun?" turo nya sa isang Casio Watch na silver na glow in the dark ang loob at medyo malako ang bilog nito na halatang panglalake.



"Oo naman maganda yan kaysa kung gold bibilhin mo baka maattract lang mata ng magnanakaw." sagot ko.



"Tama ka naman. Sana magustuhan ni Ric to eh, bukas na kasi yung birthday nya at yan sana balak kong iregalo" sabi nya habang pinagmamasdan lang ang relo na ngayon ay hawak nya.



"Sino naman si Ric?" tanong ko. Wala naman kasi syang kinuwento na may kapatid syang lalake kasi sabi nya lahat sila ay babae at sya ang pangalawa.



"Ah kapatid ko yun, kumbaga kapatid ko sa tatay ko. Dati kasi dun sya kay papa umuuwi eh pero ngayon lumipat sya dito samin kasi binubugbog sya ni papa saka yung mama nya naman ewan ko dun bahala sila." sagot nya napatawa pa sa huli.



Hindi na nagtagal si Clarisse kaya agad nya ding binili iyon na nagkakahalagang 1700, sulit na din lalo na may discount naman sya. Pagkalabas namin sa shop na yun, agad naman kaming nagtungo sa Watson, akmang di sana ako sasama sa loob kaso bigla nya akong hinila kesyo ako daw yung pipili ng kulay na bagay sa kanya. Parang dati sa memes ko lang to nakikita pero takte bat ako ngayon nandito sa Watson para mamili ng kulay sa bibilhin nya?



"Oy Andreius wag kanang sumimangot dyan to naman, ganyan din ako kay kuya eh sya pinapapili ko ng kulay kaso wala akong tiwala dun paano ba naman black na lipstick bet nya?! Ano ako mangkukulam?! Duhhh" sabi nya na halatang asar na asar pa pero tumango na lang ako.



Nagsimula na syang tumingin sa mga nakadisplay na make up, may brush na ibat ibang hugis malay ko kung para saan yan pero mukhang maganda syang panlinis ng pc ko. May parang itlog din na di ko maintindihan bat iniiba ang kulay saka ang mahal. May mga colored pencil din pero para ata sa kilay kasi may babaeng ginamit yun sa kilay. Diba colored pencil lang? Bat di na lang sila bumili sa bookstore for sure mas mura doon kaysa dito umaabot ng 200 isang piraso lang yun.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midst of the Sea (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon